"Friend, get up na. Tinawag-tawagan mo ko tapos matutulog ka lang." Inalog-alog ni Jerome ang balikat ko. Hapon na at hindi pa rin ako bumabangon sa kama. Iyak lang ako ng iyak. Kanina naririnig ko si Nick na sumisigaw sa labas at kumakatok sa baba pero hindi ko siya pinansin o sinilip man lang. Ayoko muna siyang makita.
Umuwi ako sa dating bahay namin at nakatulog ng umiiyak kagabi. Hindi ko kayang tanggapin na may ibang babaeng nabuntis si Nick. Bakit ba nangyayari sa amin ito? Bakit sa tuwing akala kong magiging maayos na ang lahat saka naman may panibagong problema? Maybe... maybe we're not meant to be together.
Lumingon ako kay Jerome. Agad ko siyang niyakap at umiyak. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko.
"Ano na naman ginawa sayo ng asawa mo?" Nag-aalalang tanong nito.
"May nabuntis siyang ibang babae. Nabuntis niya si Tiffany." Humihikbing sabi ko.
"Girl, kasi naman tigilan mo na. Wala ng ginawa ang hinayupak na yun kung hindi ang paiyakin ka." Sabi ni Jerome. "Tumayo ka nga dyan. Tayo na!"
"Ayoko..." Sabi ko at humiga ulit. Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot.
"Anong ayaw mo? Ano gagawin mo dito, magmumukmok buong araw?" Galit na sabi nito. "Hindi sa Nick na yan umiikot ang mundo mo! Kaloka ka!"
"Iwan mo muna nga ako." Sabi ko.
"Hay nako, Cassie, huwag mo kong artehan ng ganyan. Hala, tayo na!" Utos nito. Pumunta siya sa may paanan ko at hinatak ang paa ko.
"Jerome, naman!" Hindi ko na napigilan ang matawa.
"Dali na, magshower ka na. Rarampa tayo. Mag-paparty-party tayo para makalimutan mo yung walanghiya mong asawa." Sabi niya.
"Ayokong umalis ngayon." Sabi ko.
Pumamewang siya. "At ayoko din nakikita kang nagmumukmok dito. Get up!"
Alam kong hindi niya ako titigilan kaya napilitan na akong tumayo. Naligo ako at nagbihis pagkatapos ay inayusan niya ako ng buhok at nilagyan ng make up.
"O, di ba ang ganda ganda mo na? Hindi halatang may tatlo ka ng anak. Hot mama." Sabi ni Jerome habang nakaharap kami sa salamin.
Natawa ako. Siguro kung wala si Jerome matagal na akong nasiraan ng bait dahil kay Nick. Siya lang ang napapatawa sa akin kahit noong panahon na depressed na depressed ako dahil sa panggagahasa ni Nick sa akin noon.
Bumaba kami at nang makalabas kami ng bahay nagulat ako ng makita ko siya. Si Nick.
"Cassie, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Magpapakalalaki ako kahit isang beses lang at sasapakin ko yang asawa mo. Nakakaimbyerna!" Mahinang sabi niya habang naglalakad kami.
"Mag-usap tayo." Sabi ni Nick. Sandali siyang napatitig kay Jerome at tinignan niya ito ng masama. Baka mag-init pa ang ulo ni Jerome at totohanin ang sinabi niya kaya agad ko ng pinalayo si Nick. Baka magkasakitan pa ang dalawa.
"Umalis ka na. Utang na loob, Nick, tigilan mo muna ako." Sabi ko at hinatak ko si Jerome sa kamay. Tumakbo kami papasok ng kotse niya.
Pumalakpak si Jerome. "Bravo! Bravo, girl!"
I rolled my eyes at him. "Just start the car."
Sinimulan niya na paandarin ang kotse.
"Girl, paano ang inaanak ko? Iiwan mo ba siya sa asawa mo? Miss na miss ko na siya." Sabi ni Jerome habang nagmamaneho.
"Masaya si Miggy kay Nick at sa mga kapatid niya." Sabi ko.
"At yung kambal?"
"Dadalawin ko pa rin naman sila. Hindi lang ngayon. Hindi ko pa kayang harapin si Nick." Sabi ko.
