Tuesday, June 18, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Forty Seven

Kasama ko ang mga pulis at si Stefan nang magpunta kami sa condo niya. Naiwan si Cassie sa ospital kasama si Jerome at nag-hire na ako ng body guard na magbabantay sa kanila. Hinalughog namin ang buong condo unit niya ngunit wala na doon si Tiffany. Napalibutan na din ng mga pulis ang paligid ng building upang hindi makalabas si Tiffany kung nandoon pa nga siya. Ilang oras kami nanatili doon ngunit hindi na talaga namin siya nakita. Hiningi namin ang CCTV video ng building at nakitang nakalabas na si Tiffany mula doon bago pa man kami nakarating. Nang malaman ko iyon napagdesisyonan kong bumalik na lang muna sa ospital.

"Aalis na ako. Salamat sa tulong mo." Sabi ko kay Stefan.

Ngumiti siya sa akin. "Huwag mong pababayaan si Cassie."

"Hindi talaga. Balitaan mo na lang ako kapag nakita niyo na si Tiffany." Sabi ko. Kahit naman umalis ako hindi pa rin naman titigil ang mga pulis sa paghahanap kay Tiffany.

Sumakay ako sa kotse ko at bumalik sa ospital. May dalawang bodyguard na nagbabantay sa labas ng kwarto ni Cassie. Natatakot akong baka balikan siya ni Tiffany. Dinagdagan ko din ang mga security ang bahay nila Andi kung nasaan ang mga anak ko. Pumayag naman si Andi na doon muna ang mga bata at inaalagaan niya naman mabuti ang mga ito. God, I can't live like this! Na palaging natatakot na baka may gawing masama si Tiffany sa pamilya ko. She needs to be locked up in jail!

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Cassie nang makabalik na ako. Hanggang ngayon nalulungkot pa rin siya sa pagkawala ng baby namin, kahit ako nalulungkot din ako. Pero kailangan kong magpakatatag. 

"I'm ok." Simpleng sagot niya.

Umupo ako sa tabi niya at hinalikan ko siya. "Hindi namin nahanap si Tiffany."

"Nick, paano ang baby niya kapag nakulong siya?" May pag-aalala sa boses ni Cassie.

"Mas mabuti nga na nasa bilangguan siya. Mas mababantayan siya doon. She's a threat even to her own child." Sabi ko. Kapag nasa kulungan siya hindi niya magagawang ipalaglag ang batang nasa sinapupunan niya.

"Sina Miggy? Kamusta na sila?" Tanong niya.

"Dinaanan ko sila kanina sa bahay nina Andi, maayos naman sila. Gusto mong tawagan ko ang mga bata?" Sabi ko. Tumango siya.

Inilabas ko ang phone ko at pinindot ko ang number ni Andi. Pagkaraan ng ilang ring, sumagot si Andi at ibinigay ang telepono sa mga bata.

"Hello, Miggy." Si Cassie habang hawak ang phone. "Yes, I'm ok. Don't worry about me... Oo, kasama ko ang daddy niyo... Hindi ko pa alam kung kailan kami makakauwi... Basta huwag niyo pasasakitin ang ulo ng aunt Andi niyo. Behave kayo diyan... Bantayan mo ang mga kapatid mo... I love you..."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay ibinaba na ni Cassie ang phone.

"Kailan ba tayo uuwi, Nick?" Tanong ni Cassie. "Lalo lang akong nalulungkot dito. At saka namimiss ko na ang mga bata."

"Hayaan mo kakausapin ko ang doktor. Maybe we could hire a private nurse para mabantayan ka sa bahay." Sabi ko at hinalikan ko siya sa noo.

"Girl, since nandito na ang hubby mo gora na ako. Si Mark kasi inaaya ako mag-date." Sabi ni Jerome.

"Sige, girl. Thank you for staying with me." Ngumiti si Cassie sa kanya. Nagbeso ito kay Cassie bago humarap sa akin. "At ikaw! Bantayan mo mabuti ang best friend ko."


Tinaasan niya ako ng kilay at umalis na. Well he... I mean she doesn't like me. At hindi niya iyon itinatago. Sinasabi niya iyon at ipinapakita sa akin. Alam niya kasi ang lahat-lahat ng nangyari sa amin ni Cassie at hindi ko naman siya masisisi na ganon ang pakikitungo niya sa akin. Siguro nga, kahit ngayon hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa ginawa ko sa kanya. I'm still mad at myself for doing that to Cassie. Nadagdagan pa ang galit ko ngayon sa sarili ko dahil hindi ko nagawang protektahan si Cassie at ang baby namin. 

Inabot ni Cassie ang kamay ko. "Ganun lang talaga yun, babe. Magkakasundo din kayo balang-araw."

"Naiintindihan ko naman kung bakit galit siya sa akin." Sabi ko at dinala ko ang kamay niya sa labi ko. "Galit din ako sa sarili. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nasa ganitong sitwasyon at kung bakit nawala ang baby natin." 

