Ang bilis ng panahon. Tatlong taon na agad mula ng ikasal kami ni Nick. Ganun nga siguro kapag masaya ka, parang lumilipad na lang ang oras, araw, buwan at taon. Kapapanganak ko lang two months ago sa aming pang-apat na baby. It took quite awhile bago ako nabuntis ulit. It's worth the wait naman. Babae ang isinilang ko at Veronica ang ipinangalan namin sa kanya.
Nasa rancho kami ngayon na nabili ni Nick noong nakaraang taon lang. Nagpipicnic kami kasama ang malalapit na kaibigan namin. Napangiti ako nang titigan ko si Nick habang nakaupo sa silya at karga-karga ang baby. He just couldn't take his eyes off her.
"Maraming salamat, Cassandra." Napalingon ako kay dad.
"Para po saan?" Kunot ang noong tanong ko.
"Salamat dahil tinupad mo ang pangako mo sa akin. Binigyan mo ang anak ko ng masaya at kumpletong pamilya." Sabi niya habang nakatingin din kay Nick. "He used to be a cold, bitter person. Ngayon, ang layo layo na niya sa dating siya. He looks so happy and contented."
Napangiti ako. Pasimpleng pinahid nito ang luhang nagbabandyang bumagsak sa mga mata niya. Hinimas-himas ko ang likod niya.
"I'm just so happy for him. Sa inyo ng pamilya mo." Ngumiti siya.
"Lolo, let's go horseback riding." Lumapit sa amin si Miggy. Magkasundong-magkasundo silang dalawang mag-lolo sa pangangabayo. Niregaluhan nga siya ni dad ng kabayo noong 11th birthday niya. Palagi rin siyang sinasama ni dad sa mga polo games.
"Sure, apo. Matagal ko na din hindi nasasakyan si Oreo." Sabi ni dad. Si Oreo ay isa sa mga kabayong ibinigay niya kay Miggy.
"Anak, huwag mong papagurin masyado ang lolo mo." Paalala ko sa kanya.
"Ano ka ba, Cassie? Hindi pa naman ako ganon katanda. Kayang-kaya ko pa sabayan itong apo ko." Sabi nito. Umakbay siya kay Miggy. "Ah, this young man keeps me young."
"Halika na, lolo." Hinatak ni Miggy ang lolo niya at nagpunta sila sa horse stable.
Nilapitan ko si Nick at umupo sa tabi niya. Hinalikan ko sa noo ang baby namin at hinalikan ko siya sa pisngi.
"She looks exactly like you. Kasingganda mo." Sabi ni Nick na nakatitig pa rin sa baby.
"She has your lips." Sabi ko.
"Ayun lang yata nakuha ng baby natin sa akin. She has your nose, your eyes, your hair."
"Akala ko nga magiging blondie na naman ang baby natin." I giggled.
"Our first dark-haired baby." Nakangiting sabi niya bago tumingin sa akin. "Nasabi ko na ba sayo na mahal na mahal kita."
"Everyday." Sabi ko. "At mahal na mahal na mahal na mahal din kita."
Matagal namin tinitigan ang isa't isa. Dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa akin.
"O, baka masundan agad niyan si Veronica." Narinig kong sabi ni Jerome. Napalingon ako sa kanya. Lumapit siya kasama si Andi at umupo sa tabi namin.
"Mga istorbo." Sabi ni Nick. Natawa lang ang dalawa.
"Pahawak nga ang baby." Sabi ni Andi at binigay naman ito ni Nick sa kanya. Umakbay sa akin ang asawa ko.
"Ang cute talaga. Manang mana kay ninang Rome." Nangigigil na sabi ni Jerome.
"Excited na akong magka-baby ulit. Sana babae naman." Nilaro-laro ni Andi ang kamay ng sanggol.
"Six months na lang naman, hindi ba?" Sabi ko.
"Yes. Excited na din ang mag-ama ko, nag-iisip na sila ng maipapangalan sa magiging baby namin." Masayang sabi niya.
"Kain na tayo! Luto na ang mga pagkain!" Sigaw ni Wayne. Kanina pa abala ang mga lalaki sa pag-barbeque.
"Sige, dude." Sabi ni Nick.
"Naynay!" Tumakbo palapit sa amin si Yvo. Nakasuot lang ito ng pulang swim trunks.
"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ni Andi.
"Sabi ni tatay mag-swim kami sa lake. Gusto mo daw sumama?" Tanong niya.
"Pasaway talaga kayo ng tatay mo. Di ba sabi ko pagkatapos na kumain?" Pinahawak ni Andi ang baby sa akin. "Iwan ko muna kayo, tatawagin ko lang asawa ko."
Umalis si Andi kasama ang anak niya.
"Kakain na nga ako. I'm so hungry." Sabi ni Jerome. Tumayo ito para kumuha ng pagkain.
Natanaw ko ang kambal na tumatakbo papunta sa amin. Lumundag si Coco kay Nick at tumabi naman si Audrey sa akin para laruin ang kapatid niya.
"Teka, asan na si Miggy?" Lumingon sa paligid si Nick. Hinahanap ng mata niya si Miggy.
"Kasama ni dad, nangangabayo." Sagot ko.
Sakto naman dumaan ang mag-lolo. Nakasakay si Miggy sa kabayo habang naglalakad si dad sa tabi at hawak-hawak ang tali.
"Dad, kain na tayo." Aya ni Nick sa ama niya.
Itinali ni dad ang kabayo sa puno at inalalayan si Miggy sa pagbaba. Lumapit silang dalawa sa amin. Sabay-sabay kaming kumain at napuno ang mesa ng tawa at masasayang kuwentuhan.