Nagpunta kami sa isang nightclub. Ipinakilala ako ni Jerome sa iba pa niyang friends na nakilala niya sa trabaho. Hindi ako masyadong nag-enjoy dahil parang nahihilo ako sa amoy ng pinaghalo-halong alak at sigarilyo. I didn't drink any alcohol. Nagmango juice lang ako.
"Ay, ang KJ mo." Sabi ni Jerome.
"Ayoko talagang uminom." Tanggi ko.
"Gusto mo na bang umuwi?"
"No, ayoko pang umuwi." Sabi ko. I really wanted to go home. Nakakasuka na ang amoy ng lugar na ito. Pero ayoko naman umuwi si Jerome dahil lang sa akin. Maya-maya ay nagpaalam akong pupunta sa CR pero lumabas ako para magpahangin.
Habang naglalakad ako may lalaking bumunggo sa akin. He was holding a glass of alcohol. Natapon sa akin ang alak niya.
"Oh shit! I'm sorry, miss." Hingi nito ng paumanhin.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." Inis na sabi ko.
Sandaling napatitig sa akin ang lalaki. Nagtataka naman ako kung bakit niya ako tinitignan may dumi ba sa mukha ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"Pasensya na talaga, miss. Ako nga pala si Stefan." Inilahad niya ang kamay niya. Hindi ko tinanggap iyon at nagpatuloy sa paglalakad.
"Sandali, miss." Humabol siya. "Gusto kong bumawi sayo dahil natapunan kita ng alak."
"Hindi na kailangan. Just leave me alone." Sabi ko.
"Anong pangalan mo?" Patuloy pa rin ang pangungulit niya sa akin. Hindi ko siya sinagot, ayokong pansinin ang mga lalaking katulad niya. Sobrang kulit. "Siguro Angel ang pangalan mo. Mukha ka kasing anghel."
"Please, mister, leave me alone. Gusto kong mapag-isa. Natapunan mo na nga ako ng alak mangbubuwisit ka pa." I rolled my eyes at him.
"Miss, have dinner with me." Sabi niya.
"Mister, misis na po ako at tatlo na ang anak ko." Sabi ko sa kanya.
"You're kidding right? Hindi halata sa itsura mo." Hindi makapaniwalang sabi niya.
"She's married pero inaayos na niya ang annulment nila ng asawa niya." Pareho kaming napalingon sa nagsalita. Lumapit sa amin si Jerome.
"Hi, I'm Jerome. Her best friend." Pakilala nito sa lalaki.
"Nice to meet you, Jerome. Ang hirap kausapin ng kaibigan mo." Sabi niya."Ako nga pala si Stefan."
"Stefan meet Cassie." Sabi ni Jerome. "Cassie, si Stefan."
Inirapan ko si Jerome.
Kinuha ni Stefan ang kamay ko at hinalikan iyon. "Please to meet you. Ang tanga naman ng asawa mo. Pinakawalan niya ang isang tulad mo."
I heard Jerome squeal. "Oh my gosh, he's so charming."
"Alam ko kakikilala lang natin, Cassie. Pero gusto pa kitang mas lubos na makilala. Pwede bang mahingi ang number mo?"
"Hin-" Sasabihin ko sanang hindi pwede pero sumingit si Jerome.
"Oo naman! Alam ko number niya." Sabi nito. Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi niya ako pinansin. Binigay niya sa lalaki ang number ko.
"Halika, Stefan. Do you want to join us? Para naman makapag-usap kayo ng friend ko." Aya ni Jerome.
"What are you doing?" Bulong ko sa kanya na may halong inis.
"Tinutulungan kang maka-move on." Mahinang sabi niya habang nakangiti pa rin kay Stefan.
"Sure." Nakangiting sagot ng lalaki. Sumama sa amin si Stefan sa table. It was awkward. Ayoko naman talagang makipag-usap sa kanya kaso si Jerome pinipilit ako. Ininterview siya ni Jerome at nalaman namin isa siyang abogado. He's 28 years old at walang girlfriend o asawa. Mukhang gustong-gusto siya ni Jerome... para sakin.
"Halika, mga girls sayaw tayo." Aya ni Jerome sa ibang mga friends niya.