"Shhh... wala kang kasalanan, Nick. Pareho natin itong hindi ginusto." Sabi ni Cassie.

I can't help but ask myself what have I done. What have I done to deserve this woman? I must have done something right.

I hugged her. Hinilig niya ang ulo niya sa dibdib ko.

"Tiffany won't get away with this. Gagawin ko ang lahat para mabigyan hustisya ang nangyari sa'yo at sa baby natin." Pangako ko sa kanya.

She didn't want me to leave her side. Hindi ko rin naman gusto umalis sa tabi niya. Nagtabi kami sa hospital bed kahit may kama naman para sa nagbabantay. We comforted each other and prayed for the baby. Humuhugot lang kami ng lakas sa isa't isa. Hindi pa man namin siya nakikita o nahahawakan ngunit ramdam na ramdam namin ang pagkawala niya.  

Kinabukasan pinuntahan ko ang doktor ni Cassie at sinabi niya naman na pwede na siyang makalabas sa ospital. Kailangan niya na lang bumalik para sa check-up. Hindi ko agad sinabi iyon kay Cassie dahil balak kong sorpresahin siya at ng mga bata pagkauwi niya sa bahay.

"Thanks for looking after the kids, Andi." Sabi ko ng sunduin ko na ang mga bata sa kanila. 

"We really enjoyed having them around. Pati nga itong si Yvo tuwang-tuwa dahil may kalaro na siya." Sabi ni Andi habang buhat-buhat niya ang anak niya. "Kamusta na nga pala si Cassie."

"She's doing fine now. Makakauwi na nga siya ngayon araw kaya sinundo ko na ang mga bata." Sabi ko.

"That's great. I'll drop by sa inyo baka tomorrow." Sabi niya.

"Sige. Salamat ulit, Andi." Sabi ko at tinawag ko na ang mga bata. Nagtakbuhan naman ito palapit sa akin at agad yumakap si Audrey at nagpakarga. 

"Bye, Yvo! Bye, aunt Andi!" Kumaway si Audrey.

"Bye! Kiss mo na ko." Sabi naman ni Andi. Agad naman humalik si Audrey sa kanya at ganun din ang dalawang lalaki.

"I'm going to miss the kids. Parang gusto ko na tuloy magkaron ng maraming baby." Andi pouted.

"I'm sure your husband could help you with that." Sabi ko.

Nagkibit balikat si Andi. "Maybe pag three years old na si Yvo, we could have another baby."

Nagpaalam na kami kay Andi at umalis na. Inuwi ko na sila sa bahay dahil tutulungan nila ako para sorpresahin si Cassie sa pagbalik niya sa bahay. I want to cheer her up. Alam kong malungkot pa rin siya sa pagkawala ng baby.

"Uuwi na si mommy mamaya." Sabi ko sa mga bata.

"Saan ba kayo nagpunta daddy? Bakit hindi niyo kami sinama?" Nakasimangot na sabi ni Coco.

"Mommy had to go to the hospital." Sagot ko.

"Why? Is  she sick?" Tanong naman ni Audrey.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila o hindi. Tuwang-tuwa kasi sila nang malaman nilang magkakaroon na kami ng baby. "Well... you see, we're not going to have a baby anymore."

"Why?" Tanong ng tatlo.

"The baby has gone to heaven to be an angel."

"The baby died?" Tanong ni Miggy.

Humugot ako ng malalim na hininga dahil parang may kung ano'ng mabigat sa dibdib. "Yes, our baby died. Mommy is still sad about it so we're going to make her happy, ok?"

Tumango ang tatlo. Nag-hang kami ng banner na may nakalagay na 'Welcome home, mommy'. May mga lobo-lobo pa. Pagkatapos ay nag-experimento kaming gumawa ng cake sa tulong ng cook book. Yung unang subok namin nasunog ang cake pero nung pangalawa, hindi naman ganun ka sarap pero edible na. Nag-enjoy naman ako at ang mga bata.

Nang matapos kami umalis muna ako para sunduin na si Cassie sa ospital. 

"Babe, are you ready to go home?" Tanong ko sa kanya.

Halata naman nagulat siya. "Uuwi na tayo?"

"Oo, hinihintay ka na ng mga bata sa bahay." Sabi ko.

 "Thank God! Miss na miss ko na ang mga bata kahit dalawang araw ko pa lang sila hindi nakikita." Sumigla ang boses niya. 






"Nick, b-bakit ang dilim ng bahay?" Napakapit sa braso ko si Cassie. "Nasaan na ba ang mga bata?"

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa paglakad papunta sa front door ng mansyon at binuksan iyon. Awtomatikong nagbukas ang ilaw.

"Surprise!" Sabay-sabay na sigaw ng mga bata. 

Napatingin ako kay Cassie na abot tainga ang ngiti. Agad niyang niyakap ang mga bata, akala mo matagal niyang hindi na kita ang mga ito.

