Thursday, May 9, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Twenty One


Paggising ko wala pa rin si Nick sa tabi ko. Kahit tinatamad, bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nakauwi na kaya si Nick? Tinanong ko ang unang maid na nakasalubong ko at sinabi naman niyang umuwi si Nick kagabi kaya pag-aalala ko. Bumaba ako sa dining room para mag breakfast and I found him sitting on the end of the dining table and reading newspaper. Nakasuot na ito ng suit at mukhang handa ng pumasok sa opisina. Ibinaba niya ang newspaper at pilit na ngumiti sa akin. He looked like he haven't got any sleep and his eyes were puffy.



"Good morning." He greeted. "Come sit with me and have your breakfast."




Ginawa ko ang sinabi niya. Umupo ako sa tabi niya sa right side.



"Did you sleep good last night?" Tanong nito.



No, I was up all night worried about you. Yun ang nasa utak ko pero iba ang isinagot ko. "Yeah."



"Good. By the way, ipapalipat ko na yung mga gamit ko sa ibang kwarto. You can have my room." Sabi nito.



"Okay." Iyon lang ang tanging nasagot ko. Naiinis ako sa kanya. Bakit pinakasalan niya pa ko at itinira dito sa bahay niya kung magsosolo din pala ako.



Tinignan niya ang relos niya. "I have to go."



"B-bye." Sabi ko.



He got up from his chair at umalis na ito. Why wasn't he mad at me? Pero halatang umiiwas siya sa akin. Mas gusto ko pang awayin niya ako kesa ganito siya sa akin. At least I know what's running through his mind. O baka naman ako lang yung nag-o-overthink? Siguro nga I don't men anything to him. Napakasalan niya na ako at binuntis niya na ako kaya secured na siyang makukuha niya ang mamanahin niya.



Kahit wala ako masyadong gana pinilit kong ubusin ang breakfast ko. Nakaka-stress ka, Nick! Hindi ko namamalayan na dinurog-durog ko na ang hotdog gamit ang tinidor. I finished my breakfast and took a bath. Nagbihis ako at nag-ayos ng sarili ko. Lumabas ako at kumuha ng taxi.



"Mama, where have you been?" Nakasimangot na salubong sa akin ni Miggy pagpasok ko pa lang sa bahay.



"Good morning, ate." Bati ni Rita. Nginitian ko siya at ibinalik ko ang atensyon ko kay Miggy.



"We need to talk, baby." Sabi ko sa kanya. Lumuhod ako para lumevel sa kanya. Tinignan niya ako at nag-antay ng sasabihin ko. "I got married, Miggy."




He looked suprised. "Really? Bakit hindi mo pa ako pinakikilala sa husband mo?"



"Hindi pa kita pwedeng ipakilala sa kanya." Sagot ko.



"Why?" 



"Kasi..." I paused for a second to think of a reason. "Kasi masyado pang komplikado ang lahat. Ayokong malayo ka sa akin."



"I don't understand. Bakit naman ako malalayo?" He pouted.



"Hindi mo pa maiintindihan pero always remember na mahal na mahal kita. Okay?" I playfully pinched his nose. "Wala bang kiss si mama?"




He gave me a quick kiss on the lips.



"Simula ngayon hindi na dito matutulog si mama. Pero nandito naman ako sa umaga. I'll be here the whole day. Ngayon magbihis ka na at pupunta tayo sa toy store." Sabi ko.



His face lit up. "Talaga mama?"



"Yes." I nodded, smiling. Dali-dali itong umakyat sa taas. Pagbaba ni Miggy nakabihis na ito.



"I'm ready, mama!" Excited na sabi niya.



"Ok, let's go." Sabi ko. Nagpunta kami ng mall kasama si Rita.



















Nick's POV



"Bakit nandito ka?" Tanong ni Tristan sa akin.



"Kompanya ko ito. Natural, kailangan ko magtrabaho." Sagot ko.



"I mean, bakit pumasok ka ngayon? You just got married yesterday." 



Hindi ako sumagot. I continued going through the files.



"Is something wrong?" Tanong nito.



"She's still in love with Jerome." Kaswal na sabi ko.