"Dito na lang ako. I want to drink pa." Sabi ni Erica.
"Hindi. Halika na. Hayaan mo silang dalawa, gaga." Hinatak niya ito. Pinandilatan ko si Jerome at kinindatan niya lang ako. Kami na lang ang naiwan sa table.
"If you don't mind me asking, bakit naghiwalay kayo ng asawa mo?" Basag niya sa katahimikan sa pagitan namin.
"That's a little too personal." I politely smiled at him.
Tumango lang siya. "I understand. Pero lawyer ako pwede kita matulungan sa annulment niyo."
Niyuko ko ang ulo ko para hindi niya makita ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. I get emotional kapag iniisip ko ang annulment. Mahal na mahal ko si Nick. Pero minsan hindi sapat ang pag-ibig na yun para manatili pa ako sa tabi niya. Nakabuntis ang asawa ko ng ibang babae. That's just too much. Hindi ko matanggap iyon.
I felt his hand on my back and he started rubbing it. "It's ok. Magiging maayos din ang lahat."
Hinawakan niya ako sa baba at iniharap sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha ko. "Your husband is an idiot. Siya ang nawalan, hindi ikaw."
"Thank you, Stefan." Sinubukan kong ngumiti. He comforted me. Medyo gumaang ang pakiramdam ko ng sabihin ko sa kanya ang problema ko. He patiently listened. Madaling araw na ng mag-aya si Jerome na umuwi. Maayos akong nagpaalam kay Stefan.
"Ano tingin mo kay Stefan? Mukhang close na kayo." Sabi ni Jerome ng nasa kotse na kami.
"Mabait siya." Sagot ko.
"At gwapo pa." Sabi niya. Hindi ako sumagot. "Do you like him, Cassie?"
"No... I mean, yes, bilang kaibigan."
Napabuntong-hininga siya. "Kalimutan mo na si Nick. Mag-move on ka na. Hindi na siya nakakabuti para sayo. He doesn't deserve you. Gusto kong maging masaya ka, Cassie. Gusto kong makahanap ka ng lalaking mamahalin ka at gagalangin ka. Panahon na para buksan mo ang puso mo para sa iba."
I smiled at him. Inihilig ko ang ulo ko sa braso niya. Ang hirap makahanap ng ganitong kaibigan. Yung talagang may pakialam sayo. I'm lucky I have Jerome.
Hinatid ako ni Jerome sa bahay at agad akong nakatulog pagkahiga ko pa lang sa kama. Tanghalin ng magising ako. Habang kumakain ako mag-isa hindi maiwasan maisip ang mga bata. Namiss ko agad ang kakulitan nila. Namimiss kong may nagkakalat sa mesa. Yung mga tawa nila. Mas lalong nakakadagdag ng lungkot ang katahimikan ng bahay.
Nakatulala ako sa cereal bowl ko at malalim ang iniisip ng magulat ako sa tunog ng doorbell. Tumayo ako sa upuan at naglakad sa front door. Binuksan ko ang pinto at tumambad ang mukha ni Nick. He was holding a bouquet of roses.
"Cassie, umuwi ka na." Sabi niya.
"Nick naman, hindi ka ba nakakaintindi? Ayoko munang makita ka." Inis na sabi ko.
"Hinahanap ka na ng mga bata. Please, Cass, sumama ka na sakin." Pagmamakaawa niya. Inabot niya sa akin ang bulaklak. "Pinitas namin ng mga bata yan para sayo."
Anong akala niya? Bibigyan niya lang ako ng bulaklak at sasama na ako sa kanya na parang walang nangyari. Na parang hindi siya nakabuntis ng ibang babae. Nag-init ang ulo ko ng maisip ko na naman iyon. Kinuha ko ang bulaklak at inihampas ko sa mukha niya.
Pagkaharap niya sa akin nagdudugo ang isang bahagi ng pisngi niya sa parte kung saan ko isinampal ang bulaklak. I looked at the roses I'm holding meron pang mga tinik ang iba doon. Gusto kong yakapin siya at humingi ng tawad. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Kung gusto mo saktan mo ako. I deserve it." Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa mukha niya. "Sampalin mo ko. Gawin mo kahit anong gusto mo pero huwag mo kong iwan. Nagmamakaawa ako sayo, huwag mo na kong iwan ulit."
