Friday, May 10, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Thirty Three


Nick's POV




Hindi ako gaanong nakatulog. I keep picturing Cassie's traumatized face. Hindi ako pinatahimik ng konsensya ko kahit sa panaginip ko. My dream was far worse. In my dream I was raping Cassie. Napaginipan ko na ito noon at naulit uli ngayon. Nagmamakaawa siya sa akin katulad ng pagmamakaawa niya sa akin kagabi pero hindi ako nakinig. Ginahasa ko siya, nagising akong umiiyak. Hindi ko alam kung bakit napapaginipan ko ang mga bagay na yun. Dahil ba sa nangyari kagabi? I'm a fucking sick bastard.




I stared at my messy room. It's completely trashed. Ipapalinis ko na lang sa mga maid mamaya. Naligo ako at nagbihis. Gusto kong makausap si Cassie. Hihingi ako ng tawad sa nagawa ko kagabi at sa lahat ng mga nagawa.



Bumaba ako at nadatnan ko si Cassie na nagpapakain na ng mga bata. Medyo late akong nagising.



"Bakit ngayon ka lang bumaba, dad?" Tanong ni Audrey.



"Late na kasi ako nagising." Paliwanag ko. Lumapit ako sa table. Nagtama ang tingin namin ni Cassie. She has dark circle under her eyes. Mukhang hindi din ito nakatulog ng maayos. Pagkaupo ko sa mesa agad naman tumayo si Cassie.



"Cass..." Tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon. Lumabas siya sa dining room.



Tumayo ako at sumunod sa kanya. "Cassie, mag-usap tayo." 



"Leave me alone, Nick." Sabi niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Hinabol ko siya at hinawakan sa braso.



"Cassie..." Hinarap ko siya sa akin. "Patawarin mo ako, Cass."



"Ilang beses na kita pinatawad sa lahat ng kahayupang pinagagawa mo sa akin! Paulit-ulit mo akong sinasaktan! Hindi ko na kaya. Punong-puno na ako sayo! Nagtitiis na lang ako para sa mga anak ko." Namamasa ang mga matang sabi niya.



Niyakap ko siya. "I'm sorry."



"I hate you! I hate you so much! Wala na akong nararamdaman sayo kundi galit!" Pinagsusuntok niya ako sa dibdib. Hindi ko pa rin siya binitawan. Pinipigilan kong pumatak ang luha ko. Galit din ako sa sarili. Ngayon ako nakaramdam ng hiya sa mga ginawa ko kay Cassie. My own wife hates me, my Cassie. Kasuklam-suklam naman talaga ang ginawa ko.



"Let me go! Let me go!" Pilit niya akong itinulak. Pagkatulak niya sa akin sinampal niya ako. "Napakawalanghiya mo!"




Tumakbo siyang umiiyak. Napaupo naman ako sa couch. Napasubsob ako sa mga palad ko, bumuga na ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Kahit anong sorry ko hindi sapat iyon sa mga ginawa ko kay Cassie. Naiintindihan ko kung bakit siya galit sa akin dahil kahit nga ako galit din ako sa sarili ko.



Buong araw ako iniwasan ni Cassie. She can't even stand to be in the same room with me. Ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi niya sa akin. Sa mga tingin niya at kilos niya. The tables have turned. Dati siya ang nagmamakaawa sa akin at ako ang galit sa kanya, ngayon baliktad na ang sitwasyon. Ang bigat sa pakiramdam. Ganito rin ba ang nararamdaman niya noon?



Hinatid ng driver ang mga bata sa eskwelahan kasama si Cassie. She wouldn't go kung ako ang maghahatid sa kanila. I didn't go to work. Hindi rin naman ako makakapag-concentrate. Maiisip ko lang si Cassie, ang ginawa ko sa kanya. I feel horrible. Sana mapatawad pa ako ni Cassie. Ang gago ko kasi! Ang gago-gago ko!



Hindi rin siya bumalik sa mansyon pagkahatid sa mga bata. Mag-isang bumalik ang driver at sinabi nitong umuwi sa kanyang bahay si Cassie at babalik na lang daw ulit kapag susunduin na ang mga bata.



"Sir, nagriring yung cellphone ni ma'am Cassie." Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip ng sabihin iyon ng katulong. Nakalimutan ni Cassie ang phone niya. Inabot niya sa akin iyon.



Miggy's school... Iyon ang nakalagay sa screen ng iphone. Sino si Miggy? Ayoko sanang pakialaman pero na curious ako. I pressed answer.



"Hello, May I speak to Mrs. Imperial?" Sabi ng babae sa kabilang linya.



"Wala siya dito. I'm his husband." Sagot ko.