"Mommy, we made a cake for you!" Sabi ni Audrey.

"Really? Nasaan na?" Tanong ni Cassie. Kinuha ni Audrey ang kamay ni Cassie at dinala siya sa mesa kung nasaan ang cake.

"Ginawa namin ito ni daddy pati kuya Miggy saka si Coco. Para hindi ka na ma-sad kasi nawala na yung baby natin." Sabi ni Audrey.

"Thank you, baby. That's so sweet." Sabi ni Cassie.

"Hindi ka na sad ,mommy?"  Tanong ni Audrey.

Umiling si Cassie. "Hindi na kasi kasama ko na kayo."

"I love you, mommy." Yumakap sa kanya si Audrey.

"Bigay niyo ito sa mommy niyo." Bulong ko sa dalawang lalaki at binigyan sila ng tig-isang stem ng white roses. Lumapit sila kay Cassie hawak ang bulaklak at ibinigay iyon.

"Ma, we're here for you. We love you." Sabi ni Miggy at inabot ang bulaklak kay Cassie

"Oh, my babies. Mahal na mahal ko kayo." Niyakap din ni Cassie ang dalawa.

"Ma, I'm not a baby anymore." Reklamo ni Miggy.

Pinisil ni Cassie ang ilong ni Miggy. "Kahit na gaano ka na katanda. Baby pa din kita."

Humarap sa akin si Cassie. "Thank you, Nick."

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya. Pagkatapos ay nagpalipad kami ng mga lobo para sa baby.

"Daddy, talaga makakarating ba yung mga balloons kay baby sa heaven?" Tanong ni Audrey habang nakatingala sa langit ang pinanonood ang lobo.

"I hope so, sweety." Sagot ko.





Nagising akong wala na sa mga bisig ko si Cassie, nakatalikod siya sa akin at nakahiga sa dulo ng kama. Narinig ko ang impit na iyak niya. Dahan-dahan akong umusog papunta sa kanya at niyakap siya sa baywang.

"You're crying..." Sabi ko.

"N-nick... gising ka pa?" Gulat na sabi nito. Natigilan siya sa pag-iyak.

Hinalikan ko siya sa buhok. "It's ok, baby. Cry all you want. Mas makabubuti kung ilalabas mo lahat yan." 

Humarap sa akin si Cassie at sumubsob sa dibdib ko. "I can't stop thinking about our baby, Nick. Hindi ko pa nararamdaman gumalaw siya sa loob ko, hindi ko pa siya nakikita o nahahawakan and now... now the baby's gone."

"Our baby is in a much better place now." Hinalikan ko siya sa noo. "Gagawa tayo ng marami pang baby."

"W-what if Tiffany comes back?" 

"Hinahanap na siya ng mga pulis, babe. Hindi na siya makakalapit sa atin. At hindi ko hahayaan na saktan niya isa man sa inyo ng mga anak natin. Magkakamatayan muna kami bago mangyari iyon." Mariin na sabi ko. 

14 comments:

  1. Replies
    1. oh nope. maybe just the first commenter? ;)

      Delete
  2. kakainis kasi si tifanny baliw :((

    ReplyDelete
  3. 3rd reader heheh thanks for the update ms. rain :)

    ReplyDelete
  4. Napakaideal husband ni Nick sa ginawa niya kay Cassie. How he loves her. Sana mahuli na si Tiffany tapos masaksak sya kulungan pagmay riot at mamatay. Im so mean. :( HAHAHA.

    ReplyDelete
  5. tifanny, wag ka na sanang bumalik pa. mamatay kana sana .

    ReplyDelete
  6. I'm really sad about their childat the same time naaawa rin ako sa baby ni tiffany.. ใ…œใ…กใ…œ

    ReplyDelete
  7. update ^_^

    yan'dee~

    ReplyDelete
  8. Carmela Jane TagalaJune 25, 2013 at 10:44 PM

    Go go Papa Nick!!!

    ReplyDelete
  9. Bitch you did not just do that!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. WowWWWWw uso na pala yung word na bitch nung 2013 heheh..now I know HAHAHA

      Delete
  10. I want to acknowledge Lord Bubuza for helping me restore my relationship, he has made my cheating boyfriend stop cheating with his spell. My boyfriend was cheating and disrespectful, Our relationship was stressful and we broke up 3 times before I contacted lord Bubuza for help via WhatsApp: +1 505 569 0396. I told him my relationship problems and he promised to help me with his spell and told me what I needed to do. It was very surprising and shocking because 15 hours after I did as lord Bubuza instructed, my boyfriend came back begging me on his knees to forgive and accept him back. My boyfriend doesn't cheat or disrespect me anymore. I am making this testimony because I made a vow to myself that if lord Bubuza helps me that I will testify about him to the world. He is a god on Earth, He can help you too. Contact him via WhatsApp: +1 505 569 0396 or via email: lordbubuzamiraclework @ hotmail . com

    ReplyDelete