"Dude, selos lang yan. You're just paranoid." Sabi niya.



"I'm not Paranoid. Si Cassie mismo ang nagsabi sa akin." 



"Are you serious?" 



"I wish I wasn't."



"Pero ikaw naman ang pinakasalan niya. Mas lamang ka sa Jerome na yun."



"Pinakasalan niya lang ako dahil nabuntis ko siya." 



"Then do something to make her fall in love with you." Sabi ni Tristan.



I sighed. "Huwag na nga natin pag-usapan ang personal kong buhay. Let's talk about work."



"We're doing an inspection maintenance today." 



I nodded my head. Pumunta ako sa isang location ng mall na pagmamay-ari ko at si Tristan naman ay nagpunta sa ibang branch. I'm very hands-on with my business. Gusto ko nakikita ko kung paano sila magtrabaho. Tuwing may inspection binibisita ko kahit isa lang sa mga branch ng mall para masigurado na ginagawa nila ng maayos ang trabaho nila. Sometimes I would just randomly visit one of the malls I own.



"Bakit pundido yang ilaw na yan?" I asked pointing at one of the lights. "Hindi ba kayo nagchecheck bago magbukas ang mall?"



"Eh sir, ngayon lang po napundi yan." Sabi naman ng staff ng mall.



"Ayusin niyo yan!" Inis na sabi ko. Everything little thing just seem to set me off today. Hindi matanggal sa isip ko ang sinabi ni Cassie sa akin kagabi. Para itong sirang plakang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.



I hadn't realized I had been spacing out again when someone bumped in to me. Napalingon ako para tignan kung sino iyon. Nakaupo sa sahig ang isang batang lalaki.



"Be careful, buddy." Tinulungan ko itong makatayo. Sandali akong napatingin sa mukha ng bata. I swear I had seen this kid before.



"Thanks." Pinagpag niya ang damit niya. Napangiti ako, he looked so cute while he was doing that.  Oh right, that's why he looks so familiar. He is the badass kid I met months ago.



"No problem." Sabi ko.



"Alam mo kung nasaan yung toy store?" Tanong nito.



"Yeah." Tumango ako. "But where's your parents? Mag-isa ka lang?"




Tumingin ito sa paligid. Nabalot ng pagkabahala ang mukha nito. "Where's mama?"



"I can help you find your mom." Sabi ko.



"Can you take me to the toy store first?" 



"Ayaw mo hanapin mama mo?" 



"She'll probably look for me there, too. Alam niya naman na gusto ko magpunta dun." Sabi nito.



Natawa ako. Kakaiba talaga itong batang ito. What a smart and brave kid. Kung ibang bata yan siguradong nag-iiyak na yan.



"I'm a stranger. Hindi ka dapat sumasama kung kani-kanino. Paano kung bigla ka na lang kidnapin."  Sabi ko. I'm worried that this kid might come across some dangerous person at bigla na lang itong isama kung saan.



"Hindi ka naman stranger. You're the nice guy at the grocery store." Sabi nito.



"You still remember me?" I said with a wide smile on my face. This kid makes me feel warm and fuzzy inside.



"Yeah. Now, can you take me to the toy store? Pleeeeeaaaase?" He said with a puppy dog face. Only the most heartless could resist this little boy's charm.



"Fine. I'll take you there..." I finally gave in.



"Yay!" He started jumping up and down.



"Pero kapag hindi pa dumating ang mama mo ng sampung minuto dadalhin na kita sa paging booth." Sabi ko.



"Okey dokey." Nakangiting sabi nito.



"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko habang naglalakad kami.



"Miggy." Huminto siya sa paglalakad at inilahad ang maliit na kamay niya sa akin.



"A pleasure to meet you, Miggy. My name is Phoenix." I shook his hand.



Nang makarating kami sa toy store nagsimula itong magtatakbo. Kung saan-saan ito nagpupunta at kung anu-anong laruan ang tinitignan at dinadampot. Para naman akong nanny na sunod ng sunod sa bata.



