"Cass, thanks for having my babies." Nick smiled and kiss me on the back of my hand. I smiled back at him. Pero sa loob-loob ko parang gusto kong sumabog sa sobrang kilig. Ano ba to? Kinikilig pa ako, eh may anak na nga kami at buntis pa ko sa pangalawa at pangatlong anak namin. Simula nang mag-'date' kami he has been really sweet to me. Hindi na umiinit ang ulo niya, hindi na siya palaging nakasimangot everything changed. He's back to being Nick.
"Did you take your vitamins?" Tanong niya.
"Yes, sir."
"Good girl. Uminom ka din ng gatas mo?" He bought me alot of vitamins and Anmum. Araw-araw niya akong tinatanong kung iniinom ko ba yun. Sobra talaga ang alaga niya sa akin at sa baby namin. I think he'll be the best father.
"Yes, sir." I playfully answered.
"Halika nga dito." Kinuha niya ang kamay ko at inupo ako sa kandungan niya. Hinaplos-haplos niya ang tiyan ko. "Cass?"
"Yeah?"
"I'm going to pick you up at your house tonight at seven."
"Why?"
"Birthday ni dad. Ipakikilala na kita sa mga Cordova bilang fiancee ko." He answered.
Bigla akong kinabahan. Ngayon na ba yun? I'm not ready. I don't know what to wear or how I should act in front of his family. "O-okay."
"Nervous?"
"A little."
"Don't be. Ako bahala sa'yo." Sabi niya.Somehow, it made me a bit less nervous.
He continued doing his work while I sit on his lap. Parang nailang ako at nang aktong tatayo na ako huminto siya at niyakap ako. "Saan ka pupunta?"
"Baka kasi nakakaistorbo na ako." Sabi ko.
"No, stay."
"I'm heavy. Baka nabibigatan ka na."
"No, you aren't. You're perfect, Cass. I don't ever want to let go of you." He put his head on my shoulder and snuggled me.
"Miggy, mama's getting married." Nilapitan ko si Miggy na abala sa pagbabasa ng Dr. Seus book niya. Gusto ko ng malaman ni Miggy na ikakasal na ako para hindi na siya magulat kapag nangyari na iyon. Gusto ko na din sabihin ang totoo kay Nick at kay Miggy. Humahanap lang ako ng magandang tiyempo.
"Getting married? Like tita Abigail?" Binaba ni Miggy ang libro niya. Kakakasal lang kasi ni Abigail, ang kapatid ni Jerome at naging ring barer siya sa kasal.
"Yes, like your tita Abigail."
"Who are you marrying?" Tanong niya na parang naiintindihan niya na ito.
"His name is Phoenix Cordova. Someday, ipakikilala din kita sa kanya."
"Does he know about me?" Tanong nito.
"No, not yet." Sagot ko.
"If he's going to be your husband then he's going to be my dad, right?"
"Yes..." He's your real dad. Gusto kong sabihin sa kanya iyon.
"I know he is a good guy cause you wouldn't pick a bad guy to be my dad, right mama? You wouldn't settle for anything less than the best." He sound so mature for his age. I raised such a smart child. I'm so proud of him.
I nodded my head. I wish I could just take back the lie I told him about his dad being dead. Dahil ngayon gustong-gusto ko na sabihin sa kanya na buhay ang ama niya at malapit niya na itong makilala. Siguro pagkatapos ko ng sabihin kay Nick ang tungkol kay Miggy doon ko na lang sasabihin sa anak ko ang totoo. At least alam ko na ang magiging reaction ni Nick. Walang alam si Nick na may nangyari sa amin noon baka akalain niyang niloloko ko siya. He might reject Miggy.
Makalipas ang ilang oras sinundo na ako ni Nick sa bahay. And of course, he didn't see Miggy. He was in his room playing his PSP.
"Ok lang ba ang suot ko?" I'm wearing a simple black little dress.
"You look beautiful, Cassie." He said smiling.
"Thank you. Your not so bad yourself." I giggled.
"You know, your belly is starting to stick out." He glanced at my stomach at ibinalik ang mata sa kalsada.
