Friday, May 10, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Twenty Six


Nick's POV



"Daddy!" Halos magkasabay na sabi ni Audrey at Coco. Andi gave Nicholas the nickname Coco. Masyado daw kasing mahabang ang Nicholas hanggang sa makasanayan na namin tawagin siya sa palayaw na ibinigay sa kanya ni Andi. They're both three years old now at nag-aaral ng pre-school.



Tumakbo ang dalawa at sinalubong ako. Kinarga ko sila sa magkabilang bisig ko. "Wala ba akong kiss?"




Magkasabay nilang hinalikan pisngi ko.



"Daddy, kanina sa school gumawa kami ng family drawing. Bakit lahat ng classmates namin may mommy kami lang wala." Sabi ni Audrey.



Nawala ang ngiti ko. "Well, uhm... some families don't have a mom, parang tayo. May iba naman walang daddy. Every family is different." 



"I'll be your mommy." Napalingon ako kay Tiffany. Nakalimutan kong nasa likod ko pala ito.



"I don't want Tiffany to be my mommy, dad." Nakasimangot na sabi ni Coco.



"Coco, hindi ba sabi ko aunt Tiffany ang itawag mo sa kanya." Sabi ko.



"Sabi ni aunt Andi hindi naman daw namin siya aunt so we don't have to call her aunt Tiffany." Katuwiran nito.



"Coco!" Saway ko sa kanya.



"Ok lang, Nick. Let it go. He's just a kid." Nakangiting sabi ni Tiffany. Lumapit ito at nang akmang hahawakan niya si Coco bigla siya nitong tinapik sa kamay. Halatang nagulat si Tiffany.



"Coco, that's not nice. Apologize to Tiffany!" Galit na sabi ko.



"Sorry." He apologized insincerely.  Nagpababa ito sa akin at umalis. Coco can be a brat sometimes. I mean, most of the time. It's partially my fault because I spoil them rotten. It's hard raising two kids alone nang walang ina kahit na madami akong pera. Kahit  anong pilit kong punuin ang pagkukulang ni Cassie sa kambal hindi ko pa rin magawa. Iba pa rin kung may ina silang nag-aalaga at nagdidisiplina sa kanila.



"Daddy, do you want to see my drawing?" Tanong ni Audrey.



"Sure, baby." Sagot ko. Kabaligtaran naman ni Coco si Audrey. She's a real sweet heart. Mabait ito at malambing. Kahit magkaiba sila I love them both equally.



Tumakbo ito papunta sa taas.



"Pagpasensyahan mo na si Coco, Tiff." Sabi ko.



"I understand, honey. He's a kid, don't be too hard on him. Masasanay din siya sa akin pagtumagal-tagal." Sabi ni Tiffany.



"Daddy, daddy!" Tumatakbo ulit pabalik sa kinatatayuan namin si Audrey at may hawak itong papel. Pinakita niya sa akin ang drawing niya. May tatlong stick figure itong drawing sa papel at  may bahay sa tabi nito. Nag-drawing pa siya ng araw na may smiley face. "This is you, and this is me, and this is Coco. And this is our house."



"Ang galing naman ng baby ko. Come on let's hang it on the fridge." Sabi ko. We went to the kitchen and I hanged Audrey's drawing on the fridge. Inipit ko iyon sa isang magnet.



"Sir..." Lumapit si Tonya sa akin. Siya ang bagong yaya nila Coco at Audrey. Mag-iisang buwan pa lang ito sa amin. Umalis ang dating yaya nila dahil hindi nakayanan ang kakulitan ni Coco. I'm hoping na sana hindi niya ako tinawag para mag-resign. Mahihirapan na naman akong kumuha ng katulong.



"Tonya, may problema ba?" Tanong ko.



"Gusto ko na sanang umalis. Pasensya na, sir." Nakayukong sabi niya.



Napabuntong-hininga ako. Hindi na ako magtatanong kung bakit dahil alam ko na ang sagot diyan. "Pwedeng huwag ka munang umalis hangga't hindi pa ako nakakakuha ng papalit sa'yo?"



"Sir, hindi ko na kaya si Coco. Kanina nilagyan niya ng bulate ang pagkain ko, nakain ko yung kalahati ng bulate. Kahapon naman pinahabol niya ako sa aso ng kapit-bahay. Araw-araw kinakabahan ako kung anong kalokohan ang gagawin niya. Kung hindi ho ako mamatay sa pinaggagawa ng anak niyo sa akin malamang mamatay ako sa kaba." Sabi nito.