"Ang cute naman ng anak mo kamukhang-kamukha mo." Sabi ng isang babae habang nakatingin kay Miggy. Napagkamalan pa akong tatay. I don't mind at all. Natuwa pa nga ako. Naalala ko ang dalawang batang pinagbubuntis ni Cassie. Ganito ba maging tatay? I'm going to have to little kids running around the toy store.



"Thank you." I politely said. That woman was hitting on me. Too bad for her, I already have a wife.



"Do you want that?" Tanong ko sa bata ng makita kong manghang-mangha ito sa remote controlled helicopter na pinapalipad ng staff ng toy store.



"Yeah. But I want to fly a real airplane someday." Sabi nito.



"Pero habang bata ka pa, yan muna ang paliparin mo. I'll buy you a helicopter toy." Sabi ko.



"Really? You would do that?" Namilog ang mga mata nito.



"Sure. Get whatever toy you want." 



Tumakbo ito at kumuha ng laruan sa shelf. Bumalik ito hawak ang isang box ng rc helicopter. Dinala ko iyon sa cashier at binayaran.





















Cassie's POV





"Miggy, don't run!" Awat ko sa anak ko ng tumakbo ito. He was so excited about going to the toy store. Palagi naman siyang ganun tuwing nagpupunta kami sa mall. Hindi yata ako narinig at patuloy pa rin ito sa pagtakbo.



Hinabol ko siya at lalapit na sana ako ng bigla itong mabunggo sa isang lalaking nakatalikod. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng humarap ang lalaki. Si Nick! Sa dinami ng mga tao dito, si Nick pa ang nabunggo ni Miggy. He helped Miggy get up.



"Ate, ayun si Miggy oh!" Turo ni Rita.



Tumingin si Miggy sa paligid niya. I'm sure he is looking for us. Hinatak ko si Rita sa gilid at nagtago doon. If Nick find out, I'm so dead.



"Bakit nagtatago tayo, Ate?" Nagtatakang tanong ni Rita.



"Basta, dito lang muna tayo." Sabi ko.



"Hindi ba boss niyo yung lalaking kasama ni Miggy? Siya yung pumunta sa bahay." Sabi ni Rita.



"Oo..." Sagot ko.



Pinanood ko lang ang dalawa. Nick is taking him. Saan niya dadalhin ang anak ko? Palihim namin sinundan ang dalawa. They went inside the toy store. Nick was very patient with Miggy kahit na napakakulit nito. Sunod lang ito ng sunod sa bata. I started to tear up habang pinanonood ko ang mag-ama. They look so happy. Natutuwa ako pero nalulungkot din ako dahil hindi ko magawang maamin sa kanilang dalawa ang totoo. Kapag ginawa ko yun, mawawala sa akin si Miggy.



Nang makita kong nasa cashier si Nick doon ako nakakuha ng tiyempo para makuha si Miggy.



"Kunin mo si Miggy, Rita. Huwag ka magpapakita sa lalaking kasama niya. Dalian mo." Utos ko sa kanya.



Sumunod naman ito. Patakbo itong pumunta kay Miggy at bigla na lang hinila ang bata. Nasa likod siya ni Nick kaya hindi niya ito nakita.



"Mama, you should meet Phoenix." Sabi nito ng dalhin siya sa akin ni Rita.



"We need to go home." Sabi ko.



"Pero mama, yung toys-"



"I said, we're going home!" Medyo nataasan ko siya ng boses.



Hindi na kumibo si Miggy pero nakasimangot ito. Nang nasa taxi na kami kinausap ko siya.



"I'm sorry, Miggy." Sabi ko.



Hindi ito nagsalita. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana.



"Dadalhin na lang kita ulit sa toy store bukas. Okay?" Sabi ko.



"Why do we have to go home? Dapat nakilala mo yung bagong kaibigan ko. He was so nice. I will never see him again. Saka hindi ko pa nakuha yung laruan na binili niya sa akin." He pouted.



Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. "I'll buy you a toy tomorrow. I promise."



"Okay..." Walang ganang sabi nito. He was still upset.



"Smile naman dyan." Malambing na sabi ko.



He just gave me a half-hearted smile and looked away.

No comments:

Post a Comment