"Nandito po sa clinic ngayon si Miguel. Pumunta na lang po kayo dito para sunduin ang anak niyo." Sabi nito. Napakunot ang noo ko. Anak? May iba pang anak si Cassie? Kinuha ko ang address ng eskwelahan at agad akong pumunta doon. Gusto kong makita ang anak ni Cassie, anak ng asawa ko.



Ang daming tanong sa isipan ko habang naglalakad ako sa hallway ng paaralan. Ilang taon na ito? Sino ang ama niya? Bakit tinago siya sa akin ni Cassie? May iba pa ba siyang anak? Ano pa ba ang hindi ko alam tungkol sa sarili kong asawa? Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.



Nakarating na ako sa harap ng pinto na may nakalagay na Clinic. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako? Natatakot akong makaharap ang anak ni Cassie... ang anak niya sa ibang lalaki. Hindi ko maiwasan makaramdam ng selos, she carried another man's child. Ako lang dapat, anak ko lang dapat ang ipagbuntis niya. Pero walang kasalanan ang bata doon. Kahit kaninong anak pa siya tatanggapin ko siya dahil kapatid siya ng mga anak ko at anak siya ng babaeng mahal ko.



Pinihit ko ang door knob at pumasok sa clinic. Agad akong sinalubong ng isang babae. Nagpakilala siya bilang school nurse at agad kong hinanap si Miguel Imperial, pinagsign niya ako sa log book at dinala ako sa batang lalaking nakaupo sa kama. He has dirty blonde hair, just like mine and my kids. Kamukha siya ng kambal. But he has Cassie's dark round eyes.



"Hi." Napatingin siya sa akin ng marinig ako. Tumitig siya sa akin.



"Do you need anything?" Tanong nito.



"I'm Phoenix Cordova." Pakilala ko sa kanya. "I'm your mother's husband."




Tumango lang ito. "Where's mama?"



"She went home. I'm here to pick you up." Sagot ko.



"Okay." Bumaba ito sa kama.



Bago kami umalis kinausap ako ng school nurse. May lagnat ito kaya pinauwi na ng nurse. I took him to my car. Manghang-mangha siya ng makita ang kotse kong BMW. Convertible ito, yung nabababa ang hood.



"Your car is so cool!" Natutuwang sabi nito habang nagmamaneho ako.



Napangiti ako. Agad naging magaang ang loob ko sa batang iyon. Unang kita ko pa lang sa kanya. Siguro dahil kamukha siya ng mga anak ko.



"Nasaan ang dad mo?" Usisa ko.



Nagkibit-balikat lang siya. "Sabi ni mama he's dead."



"You've never seen your dad?"




Umiling siya.



"Alam mo bang may mga kapatid ka?" 



"Yeah, Audrey and Nicholas. Mama always talk about them. And we celebrate their birthday every year nung nasa California kami." Sabi niya.



"Ilang taon ka na ba... Miggy right?" 



"Nine." Sagot niya. He's nine. Ibig sabihin nabuntis na si Cassie wala pang isang taon mula ng maghiwalay kami noon. Imposible naman ako ang maging ama niya dahil WALANG nangyari sa amin ni Cassie. But how come his blonde? Sabagay di lang naman ako ang may blonde na buhok sa mundo. Maybe Cassie has a thing for blonde haired men. But I wish I was his father though.



Nang maipasok ko ang kotse sa gate ng mansyon lalo siyang namangha. Ang laki daw ng bahay ko. Pumasok kami sa loob.



"Your house is huge!" Sabi nito habang umiikot ang paningin sa buong bahay.



"Gusto mo na bang magpahinga. Hindi ba may sakit ka?" Sabi ko.



"I feel okay now." Sagot niya. Nagpatakbo-takbo ito sa buong mansyon hanggang mapunta siya sa backyard. "May pool ka din! Cool!"



"Kaya nga magpahinga ka na para gumaling ka at makapag-swimming kayo ng mga kapatid mo." Sabi ko.



"Sige na nga, magpapahinga na ko." Sabi niya. Dinala ko siya sa guest room. Sinamahan ko siya sa loob ng kwarto. Nagkwentuhan pa kami.



"Sana ganito din kalaki ang bahay namin." Sabi niya.



"Sino ba kasama niyo sa bahay niyo?" 



"Kami lang ni mama." 



"Kapag wala mama mo sino nagbabantay sayo?" 



"I'm always at ninong Jerome's house. Sinusundo na lang ako ni mama pag gabi na." Sabi nito. Nakaramdam ako ng matinding selos ng marinig ang pangalan ni Jerome. Hanggang ngayon pala parte pa rin siya ng buhay ni Cassie at alam niya ang tungkol sa anak niya. Samantalang ako na asawa, ngayon ko lang nalaman at wala pa yata siyang balak sabihin sa akin.



