Monday, July 29, 2013

Epilogue

Ang bilis ng panahon. Tatlong taon na agad mula ng ikasal kami ni Nick. Ganun nga siguro kapag masaya ka, parang lumilipad na lang ang oras, araw, buwan at taon. Kapapanganak ko lang two months ago sa aming pang-apat na baby. It took quite awhile bago ako nabuntis ulit. It's worth the wait naman. Babae ang isinilang ko at Veronica ang ipinangalan namin sa kanya.

Nasa rancho kami ngayon na nabili ni Nick noong nakaraang taon lang. Nagpipicnic kami kasama ang malalapit na kaibigan namin. Napangiti ako nang titigan ko si Nick habang nakaupo sa silya at karga-karga ang baby. He just couldn't take his eyes off her.

"Maraming salamat, Cassandra." Napalingon ako kay dad. 

"Para po saan?" Kunot ang noong tanong ko.

"Salamat dahil tinupad mo ang pangako mo sa akin. Binigyan mo ang anak ko ng masaya at kumpletong pamilya." Sabi niya habang nakatingin din kay Nick. "He used to be a cold, bitter person. Ngayon, ang layo layo na niya sa dating siya. He looks so happy and contented."

Napangiti ako. Pasimpleng pinahid nito ang luhang nagbabandyang bumagsak sa mga mata niya. Hinimas-himas ko ang likod niya.

"I'm just so happy for him. Sa inyo ng pamilya mo." Ngumiti siya. 

"Lolo, let's go horseback riding." Lumapit sa amin si Miggy. Magkasundong-magkasundo silang dalawang mag-lolo sa pangangabayo. Niregaluhan nga siya ni dad ng kabayo noong 11th birthday niya. Palagi rin siyang sinasama ni dad sa mga polo games.

"Sure, apo. Matagal ko na din hindi nasasakyan si Oreo." Sabi ni dad. Si Oreo ay isa sa mga kabayong ibinigay niya kay Miggy. 

"Anak, huwag mong papagurin masyado ang lolo mo." Paalala ko sa kanya.

"Ano ka ba, Cassie? Hindi pa naman ako ganon katanda. Kayang-kaya ko pa sabayan itong apo ko." Sabi nito. Umakbay siya kay Miggy. "Ah, this young man keeps me young."

"Halika na, lolo." Hinatak ni Miggy ang lolo niya at nagpunta sila sa horse stable.

Nilapitan ko si Nick at umupo sa tabi niya. Hinalikan ko sa noo ang baby namin at hinalikan ko siya sa pisngi.

"She looks exactly like you. Kasingganda mo." Sabi ni Nick na nakatitig pa rin sa baby.

"She has your lips." Sabi ko.

"Ayun lang yata nakuha ng baby natin sa akin. She has your nose, your eyes, your hair."

"Akala ko nga magiging blondie na naman ang baby natin." I giggled.

"Our first dark-haired baby." Nakangiting sabi niya bago tumingin sa akin. "Nasabi ko na ba sayo na mahal na mahal kita."

"Everyday." Sabi ko. "At mahal na mahal na mahal na mahal din kita."

Matagal namin tinitigan ang isa't isa. Dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa akin.

"O, baka masundan agad niyan si Veronica." Narinig kong sabi ni Jerome. Napalingon ako sa kanya. Lumapit siya kasama si Andi at umupo sa tabi namin. 

"Mga istorbo." Sabi ni Nick. Natawa lang ang dalawa.

"Pahawak nga ang baby." Sabi ni Andi at binigay naman ito ni Nick sa kanya. Umakbay sa akin ang asawa ko.

"Ang cute talaga. Manang mana kay ninang Rome." Nangigigil na sabi ni Jerome. 

"Excited na akong magka-baby ulit. Sana babae naman." Nilaro-laro ni Andi ang kamay ng sanggol.

"Six months na lang naman, hindi ba?" Sabi ko. 

"Yes. Excited na din ang mag-ama ko, nag-iisip na sila ng maipapangalan sa magiging baby namin." Masayang sabi niya.

"Kain na tayo! Luto na ang mga pagkain!" Sigaw ni Wayne. Kanina pa abala ang mga lalaki sa pag-barbeque.

"Sige, dude." Sabi ni Nick.

"Naynay!" Tumakbo palapit sa amin si Yvo. Nakasuot lang ito ng pulang swim trunks.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ni Andi.

"Sabi ni tatay mag-swim kami sa lake. Gusto mo daw sumama?" Tanong niya.

"Pasaway talaga kayo ng tatay mo. Di ba sabi ko pagkatapos na kumain?" Pinahawak ni Andi ang baby sa akin. "Iwan ko muna kayo, tatawagin ko lang asawa ko."

Umalis si Andi kasama ang anak niya.

"Kakain na nga ako. I'm so hungry." Sabi ni Jerome. Tumayo ito para kumuha ng pagkain.


Natanaw ko ang kambal na tumatakbo papunta sa amin. Lumundag si Coco kay Nick at tumabi naman si Audrey sa akin para laruin ang kapatid niya.

"Teka, asan na si Miggy?" Lumingon sa paligid si Nick. Hinahanap ng mata niya si Miggy.

"Kasama ni dad, nangangabayo." Sagot ko.

Sakto naman dumaan ang mag-lolo. Nakasakay si Miggy sa kabayo habang naglalakad si dad sa tabi at hawak-hawak ang  tali.