Kusang bumaksak ang mga luha sa mga mata ko. Pati siya ay lumuluha na din.
"Umalis ka na. Hayaan mo muna akong makapag-isip." Nanginginig ang boses na sabi ko.
Lumuhod siya at niyakap niya ang bewang ko. "Cassie, I'm sorry. Palagi na lang kitang nasasaktan."
I bit my lower lip to keep me from crying. Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa akin. At itinula siya. Agad akong pumasok sa bahay at isinara ang pinto. Nanghihinang napaupo ako at napahagulgol.
Nick's POV
I screwed up big time. Hindi na talaga ako mapapatawad ni Cassie. Ayaw niya ng bumalik. Hindi ko alam kung maaayos pa namin ito. Hinahanap na nga siya ng mga bata sinasabi ko na lang na may kailangan lang puntahan ang mommy nila at babalik din ito. Sana naman bumalik siya. Dalawang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos. Hindi rin ako makapag-isip maayos.
"Hon, anong iniisip mo?" Tanong ni Tiffany. Hindi ko namalayang nasa loob na pala siya ng opisina. Naglalakbay kasi ang isip ko.
Ibinalik ko ang atensyon sa mga papel na binabasa ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Binibisita ka. Ano pa?" Malambing na sabi niya. Pumunta siya sa likod ng upuan ko at niyakap ako. "I miss you."
I cleared my throat. "What do you need?"
"Nothi- anong nangyari sa pisngi mo?" Tanong niya. Hinawakan niya ang sugat. Inilayo ko ang mukha ko. "Si Cassie ba ang may gawa nito?"
I didn't answer her. I acted like I didn't hear anything.
"That bitch! Anong karapatan niyang saktan ka!" Galit na sabi niya. "Dapat lang hiwalayan mo na ang malanding babaeng iyon!"
"Wala kang pakialam, Tiffany. Hindi porket nabuntis kita may karapatan ka ng pakialaman ang personal na buhay ko." Naiinis na sabi ko.
I heard her sob. "H-hindi mo ba ako mahal, Nick? Ibinigay ko naman ang lahat sa'yo. Bakit ka ganyan?"
Hindi ako nagsalita. Nagkunwari akong abala sa pagbabasa.
"M-mabuti pa ipalaglag ko na lang itong batang ito. Para mawalan ka na ng problema. Alam kong ayaw mo sa anak natin." Humihikbing sabi niya.
"What? No... Huwag mong gagawin yan, Tiff." Humarap ako sa kanya.
"Hindi mo naman mahal itong baby natin. Kawawa lang siya. Mas mahal mo yung anak niyo ni Cassie kasi mahal mo si Cassie, hindi mo naman ako mahal kaya di mo din mamahalin ang anak natin."
"Hindi totoo yan. Please, calm down. Huwag mong ipalaglag ang baby natin." Sabi ko. Anak ko pa rin ang dinadala ni Tiffany. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa anak ko.
"Please, say you love me." Sabi niya.
"I... I love you." Napilitan akong sabihin iyon sa takot na baka totohanin ni Tiffany ang sinabi niyang ipalalaglag niya ang bata.
Niyakap niya ako. "I love you too, honey."
Sumama si Tiffany sa akin pauwi sa mansyon. She wanted to have dinner with me and the kids. Sinalubong ako ng mga bata pagkapasok ko sa bahay.
"Dad, nandito si mama." Sabi sa akin ni Miggy.
"Si Cassie? Nasaan siya?" Nagliwanag ang mukha ko.
"She's upstairs. Naglalaro kami ni mommy sa play room." Sagot naman ni Coco.
Napalingon ako sa hagdan. Sakto naman na bumaba si Cassie. Nagtama ang tingin namin. Napangiti ako ng makita siya. Naramdaman kong pumisil ang kamay sa braso at napalingon ako kay Tiffany. Tinitigan niya ako ng masama.
"Binisita ko lang ang mga bata." Malamig na sabi ni Cassie.
"Mommy, kelan ka matutulog dito?" Nakalabing tanong ni Audrey.