"It is?" Napayuko ako sa tiyan ko. Para tuloy akong na concious.
"Don't worry, it doesn't look bad." Sabi niya na parang nababasa niya ang nasa isip ko. "Hindi na ko makapaghintay na lumaki yan tiyan mo."
"Why? Does pregnant women turn you on?" Nagbibirong sabi ko.
"You're the only pregnant woman that can turn me on. Kapag lumaki na yan tiyan mo wala ng ibang lalaking makakalapit sa'yo. They'll know you already belong to someone else... to me." Sabi ni Nick.
Huminto kami sa harap ng isang malaking wooded gate. Hindi mo makikita ang nasa loob dahil nahaharangan ito ng mataas na dingding. Pinindot ni Nick ang speaker sa gilid ng gate at bumukas na ito. Namangha ako ng makita ko ang loob. Mahaba ang driveway nito at may mga puno sa gilid at sa pinakadulo may malaking fountain na may estatwa sa gitna sa harap ng malaking mansyon. It was even bigger and grander than Nick's mansion. Maraming nagagandahang kotse ang nakaparada sa harap ng bahay. Nick handed his car key to the valet. Pumasok kami sa mansyon at pumunta sa may garden kung saan nandoon ang kasiyahan.
"Happy birthday... dad." Sabi ni Nick. It's as if he didn't want to say the word 'dad'. Parang napipilitan lang ito.
"Oh, your bastard came." Nakataas ang kilay na sabi ng babae. Kahit halatang may edad na maganda pa rin ito pero mukhang mataray.
"Don't make a scene, Agnes!" Kalmado ngunit may diin na sabi ng may edad na lalaki.
"Kung hindi mo pinapunta yang bastardo mong yan walang eksenang mangyayari." Singhal ng babae. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "At sino naman yang kasama mo?"
"She's my fiancee." Nick said with a stone cold look on his face.
"You're my son's fiancee?" May ngiting gumuhit sa mga labi ng matandang lalaki.
"Opo." I politely answered.
"I'm James Cordova, his father. I'm very pleased to meet you...?" Inilahad niya ang kamay niya.
"Cassandra Imperial. Pleased to meet you too, sir." I shook his hand.
"Cassandra. A very beautiful name, it suits you." Sabi nito. He seems like a very warm and friendly person. Bakit kaya hindi na mana ni Nick sa ama niya iyon?
"Thank you." I smiled at him.
"Are you somewhat related to the late Miguel Imperial?" Tanong nito.
"He's my father." Sagot ko.
"I have met him a couple of times before." Sabi nito. Small world. Pero hindi naman nakakagulat dahil pareho lang sila ng mundong ginagalawan. They were both businessmen.
"Your father would probably turn in his grave if he knew that you're going to marry a bastard." Sabi ng asawa nito. Wala man lang reaksyon sa mukha ni Nick. That lady was insulting him! Why wouldn't he fight back? Para siyang si Samson na naputulan ng buhok.
"Agnes!" Saway ng ama ni Nick sa asawa niya.
"With all due respect, ma'am, hindi mo kilala ang ama ko. Hindi kasing kitid ng utak mo ang utak ng dad ko. At may pangalan ang fiancee ko, hindi bastard ang pangalan niya." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"How dare you?" Nanlalaki ang mga mata ng babae sa galit. Everyone is staring at us.
"You have no right to speak to my mother that way." Lumapit ang isang lalaki sa amin.
"Wala din siyang karapatang pagsalitaan si Nick ng ganon!" Sabi ko.
"Kaya pala pinatulan ka niyang babaeng yan dahil pareho kayong walang modo! Bagay na bagay talaga kayo." Sabi ng lalaki kay Nick.
Nilapitan ni Nick ang lalaki at itinaas ang kamao. Sinuntok niya ito sa mukha at napahiga ito sa sahig. I could hear the gasp from the ground followed by silence.
"Tatanggapin ko lahat ng pangiinsulto niyo sa akin pero huwag na huwag mong iinsultuhin si Cassie." Nick said in a calm voice.
"You bastard! Walanghiya ka!" Pinagsasampal ni Agnes si Nick at hindi man lang pumalag ito. Hinatak siya ng asawa niya at hinarangan ko si Nick.