"Wala bang boyfriend mama mo?" Hindi ko napigilan ang magtanong.



"Mama doesn't want a boyfriend." Sabi niya.



"Nagkaron ba siya ng boyfriend noon?" 



"Maraming may gusto kay mama kaso ayaw niya sa kanila. Sabi kasi ni ninong Jerome patay na patay pa rin siya sa daddy ko." Sabi nito. Naiinis ako pero hindi ko pinahalata kay Miggy. How can Cassie love a guy like him? Anong klase siyang lalaki? She got Cassie pregnant at a young age at iniwan niya itong magpalaki ng bata ng mag-isa. Wala akong pakialam kung namatay siya! Iniwan niya pa rin si Cassie! Fuck him! Masama na kung masama pero nagpapasalamat din akong wala na siya. Dahil hindi ko magiging asawa si Cassie ngayon kung buhay pa siya.













Cassie's POV



Dumaan ang driver sa bahay para masundo ko na ang mga bata. Nagpahatid ako sa bahay pagkahatid kay Coco at Audrey. Alam kong hindi papasok si Nick dahil hindi ito naka-business suit. Galit ako sa kanya. Galit ako sa kanya dahil sa nakita ko sa opisina niya. Hinayaan ko naman siyang gawin lahat ng gusto niya sa katawan ko. Bakit kailangan niya pang maghanap ng ibang babae? Tiniis ko ang lahat ng mga ginawa niya sa akin pero hindi ko na nakaya yung ginawa niya kagabi. Doon ko lang na realize na hindi na namin ito pwedeng ayusin. Wala na. Matagal na kaming sira. Mahal ko pa rin siya, oo pero pagod na ako. Ako lang naman ang nagmamahal dito. All he wants is sex, sex, sex!!! Ayoko na masaktan. Pagod na akong magpa-martyr.



Sinundo namin ang mga bata sa school. Habang nasa kotse kami pauwi sa mansyon nagkukuwento lang sila tungkol sa ginawa nila sa school. I have to face Nick again. Pagkahinto ng kotse agad na tumakbo ang mga bata papasok sa mansyon. Sumunod ako sa kanila.



Sakto naman bumaba si Nick sa hagdan. Tumakbo ang dalawa sa ama nila at yumakap.



"Wala kang work ngayon, daddy?" Si Audrey.



"Hindi pumasok si daddy ngayon dahil masakit ulo ko." Sabi niya. Tumingin siya sa akin. Tinitigan niya ako na parang may ginawa akong kasalanan sa kanya. "Kakausapin ko lang mommy niyo." 




Pagkasabi niya nun ay tumalikod ako at naglakad. Hindi ko alam kung saan parte ako ng mansyon pupunta pero gusto kong umiwas sa kanya. Ayokong makausap siya o makita siya. I hate him. Lalo kong binilisan ang lakad ng marinig ko siyang lumapit sa akin.



"Cassie, huwag mo kong iwasan!" Matigas na sabi niya.



"Ayokong makita ka o makausap ka." Sabi ko.



"We need to talk. Bakit itinago mo sa akin ang tungkol kay Miggy?" Sabi niya. Nahinto ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.



"P-paano mo nalaman?" Humarap ako sa kanya.



"Naiwan mo ang phone mo at tumawag dito ang eskwelahan niya para ipasundo siya dahil nilalagnat ang bata." Sabi nito. Una kong naramdaman ang pag-aalala sa anak ko.



"Nasaan siya?" Tanong ko. Dinala niya ako sa kwarto kung nasaan si Miggy. He was sleeping peacefully nang madatnan ko.



"Sabihin mo nga sa akin, may iba ka pa bang anak? May dapat pa ba akong malaman?" May halong galit sa tinig nito.



"Wala. At kung meron man wala ka ng pakialam dun." Sagot ko.



"May pakialam ako dahil asawa kita." 



I snickered. "Asawa? Tinrato mo ba akong asawa, Nick?"




Hindi siya nakasagot. Nagbaba siya ng tingin. A flash of pain and gult crossed his face. Nilapitan ko si Miggy at hinaplos ang ulo niya. Hindi naman siya masyadong mainit. Sinat na lang iyon.



"Pinainom ko na siya ng gamot. Mamaya pupunta ang doktor dito para matignan siya." Sabi ni Nick.



Bahagyang gumalaw si Miggy. Maya-maya ay nagmulat na ang mata nito. "Mama..."



"Ano nararamdaman mo?" May pag-aalalang tanong ko.



"I feel better now." He smiled.



"Ikaw naman kasi nagpapaulan ka daw kahapon sabi ng ninong Jerome mo. Ang tigas-tigas ng ulo mo." Sabi ko.



"Ma, your husband's house is so huge!" Bulalas nito. I rolled my eyes. Nagcha-change topic na naman siya para hindi ko siya masermonan.



