"Nick..." Niyakap ko siya ng mahigpit. Pinakawalan ko ang mga luha ko at humagulgol. Hangga't kaya ko ang bigat ng katawan niya hindi ko siya bibitawan.
"S-si Co-co?" Mahinang sabi nito at parang kinakapos ng hininga. Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang boses niya. Pero hindi pa rin nawawala ang takot sa dibdib ko.
"Nick! He's safe. He's safe now..." Humihikbing sabi ko. Nagsidatingan na ang mga pulis at ang ambulansya. Kinuha nila si Nick at hiniga sa stretcher. Hindi ko binitawan ang kamay niya at sumama din ako sa loob ng ambulansya. May malay pa siya pero alam kong nahihirapan na siyang manatiling gising. Tinakpan ng paramedic ang sugat niya at sinuotan ng oxygen mask dahil nahihirapan na siyang huminga.
"Nick, don't close your eyes..." Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. Natatakot ako sa tuwing ipipikit niya ng matagal ang mga mata niya. Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. "Hindi mo ko iiwan. Hindi pwede."
Umungol ito at bahagyang bumukas ang mata. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon.
"Hindi ba magpapakasal pa tayo? Sabi mo gagawa tayo ng maraming baby... nangako ka! You're not going to die, Nick. Sabay pa tayong tatanda, hindi ba?" Napasubsob ako sa kamay niya at umiyak. "Parang awa mo na, huwag mo naman kaming iwan ng mga anak mo."
Ilang beses na siyang nawala sa akin. Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nawala na siya ng tuluyan. Maliliit pa ang mga anak namin at kailan lang nagkaroon ng ama si Miggy. Hindi siya pwedeng mamatay.
Naramdaman kong gumalaw ang mga kamay niya at pinilit niyang iangat iyon para mahawakan ako sa pisngi. Tumingin ako sa kanya.
"I... love you." Halos pabulong na sabi niya.
"I love you, too. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalaking minahal ko at ikaw lang ang mamahalin ko."
Mabilis kaming nakarating sa ospital at agad siyang ipinasok sa operating room. Naiwan ako sa labas. Kanina lang ang saya-saya namin. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko inasahan iyon at hanggang ngayon hindi pa rin kayang tanggapin ng utak ko ang mga nangyari.
"Cassie..." Inalog-alog ni Jerome ang balikat ko at nagising ako sa katinuan. Hindi ko napansin na nandito pala siya. Wala akong napapansin sa paligid ko. Nakatingin lang ako sa kung saan pero wala akong nakikita. My head is so cloudy.
"Kanina ka pa nakatulala d'yan. Kanina ka pa namin kinakausap, hindi ka naman sumasagot." Sabi nito. Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa tabi niya. Ang ama ni Nick, namumugto rin ang mga mata niya.
"Hija, magpahinga ka na. Ako na ang bahala dito." Sabi niya sa akin.
Nahilam ang mga mata ko sa luha at umiling-iling ako. "Hindi. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasisigurong ligtas si Nick."
"Ilang oras ka na nandito. Saka ang mga bata, iyak ng iyak. Lalo na si Coco, nakita niya ang nangyari kay Nick." Sabi ni Jerome.
"Nasaan ang mga anak ko?" Nag-aalalang tanong ko.
"Huwag ka mag-alala ligtas sila, kinuha sila ni Andi." Sagot naman ng ama ni Nick.
Napayuko ako at tuluyan na pumatak ang mga luha ko. Naaawa ako kay Coco. He had to see two people get shot in front of him. Kapag nawala si Nick hindi ko alam kung paano ko iyon ipapaliwanag sa mga anak namin. Hindi ko kakayanin na humarap sa kanila.
Biglang pumasok sa isip ko si Stefan. Wala na itong malay ng isakay kanina sa isa pang ambulansya. "Si Stefan?"
Bumaksak ang mukha ni Jerome. "He's gone. Dead on arrival. Sa puso siya napuruhan."
"Oh god!" Napatutop ako sa bibig ko. Wala na si Stefan. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulgol. Akala ko wala na akong luhang maiiyak pero nagkamali ako. Sa maikling panahon na nagkasama kami naging mabuti siyang kaibigan. I loved him pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Nick. I loved him as a friend.
"Paano... paano kung si Nick..." Hindi ko matuloy ang gusto ko sabihin. Ayoko. Hindi ko kaya, ni ayokong isipin.
"My son is a fighter. Hindi siya mamatay." Sabi ng dad niya.
Ilang oras pa ang nakalipas bago lumabas ang doktor mula sa operating room. Agad namin siyang nilapitan para alamin ang kundisyon ni Nick.
"He's in a stable condition. Natanggal na namin ang bala sa katawan niya." Sabi ng doktor. Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ko iyon. Thank God, he's okay.