"Stop it, Agnes! Hindi ka ba nahihiya?" Galit na sabi ng ama ni Nick.
"Bakit ako mahihiya? Hindi ba dapat ang bastardo mo ang mahiya sa ginawa niya sa anak natin!" Sabi ni Agnes.
"Ikaw ang nagsimula!" Sabi ng matandang lalaki.
"We should probably leave now. Happy birthday, dad. Sorry for all the trouble." Sabi niya sa ama.
"No, don't leave." Pigil ng matanda.
"Paalisin mo na yang bastardong iyan!" Sabi ni Agnes.
"Kung gusto mo ikaw ang umalis but my son is staying here." Sabi nito.
"I'm sorry, dad. I can't stay." Nagpatuloy sa paglalakad si Nick.
"Please, hijo... ito ang kauna-unahang beses na dinalaw mo ako sa kaarawan ko." Pakiusap ng matanda.
Hinatak ko sa braso si Nick. Naawa ako sa ama niya. "Nick, let's stay."
"No." Matigas na sabi niya.
"Nick, please..." Sabi ko sa kanya.
He sighed. His face softened a little bit. "Fine."
"Thank you." Ngumiti ako.
Bumalik kami. His dad hugged him and he didn't even hug the old man back. Para lang itong estatwang nakatayo. Parang nanonood ang mga bisita ng soap opera at nakatingin lahat sa kanilang dalawa. Si Agnes naman at ang anak niyang lalaki ay parehong nakatitig ng masama sa mag-ama. Parang sila ang kontrabida sa teleserye.
We sat at the table with Andi and his with a handsome man. Katulad ng dati, Andi looked stunning with her red cocktail dress.
"Thanks for giving us a nice program to watch, Nick. This party is boring the shit out of me." Natatawang sabi ni Andi.
Nick rolled his eyes.
"Hi, Cass." Bati ni Andi sa akin.
"Hi." I smiled at her.
"This is Jason pala, my husband." Pakilala ni Andi sa kasama niyang lalaki. May asawa na pala siya. I thought there's something going on between him and Tristan. "Jason, si Cassie fiancee ni Nick."
"Glad to meet you, Jason." Sabi ko.
"It's nice to meet you too, Cassie." Sabi niya.
"Kelan pala ang kasal niyo?" Tanong ni Andi.
"We still haven't set a date pero gusto kong makasal na kami ngayong buwan." Sagot ni Nick.
"Are we invited?" Si Jason.
"Of course." Sagot ni Nick.
We started talking about the wedding hanggang napunta na sa negosyo ang usapan. After a few minutes, the waiter served our food. I excused myself because I need to go to the bathroom. Well, because pregnant women tend to pee alot. After going to the bathroom nakasalubong ko ang dad niya na naglalakad pabalik sa party.
"Sir!" Tawag ko sa kanya. Agad naman itong lumingon.
"Cassandra." He said with a warm smile.
"Sir, I would just like to apologize for what happened-"
"There's no need to apologize. Tama ang ginawa mo at ang swerte ng anak ko dahil alam kong mahal na mahal mo siya." Sabi niya.
Ngumiti ako.
"Isa lang ang hihingin ko sa'yo, ibigay mo sa kanya ang isang buo at masayang pamilyang hindi ko naibigay sa kanya." Sabi nito. "Ang dami kong pagkukulang sa batang iyan."
"I promise I will, sir." Sabi ko.
"Don't call me sir. James na lang ang itawag mo sa akin o kaya dad since your going to be my son's wife soon."
"Okay, dad."
"That's more like it. One more thing, Cassandra, try to be patient with him. It seems that boy has some heavy emotional baggage. Sana maintindihan mo siya, kasalanan ko lahat ng iyon." Pakiusap nito.
Tumango ako. I will do everything to make Nick happy. He won't have to be alone anymore. We will be one big happy family: ako, siya, si Miggy at ang kambal na nasa tiyan ko. I'm actually planning to tell him about Miggy.