"May kailangan pa akong ayusin, baby. Pupuntahan ko naman kayo palagi." Lumapit si Cassie kay Audrey at hinalikan ito sa noo.
"Mommy, gusto ko dito ka na lang." Sabi ni Coco.
"Hindi bale, Coco, nandito naman ako. Baka nga dito na ako tumira." Singit ni Tiffany.
Napalingon sa akin si Cassie. Naniningkit ang mga mata nito sa galit. Kahit ako nagulat ako sa sinabi niya. Wala naman sa usapan namin na dito siya titira.
"I don't like you!" Sabi ni Coco.
"Aalis na ako." Paalam ni Cassie.
"Mommy, dito ka na lang mag-dinner." Sabi ni Audrey.
"Please?" Pagmamakaawa ng tatlo kay Cassie.
"Cassie, pagbigyan mo na ang mga bata. Palagi ka nilang hinahanap, miss na miss ka na nila." Sabi ko.
Humugot ng malalim na hininga si Cassie. "Okay."
Sabay-sabay kaming nag-dinner. Halos hindi nagsasalita si Cassie at sa tuwing magtatama ang mga mata namin nagbababa siya ng tingin. Nararamdaman kong galit siya sa akin. Hindi ako makakain ng maayos. Masaya na akong tinititigan ko si Cassie.
"Hon, kumain ka na." May bahid na inis na sabi ni Tiffany. Siguro nahuli niya akong nakatitig kay Tiffany.
"Tikman mo ito, honey." Inilapit ni Tiffany ang kutsara sa akin. Napilitan akong isubo iyon. Nang mapatingin ulit ako kay Cassie nahuli ko siyang nakatingin sa amin. Then she looked away.
Natapos ang pinaka-matagal na yatang dinner sa buhay ko. Habang nasa mesa ako pinapanalangin ko na sana matapos na iyon. Alam kong nasasaktan si Cassie sa nakikita niya pero wala akong magawa. Tinatakot ako ni Tiffany na ipapalaglag niya ang batang dinadala niya.
Pinanood ko si Cassie habang nagpapaalam na siya sa mga bata. Gusto ko siyang pigilan.
"Nick, okay lang bang dito muna si Miggy? Gusto pa daw niyang makasama ang mga kapatid niya at ikaw." Sabi ni Cassie.
"Cassie, parang anak ko na din si Miggy. He can stay as long as he wants." Sabi ko.
She gave me a bitter smile. "Salamat."
Binalik niya ang atensyon sa mga bata. "Magpapakabait kayong tatlo. Babalik ako, okay?"
"Yes, mommy." Sagot nila.
Pagkatapos nun ay umalis na si Cassie. Parang ang bigit sa loob habang pinanonood kong lumabas siya.
"Hon..." Tawag sa akin ni Tiffany.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi isinama ng babaeng iyon ang bastardong anak niya?"
Biglang nag-init ang ulo ko sa narinig ko. I've been called a bastard by my father's wife my whole life at ayokong maranasan iyon ni Miggy. "Don't ever call Miggy a bastard! Huwag na huwag ko maririnig na tinatawag mo si Miggy ng ganun, ako makakalaban mo."
"Huwag mo naman akong pagtaasan ng boses." Parang iiyak na na sabi ni Tiffany.
"I'm sorry." I sighed. "Ihahatid na kita sa condo mo."
"No, gusto ko matulog dito. I want to live here. Gusto kong palagi kang kasama." Paglalambing niya.
"No." Agad na sabi ko. "Hindi ka pwede dito."
"Bakit? Ayaw mo ba akong makasa?" Malungkot na sabi niya.
"Hindi sa ganon. Maraming bata dito. Hindi ba ayaw mo ng magulo? Mas makakabuti sa baby natin kung doon ka na lang sa condo mo para hindi ka ma-stress." Dahilan ko.
"Okay lang. Masasanay din naman ako. Ayaw mo lang yata ako dito." Parang batang lumabi siya.
"Saka na natin pag-usapan iyon. Iuuwi na muna kita." Sabi ko.
"Sige na nga." Malungkot na sabi niya.