"Nick!" Napatakbo ako sa kinahihigaan niya ng makita ko siya. Wala pa itong malay at may nakapulupot sa dibdib niyang bandage. Hindi ko napigilan yumakap sa kanya sa sobrang kasiyahan.
"Ow!" Narinig kong sigaw niya. Agad akong lumayo.
"I'm sorry, babe. I'm just so happy you're alive." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. "You scared me!"
"I'm sorry." He gave me a faint smile. "I'm a man of my word. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil pakakasalan pa kita at bibigyan ng maraming baby."
Napasubsob ako sa leeg niya at napaiyak na lang ako. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko.
"Shhh... It's alright. Everything's alright." Bulong niya.
"Wala na si Stefan." Malungkot na sabi ko.
Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga niya. "Let's just pray for his soul. Kung nasaan man siya sana matahimik na siya."
Sandaling naghari ang katahimikan sa buong silid. We closed our eyes and said a silent prayer for Stefan.
"Nasaan na ngayon si Tiffany?" Tanong ni Nick ng matapos kaming magdasal.
"She's in jail." Sagot ng ama ni Nick. "Nagsampa na kami ng demanda sa kanya. Kidnapping, homicide at attempted murder."
"Mabuti naman at nakulong na siya. Hindi niya na tayo pwedeng guluhin pa." Sabi ni Nick.
Dalawang araw nanatili si Nick sa ospital bago pinahintulutan ng doktor na umuwi na. Nang makauwi na kami sa mansyon sinalubong kami ng mga kaibigan niya at nandun din ang dad niya, si Andi at ang mga bata.
"See? Sabi sa inyo okay lang ang daddy niyo." Sabi ni Andi sa mga bata.
"Alam namin hindi ka mamamatay dahil masamang damo ka." Sabi ni Wayne at nagtawanan kami.
"Halika nga kayo dito." Sabi ni Nick sa mga bata at nagsiplapitan ito sa kanya. They were all happy to see there dad.
"Daddy, we were worried about you. Coco won't stop crying." Sabi ni Miggy.
"Okay na si daddy, ni hindi nga ako nasaktan. Meron kasi akong secret na ngayon ko lang sasabihin sa inyo." Nakangiting sabi ni Nick.
"What is it daddy?" Tanong ni Audrey.
"I'm Superman. Don't tell anyone, okay?" Sabi ni Nick.
"You're lying!" Natatawang sabi ni Miggy. "Clark Kent is Superman."
Masayang nag-uusap ang mag-aama pero napansin kong napaka-tahimik ni Coco. When Nick tried talking to him tumatango lang ito o umiiling.
"Coco, daddy's fine. Don't be scared, nakakulong na si Tiffany." Sabi ni Nick. Hinilig lang ni Coco ang ulo sa dibdib ni Nick.
"He's still in shock." Sabi ni Andi sa akin. "Ilang araw na siya ganyan, hindi nagsasalita. We took him to the doctor, ang sabi ng doktor na trauma siya sa nakita niya."
Lumapit ako kay Coco. "Baby, say something. Kausapin mo ako."
Ngunit hindi ito nagsalita. Tinitigan niya lang ako at nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Nagkatinginan kami ni Nick, may pag-aalala din sa mukha niya.
Kahit anong kausap ang ginawa namin wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. Nagsi-alisan na ang mga bisita ng mag-gabi na. I tucked the kids in bed. Hindi ako umalis sa tabi ni Coco hangga't hindi siya nakakatulog. Sabi ni Andi ayaw naiiwanan ni Coco na mag-isa lalo na sa gabi.
Hinaplos ko ang buhok niya habang pinagmamasdan ko siyang mahimbing na natutulog. Naaawa ako sa kanya. Nadamay pa siya sa kawalanghiyaan ni Tiffany.
"Cass..." Hinawakan ako sa balikat ni Nick at napalingon ako sa kanya.
"Nick, what should we do to Coco?" Naluluhang tanong ko.
"We'll seek professional help. Babalik din sa dati si Coco." Hinalikan niya ako sa noo.
Kinabukasan agad kaming pumunta sa child psychologist para mapatingin si Coco.
"Can you tell me what your name is?" Tanong ng psychologist sa kanya. Iling lang ang isinagot niya. Hindi naman dati siya ganyan. Kapag may kumakausap sa kanya sumasagot siya at napaka-daldal niya. Hindi siya nauubusan ng kwento at mga tanong. Tinanong siya ng psychologist ng kung anu-ano ngunit nanatili itong tahimik.
Dinala siya sa playroom ng assistant para makausap kami ng psychologist. Ikinuwento ni Nick ang nangyari ng gabing kinuha siya ni Tiffany at ang nakita niyang pagbaril kay Nick at kay Stefan.