"I'll triple your salary." Alok ko.



"Sir, sorry. Ayoko na ho talaga." Umiling-iling ito.



"Sige, ibibigay ko na ang una at huling sweldo mo mamaya." Sabi ko na lang.



"Salamat, sir." Sabi nito bago tumalikod.



"Aalis na si yaya Tonya, daddy?" Tanong ni Audrey.



"Yes, baby." Minasahe ko ang ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Coco. Ilang katulong na ang umayaw sa kanya.



"Sino na ang bagong yaya namin?" 



"Hindi ko pa alam." Sagot ko.



"Hon, maybe Coco just needs a mother na aalalay sa kanya. Don't you think it's time for us to live together na para may kompletong pamilya na sila?" Sabi ni Tiffany.



"Ayoko munang pag-usapan yan, Tiff." Sabi ko.



She rolled her eyes. "We have been together na for two years! I'm not asking for marriage, Phoenix. Ok na sa akin yung makasama kita. Ano bang mawawala sayo kung magsama tayo?"



"Baby, why don't you go play with your brother?" Sabi ko kay Audrey. Sumunod naman ito.



"Pwede ba, Tiffany, huwag mo nang sabayan ang problema ko?" Inis na sabi ko.





"Ano ba ako sa'yo, Phoenix? Isa lang ba ako sa pampalipas oras mo? Isa lang ba ako sa mga babaeng kinakama mo?"  



"For fuck's sake, Tiff. Baka marinig ka ng mga bata!" Sabi ko.



"Tell me where I stand!" Nagtaas ito ng boses.



"Hindi porket nagsesex tayo may relasyon na tayo. I thought I made it clear before." Mahina ang boses na sabi ko.



She slapped me across the face at padabog itong umalis. Pinuntahan ko si Coco at Audrey na naglalaro sa sala.



"Coco, we need to talk." Nakasimangot ang sabi ko.



"I don't like yaya Tonya. She's talks alot and she never shuts up." Katuwiran nito. Alam niya na agad kung bakit ko siya kakausapin. We've gone through this alot of times before.



"Kahit na. Hindi pa rin tama ang ginawa mo." Sabi ko.



"I know. Pero pag wala kaming yaya nakakasama ka namin ng matagal." Sabi nito. Nawala ang galit ko at napalitan ng guilt. He's doing that to spend more time with me. Kahit nagtatrabaho ako naglalaan pa rin ako ng oras para sa kanila pero mukhang hindi sapat ang oras na yun. Wala silang ina kaya ako ang tumatayong ama at ina sa kanila. Kailangan doble ang oras na binibigay ko sa kanila. Sometimes being a single dad is hard.















Cassie's POV



"Get up, Miggy!" Inalog-alog ko siya.



"Five more minutes, mama." Sabi niya at tinakpan ang mukha ng unan.



"Miggy, you're going to miss the school bus! Gumising ka na." Sabi ko.



Tinatamad na bumangon ito sa kama. Pumasok siya sa bathroom sa kwarto niya. Bumaba na ako para ihanda ang almusal niya. Pagkatapos ng bone marrow transplant at maraming radiation at chemotherapy gumaling na si Miggy. Now he is totally cured. Naubos ang limang milyon na kinuha ko kay Nick. I had to work para makabayad sa renta ng apartment, sa pagkain at sa pang-araw-araw na gastusin.



Maya-maya pa ay bumaba na si Miggy.



"Good morning, ma." Bati niya. Umupo ito sa dining chair.



"Good morning." Sabi ko. Sabay kaming kumain. Makalipas ang ilang minuto dumating na ang school bus ni Miggy at umalis na ito.



Sumakay ako sa kotse ko at pumunta sa trabaho. This is Miggy's last day in his school at last day ko na din sa trabaho ko. Mamaya dadaan ako sa school ni Miggy para kuhanin ang school records niya. Uuwi na kami ng Pilipinas. Gustong-gusto ko nang makita ulit ang kambal at si Nick. Bubuuin ko ang pamilya namin no matter what it takes.

2 comments:

  1. Kinakabahan ako :( Sana maintindihan siya ni Nick. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wah same. Pero nagagalit ako sa ginagawa ni Nick ��

      Delete