Cassie's POV
Ang kakapal ng dalawang iyon na maglandian sa harap ko at sa harap ng mga anak ko. Nangigigil pa rin ako sa galit ng makauwi ako.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. Akala ko nga si Jerome pero ibang number ang lumabas. Sinagot ko iyon.
"Hello?" Ako.
"Hi, angel." Narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki
"Who is this?" Tanong ko.
"Nakalimutan mo na agad ako?" I heard him laugh.
"Stefan?" Siya yung lalaki sa club. Yung binigyan ni Jerome ng number ko.
"Akala ko nakalimutan mo na ako eh."
"Anong kailangan mo? Bakit tumawag ka?"
"Aayain sana kitang lumabas ngayon? Let's have dinner." Sabi nito.
"Nag-dinner na ako." Sagot ko.
"Okay, mag-dessert na lang tayo." Sabi niya.
Sandali akong nag-isip. Tama si Jerome kailangan ko na mag-move on. Mabait naman si Stefan. Saka friendly date lang naman ito.
"S-sige." Sabi ko.
"Really?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "I'll pick you up. Ano ba ang address mo?"
"Magkita na lang tayo." Sabi ko.
"Okay, sige." Sinabi niya ang place kung saan kami magkikita. Agad naman akong pumunta doon. Nang makarating ako sa lugar na sinabi niya nakita ko siyang nakaupo sa isang table. Agad naman niya akong kinawayan.
The restaurant is filled with cute decorations and soft, pastel colored walls. Puro mga sweets lang ang mga pagkain dito katulad ng cake at ice cream. Sigurado akong magugustuhan ni Audrey, Coco at Miggy ang lugar na ito.
"You look more lovely kapag wala kang make-up at hindi ka nakaayos. Mas nagmumukha kang bata." Sabi niya sa akin. Tumayo siya at hinatak niya ang upuan sa tabi niya at ipinaupo ako doon. Ang gentleman naman niya.
"Thank you." Ngumiti ako.
"Let's have our dessert." Aya niya. Tumingin kami sa menu. I ordered a strawberry milkshake and a slice of blueberry cheesecake. Umorder naman si Stefan ng banana split sundae.
"Mahilig ka sa sweets, ano?" Sabi ko.
"Hindi ba halata?" Tumawa siya. "Sa sobrang hilig ko sa mga sweets naging sweet na din ako."
"Siguro mahilig ka din sa corn." Biro ko sa kanya.
Natawa kami pareho.
"Nice one." Sabi niya. "Alam mo mas lalo kang gumaganda kapag masaya ka. Lalo akong na-iinlove sayo."
"We just met. In love ka agad?" Tumatawang sabi ko.
"Bakit hindi? You're a lovable person. Saka maikli lang ang buhay. Kailangan ba matagal na tayong magkakilala para ma-inlove ako sayo? Ayoko ng paligoy-ligoy. Sinasabi ko kung ano ang totoong nararamdaman ko. Dalawa lang din naman ang kahahantungan nito. It's either maiinlove ka din sa akin o hindi." Ngumiti siya sa akin.
"You have a point. But I'm still married." Sabi ko.
"Legally married but seperated." He corrected.
"Touche." Sabi ko.
"Please, huwag ka ng umiyak ulit dahil sa kanya. I hate seeing you cry. Alam mo ba habang nagkukuwento ka sa akin sa club minumura ko na sa isip ko ang asawa mo. Hindi niya alam kung gaano siya kaswerte na siya ang napili mong pakasalan." Sabi nito.
Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi malabong mahalin ko din siya balang-araw. He's an amazing guy. Any girl would be lucky to have him. Baka sa pamamagitan niya makalimutan ko na si Nick. Tutal meron na siyang Tiffany at magkakaanak na sila. Siguro nga panahon na para buksan ko ang puso ko para sa iba. Ilang beses na din namin sinubukan pero pareho lang kaming nasasaktan.
Matagal kaming nag-usap bago ako nagpaalam sa kanya. Hinatid niya ako sa kotse ko.
"Salamat, Stefan. I really had a good time with you." Sabi ko bago sumakay sa kotse.
"Sana hindi ito ang huli nating pagkikita. Sana umpisa pa lang ito." Sabi nito bago ako makapasok.