"Naging malaki ang epekto ng pangyayaring iyon sa bata. Masyadong siyang na trauma sa nasaksihan niya kaya hindi siya makapagsalita." Sabi nito.
"Pero babalik naman siya sa normal hindi ba?" Tanong ko.
"If he receives therapy mas mapapadali ang recovery niya. Also, encourage him to talk but don't force him. Makakatulong kung palagi niyo siyang kakausapin." Sabi niya.
Pagkatapos namin makausap ang psychologist pinuntahan na namin si Coco sa playroom.
"Uwi na tayo, baby." Sabi ko. Abala siya sa paglalaro ng kotse-kotsehan, agad naman siyang tumayo at lumapit sa amin. Binuhat siya ni Nick.
"Gusto mong kumain sa Mcdo?" Tanong ni Nick at agad na tumango si Coco. He'll be seeing a therapist regularly. Kailangan niya iyon para makalimutan ang nangyari. He saw his father get shot in front of him. Alam ko na nahihirapan siya dahil hindi pa rin nabubura iyon sa isip niya. At masakit para sa akin na makita siyang nagkakaganito.
Ngayon araw ang libing ni Stefan at nandito na kami sa sementeryo. Binuksan ang kabaong niya para masilayan siya sa huling pagkakataon bago ibaba sa hukay. Isa-isang lumapit ang mga kamag-anak niya at umiiyak ang mga ito. Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita na nasa loob siya ng kabaong. Sa maikling pagkakataon na nagkasama kami nagkaroon na siya ng espesyal na lugar sa puso ko. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin.
"Cassie." Nick squeezed my hand.
I took a deep breath bago ako humakbang palapit sa kabaong. Bumuhos na ang mga luha ko ng makita ko siya. Kahit wala na si Stefan, mananatili pa rin sa isip ko ang mga masasayang alaala na iniwan niya.
Salamat sa kabutihan mo, sa walang sawa mong pakikinig sa mga problema, sa mga naitulong mo sa amin at sa pagmamahal mo. Hindi ko man nasuklian ang pagmamahal mo sa akin, minahal naman kita bilang kaibigan. Hinding-hindi kita makakalimutan.
Isinara na ang kabaong niya at pinanood namin habang unti-unti siyang ibinababa sa hukay. Goodbye, Stefan.
Umakbay sa akin si Nick at naglakad na kami palayo. Kahit maraming nangyaring hindi maganda, nagpapasalamat pa din ako sa Diyos na buo pa rin kami. I still have Nick and our children. Kung bibigyan pa kami ng Diyos ng mga pagsubok, alam kong malalagpasan namin iyon basta magkasama kami.
Goodbye stefan. T3T Wawa nmn si baby Coco.
ReplyDeletefirst to comment! the end na ba?? napaiyak ako dun ah!
ReplyDeleteakala ko ako na ang first!! =( naunahan akong mag comment ah! hehehe
ReplyDeleteYehey....buhay si nick
ReplyDeleteBye stefan. We'll miss you. Coco baby pagaling ka ha? Bibisita ako dyan wait lng kayo hehehe ^___^
ReplyDeleteSo Sad. Bye Stefan! :(
ReplyDelete:( So sad for what happened. Good bye Stefan...
ReplyDeleteI wish that Coco will recover easily...
hay sana maging ok na si COCO. grabe kasamaan ng ugali ni tiffany. sana wag magmana sakanya yung magiging baby niya. sana din matanggap na niya yung katotohanan, na hindi talaga sila pwede ni nick!!
ReplyDeleteituloy ang kasal!!! heheheh
update po... thanks
bye bye stefan... wawa naman sya... :(
ReplyDeletehay.. na pipicture sa mind ko yung story na toh., sana maging book sya. bibili talaga ako pag meron sa bookstore. promise :))
wala na si stefan ... naman nakakalungkot isipin si stefan na nga lang nagk-care sayo tiffany tokwa ka talaga binaril mo pa ngayon wala na siya paano baby mo ngayon? wala nang kikilalaning ama... si coco naman kakawa na trauma bumalik sana siya sa dati... good luck sa mag asawa... they deserve a beautiful ending ... go otor...
ReplyDeletenakaka iyak naman..namatay p c stefan..huhuhu..sna d n makatakas c tiffany s jail..grrr..
ReplyDeleteGoodbye Stefan!
ReplyDeleteGet well soon baby Coco!
all ends well , hopefully*cross finger :) I hope COCO will be fine.
ReplyDeletetagal ng ending :)
ReplyDeleteAttempted murder? Diba napatay niya si stefan?
ReplyDeletehomicide ang kay stefan
Deleteat attempted murder naman ang kay nick.
Kudos talaga sa mga wattpad authors myghed ang huhusay super!!🥺🥺🥰
ReplyDelete