"Do you want to live here, Miggy?" Singit ni Nick.



"Of course!" Agad na sagot niya. "Kung pwede."



"Welcome na welcome ka dito.  Nasa baba na ang mga kapatid mo. Ipakikilala kita sa kanila mamaya." Nakangiting sabi ni Nick.



"Cool. I wanna meet Audrey and Nicholas." Sabi niya. "And I also wanna live here. Can we mama?"




Tinitigan ako ng dalawa habang naghihintay sa sagot ko. I feel like I'm going to lose Miggy. Natatakot akong mawalan ako ng karapatan sa kanya katulad sa kambal. Ipinaramdam sa akin ni Nick na wala akong karapatan sa kanila. Baka gawin niya din iyon kay Miggy. I bit my lip. Pero ayoko ng pagdamutan si Miggy ng ama at ng pamilya.



Nag-aalinlangan na tumango ako. Hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko. Mahal ko ang anak ko at gusto ko siyang maging masaya. Magiging sobrang makasarili na ako kung ilalayo ko pa siya sa sariling pamilya niya. Sa ama niya at sa kapatid niya. Just because I want him all for myself.



"Yay!" Halos magkasabay nilang sabi.



"High five!" Itinaas ni Nick ang kamay niya at nag-high five sila ni Miggy. Ngayon lang sila nagkita pero parang close na close na sila.



Bumaba kami kasama si Miggy. Gusto niya na agad ipakilala ito sa kambal at gusto na din makilala ni Miggy ang mga kapatid niya.



"Who is he daddy?" Agad na tanong ni Coco pagkakita kay Miggy.



"He's your older brother, kuya Miggy." Pakilala ni Nick.



"He's our brother?" Namimilog ang matang sabi ni Audrey.



Tumango si Nick.



"Hi." Ngumiti si Miggy sa dalawang bata.



Medyo nagkakailangan pa sila nung una pero agad din naman silang nagkasundo. Nilaro ni Miggy ang mga kapatid niya at enjoy na enjoy naman ang dalawa sa kuya nila.



"Tama na yan, Miggy. Baka mabinat ka." Sabi ni Nick. Tumigil ang mga bata sa paglalaro. Dumating ang doktor at tinignan si Miggy. Simpleng lagnat lang iyon at binigyan siya ng doktor ng gamot.



"Why did you hide him from me, Cass. Nagpakasal na tayo't lahat-lahat hindi mo pa rin naipagtapat sa akin na may anak ka pa palang iba." Sabi ni Nick nang makapag-solo kami.



"Bakit kailangan ko pa ipaalam sa'yo, eh hindi mo naman siya anak." Malamig na sabi ko.



"But he's my step-son. Dapat nakilala niya ang mga kapatid niya noon pa. Kahit hindi ako ang ama niya ituturing ko naman siyang parang tunay kong anak." Sabi nito. He's your son, idiot! Iyon ang isinisigaw ng isip ko. Pero hindi ko magawang sabihin sa kanya.



"Para ano, Nick? Susumbatan mo na naman ako? Sasabihin mo sa akin na malandi ako dahil nagpabuntis ako sa ibang lalaki." Galit na sabi ko.



"I made a huge mistake, Cassie. Sana mapatawad mo ako. I shouldn't have treated you like that. Pinagsisisihan ko lahat ng nasabi at nagawa ko sayo." He said remorsefully.



"Noong ako humihingi nang tawad sayo, nakinig ka ba sakin? Hindi, di ba? You treated me like shit! Binaboy mo ko! Isinaksak mo sa isip ko na wala akong kwentang ina. You made me feel worthless and that I deserved to be punished. Ikaw ang maraming atraso sa akin pero ako palagi ang lumalapit sayo, humihingi ng tawad at nagmamakaawa. Ilang beses na kitang pinatawad. Ilang beses kitang binigyan ng chance pero paulit-ulit mo akong sinasaktan. Pagod na pagod na ako sayo." Unti-unting bumagsak ang mga luha ko.



"Hindi kita maintindihan..." Kunot ang noong sabi niya.



"Paano mo ako maiintindihan? You never try to understand me. Pinapaniwalaan mo lang ang gusto mong paniwalaan!" Galit na sabi ko sa kanya. Pinahid ko ang mga luha ko. "I want an annulment."



"Cass, ayusin natin ito..." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.



"Huwag mo akong hawakan!" Sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa mga balikat ko. He was on the verge of crying. Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko habang naglalakad. Kahit gaano mo kamahal ang isang tao darating ang puntong susuko ka na dahil wala ng nangyayari, paulit-ulit na lang. Nagkakasakitan lang kami. We bring out the worst in each other.

No comments:

Post a Comment