I smiled at him. Pagkatapos ay pumasok ako sa kotse at pinaandar iyon.
mukhang tanga naman si Nick! Bakit kasi hindi ipatest si Tiff if she's really preggy? His and cassie's life is being destroyed by that bitch! Ghaaad.
ReplyDeletepff !! this book speaks of IRRESPONSIBLE MOTHER! AND A BAD GAY FRIEND !
ReplyDelete**tsk .if she really cares for her children she should have said it to nick that miggy is his child, tsaka dapat hindi nia iniwan mga ank nia na bagong panganak.. What i see i her being A BITCH ! SARILI NIA ANG INISIP NIYA HINDI ANG MGA ANAK NIYA ! NICK ON THE OTHER WAY HAVE NO FAULT. THE RAPE IS NOT ENTIRELY HIS FAULT ,TOO ! IT'S THEIR FAULT
HINDI SYA IRESPONSABLENG NANAY. BAKIT? KASI INISIP NYA YUNG ANAK NYANG MAY LEUKEMIA. WALANG PAG KAKAMALI SI NICK? NAG CONCLUDE AGAD SYA. HINDI NYA PINAKINGGAN SI CASSIE. DON'T JUDGE CASSIE, EVEN IF THIS STORY IS ONLY A FICTION.
DeleteHINDI IRESPONSABLENG NANAY SI CASSIE! KUMUKUHA LANG SIYA NG TIYEMPO PARA SABIHIN KAY MIGGY AND NICK SA RELASYON NILANG DALAWA. DON'T YOU THINK NA ANG LALONG NAHIHIRAPAN DITO AY SI CASSIE. SIYA LAHAT ANG DUMADALA NG PROBLEMA KAHIT HINDI NIYA PROBLEMA. SI NICK? ALL I CAN SAY TO HIM IS STUPID.
DeleteExcuse me,if you're too carried away by the story mind reading the whole thing before letting your mouth rocket off?It's like showing your attitude in a shameful way actually.And can you spell sexism and faulty feminism?I am betting you're a woman the way you side up with Nick.Oh,you're not even worth to be called that if ever.You're far too immature to reach that point in your life.
DeleteP.S. Take some grammar lessons.It could help you by the way you desperately try to speak such language.And proper manners and etiquette too.You know,for a better formation of being a person.
Wait! Respect nyo naman yung comment nung tao, may point rin naman siya, dapat talaga sinabi na ni cassie kay nick yung tungkol kay miggy para di na nagkakagulo, pero hindi ko makita yung pagiging iresponsable niyang ina
DeleteSounds like victim blaming to me
Deletekalma nyo muna puso nyo
DeletePwede ba kung sino ka man wag mong pangunahan yung desisyon tandaan mo hindi ka ang authorat wala rin naman magagawa mo sa pagrarant na yan kala mo naman may nagawa yung paninisi nya.
DeleteBat parang nbbwisit na ko sa takbo ng story. Ka badtrip. Haha
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteyeah me too.. but we should give this story a chance to prove that this is worthy .. i know it will be a happy ending!! just wait and we'll see.. thank you @rainbow colored mind.. thanks for writing this story this is the best online book that i read so far.. your so great!! keep up the good work:)
ReplyDeleteAyy... Kalurkey talagay si Ats Cass. Not pa Kasey sabi kay fafa nick na c miggy baby ay fruit nila, ka imbyerna ang story niteyyy my galalaashh
ReplyDeleteKeyboard Warriors on 2013 be like:
ReplyDeleteHaist naiinis ako sa attitude ne cassie..dapat cinabi na nya kay nick ang tooto..and so what kung nakabuntis ng iba? Xa parin ang wife dapat ipaglaban nya..hayyy nko naman, kaluka
ReplyDeletehi bakit ganon hindi complete yung chapters putol putol tuloy ako magread, i like this pa naman and pls can someone tell me saan konsya pwede mabasa ng tuloy tuloy na ah thanks❤
ReplyDeletehayst why so long
ReplyDeletedapat lang kay nick yun na hindi sabiihin yung anak puro kasi galit pinapairal
ReplyDeleteI'm wheezing seeing 2020 pips arguing with 2013 pipsHAHHAHSHHAHAHAHAH
ReplyDelete