"Dad, kain na tayo." Aya ni Nick sa ama niya.

Itinali ni dad ang kabayo sa puno at inalalayan si Miggy sa pagbaba. Lumapit silang dalawa sa amin. Sabay-sabay kaming kumain at napuno ang mesa ng tawa at masasayang kuwentuhan.

52 comments:

  1. Super like ko talaga ang story na ito.

    ReplyDelete
  2. This is the first book that I got addicted,then Tristan's story.
    So when the book got published sabi ko "bibili ako nyan" and I did.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang mahal na niya ngayon huhu. I only got the white version and Tristan's. Gusto ko sana yung book box huhu

      Delete
  3. San Ko Pwede mapanood yung Cuidado con El angel na may English sub? Ep 7 na ako, and Sobrang nakakabitin kung d ko matatapos 😭😭😭

    ReplyDelete
  4. Bilang lang yata na chapter na hindi hindi ako naiyak. Napaka ganda ng ng story. Napakasimple ng Epilogue pero napaka satisfying. I really loved the story.

    ReplyDelete
  5. We all know that Phoenix is our faveeee! <3

    ReplyDelete
  6. Thank you ms autor for this beautiful book..

    ReplyDelete
  7. Waaaaahhhh ang galing. Buti nalang meron dito ito. Hinanap ko pa to kung saan-saan

    ReplyDelete
  8. Thank you sa author, dami kung pinag daanan bago ko mahanap ang story ni Phoenix hahhahaha kailangan akong mga tyaga mag basa ng mga comment makakuha lang ng clue saan sya mababasa ...worth talaga ang hirap ko , hahahha salamat

    ReplyDelete
  9. Ahai halos ilang gabi na akong d nakakatulog ng maayos sa addiction ko mabasa lahat ng magkakaibigan isang libro isang araw bet ko ang author neto halos d nako makatulog hahhaha hayssss tnx πŸ˜‰πŸ˜†

    ReplyDelete
  10. Sarap ng feeling na nabasa ko uli sina nick and cassie
    Thanks po

    ReplyDelete
  11. 01-31-21
    ~cieamoreh

    ReplyDelete
  12. Ughh, i'm speechless with this story. Perfectly written, and I'm still here after almost 8 years since the day that it was published.I can't thank you enough ms. Authornim, you're the best!

    ReplyDelete
  13. Thank you nabasa ko ulet sya❣️

    ReplyDelete
  14. I shall return again wahhhhh shettttttt gandaaaaa πŸ˜«πŸ’–πŸ˜«πŸ’–

    ReplyDelete
  15. June 7, 2021. 12:52pm. Monday. Re-read.
    Thank you author

    ReplyDelete
  16. June 17 2021. 8:51 pm. Thursday.
    gandaa ng story huhu <33

    ReplyDelete
  17. BAKIT HINDI AKO MARUNONG NITO? PANO TO GAMITIN? BAKIT CHAPTER 1 AT EPILOGUE AKO NAPUPUNTA?

    ReplyDelete
  18. Paano po ito gamitin? huhu

    ReplyDelete
  19. HOW GAMITIN THIS? FROM CHAPTER 1 NAGING EPILOGUE TULOY.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa baba po may makikita kayong newer post click niyo po yun para mapunta kayo sa next chapter

      Delete
  20. Done Reading! Thank you so much ate RCM! I enjoyed reading this story. 09/10/21.

    ReplyDelete
  21. Bakit epilogue lang Ang makita ko?

    ReplyDelete
  22. Thank you sa ngbigay NG link, San San nku ngmemessage para sa story na to. Hehhee adik lang

    ReplyDelete
  23. wala akong makitang chap two😭😭

    ReplyDelete
    Replies
    1. Punta is pinakadulo and then may makikitq new post and click it.

      Delete
    2. Wala po akong nakikita 😭

      Delete
  24. Wala pong new post sa akin����

    ReplyDelete
  25. Paano po to gamitin? Wala pong new post nakalagay sa ibaba sa akin??

    ReplyDelete
  26. Thankyoh po author. I hope you keep writing stories because we appreciate and love it. πŸ’–πŸ’–

    ReplyDelete
  27. shuta wala akong nakikitang newest post sa pinakababa😭😭

    ReplyDelete
  28. Me too. This is one of my fav book, 1st time ko ata nabasa 'to I was 11 or 12 y/o that time hahaha but unfortunately di na nagpiprint si Author nito. Buti nalang may nahanap ako kahit pdf lang. Soon makakabili rin ako ng book♥♥♥

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi, paano po ito gamitin? para mabasa ko po ng buo?

      Delete
  29. Pano po ba to ? Eh next ? Nahihirapan nako 😭

    ReplyDelete
  30. Seeing people's comments from 2013 feels comfortable because wattpad these days are full of toxicity. This was the ebook era I didn't experience:((

    ReplyDelete
  31. Pa o mabasa to? Walang next . Older post lang

    ReplyDelete
  32. Napuyat ako. 6:00pm ako nag start 2:20am ako natapos HAHAHHAHA GANDA... next ko si Audrey kahit alam ko na may Trauma ako sa Rape na yan naiiyak na ako.

    from @TatianaGreen (Wattpad)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Done ko na kay Audrey ang dami kong iyak don. Nag #rr naman ako dito. 7:00pm ako nag start 1:50am ako natapos HAHAHAHAH

      Delete