I went back to the party. Pagbalik ko sa table si Jason na lang ang naiwan dun at may kausap ito sa phone niya. I decided to find Nick. Natanaw ko sila sa dulong parte ng garden. Nakatayo sila sa bridge sa gitna ng pond. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.
"I think Cassie's falling in love with you." Sabi ni Andi.
"I know." Nick said.
"Everything's going according to plan, huh? You'll have your revenge at makukuha mo pa ang pamana sa'yo ni uncle James pag naipanganak na ang kambal niyo."
"That was the plan." Kibit balikat na sabi niya.
"A plan well executed..."
I can't believe what I'm hearing. Pinlano niya lang ang lahat ng ito. He's just using me and our babies. He is so cruel! Ang tanga tanga ko talaga! I can't believe I fell into his trap!
Nick's POV
"That was the plan." Sabi ko na lang.
"A plan well executed. Cassie is crazy for you. I mean, did you see kung paano ka niya ipinatanggol sa harap ng maraming tao. Poor girl." Sabi ni Andi.
"But I'm falling in love with her too. I don't want to take revenge on her anymore." Sabi ko.
Andi stared at me with disgust. But I couldn't care less, mahal ko na talaga si Cassie. I don't care what she did before. Ang alam ko mahal niya na rin ako. Lalo kong naramdaman iyon sa ginawa niya kanina.
"Love? Oh please!" Andi rolled his eyes. "Falling in love is just plain stupid."
"Why are you so bitter?" I joked.
"I'm just being realistic here, Phoenix. Walang madudulot na maganda yang love na yan. You'll only get hurt." Sabi nito. I know Cassie won't hurt me again. I just know.
"You're not being realistic. You're being cynical." Sabi ko.
"That's just my opinion but to each his own." Sabi ni Andi.
"I think you're talking from experience."
"This isn't about me, Phoenix!" Naaasar na ito.
"Cool ka lang. I was just kidding." Natatawang sabi ko. Andi can be really weird sometimes.
"Are you ok? Kanina ka pa tahimik?" Tanong ko kay Cassie. Kapag tinatanong o kinakausap ko ang tipid ng sagot. Maaga kaming umalis sa party dahil baka masama ang pakiramdam niya.
"I'm just tired..." Sabi nito.
"Wanna sleep at my house?"
"Gusto ko umuwi sa bahay ko." Walang ganang sagot niya.
"Then I'll just sleep at your house."
"No." Matipid na sagot niya.
"Why?"
"Because I don't want you to." She sounded annoyed. Baka naglilihi lang itong babaeng ito kaya ang sungit sungit.
"Are you sure?"
"Oo nga sabi!"
I dropped her off her house. Hindi man lang ako inayang pumasok sa bahay niya. Pagkaparada ko sa harap ng bahay niya bumaba na ito at pumasok sa bahay. Ni wala man lang kiss o bye man lang. Normal lang siguro yun kasi buntis siya. I heard pregnant women are moody.
Ghad! Si jason ang makakatuluyan ni Andi? No way! :'(
ReplyDeleteMas maganda sana kung ipagpatuloy na lang nina Tristan at Andi yung love story nila :(
DeleteMay story na ba before SWMR? I mean kagaya ng story ni Andi?
ReplyDeleteHala! Bakit c Jason? Akala q c andi at tristan na?
ReplyDeleteopps. i love the author,so smart and wise! ipinakilala nga ni Andi na asawa niya si Jason, pero duh! bakit hindi na sya naniniwala sa love? at bitter na sya? there is something talaga!i am very excited to read FNTSG!
ReplyDeletehalah ou nag abket c Jason ? Bat di c Tristan ? Tsaka bat wala na xang anak . Natuloy kya ung abortion ? Hmm ! .. Grabeeeh ! Parang teleserye ..
ReplyDeletenauna kong basahin yung story nila andi at tristan bago ito. kakatakot tuloy basahin yung story nila kasi mukhang di sila ang magkakatuluyan :(
ReplyDeleteAng ganda
ReplyDeleteayan hindi nanaman pinatapos hays
ReplyDeletetsk tsk tsk!, Bahala na kayo, malalaki na kayo kaya nyo na yan.
ReplyDelete