Friday, May 10, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Twenty Five


Cassie's POV



Iminulat ko ang aking mga mata. Nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. I felt an uncomfortable feeling on my right hand at napatingin ako dito. May needle na nakatusok sa akin at sa tabi ko ay isang bag ng IV fluid. Natatandaan ko na ang nangyari bago ako nakatulog. I gave birth last night. Sana ok lang ang kambal. At si Miggy. Oh God, I hope maayos na ang kalagayan niya.



"Finally, gising ka na." Napatingin ako kay Nick na nakaupo sa couch.



"Nick, ang mga baby. Kamusta sila?" Tanong ko.



"They're in the nursery. May mga test lang na ginagawa sa kanila. They are so beautiful, Cassie." Nagniningning ang mga matang sabi niya. Halatang masayang-masaya ito.



"I want to see them." 



"Dadalhin sila mamaya ng mga nurse dito." Sabi niya at lumapit sa akin. Sumeryoso ang mukha nito. "Marami akong gustong pag-usapan at ayusin sa ating dalawa, Cassie. Sa ngayon, ayoko munang masira ang magandang araw na ito pero mag-uusap tayo pag-uwi sa bahay."




I swallowed the lump in my throat as my stomach got a lightweight nervous feeling. He's going to take the twins and end everything between us. Paano na si Miggy? Saan ako kukuha ng pera pampagamot sa kanya?



There was a long, uncomfortable silence between us.Hindi ko alam ang gagawin ko. Magmamakaawa ba ako sa kanya na huwag makipaghiwalay sa akin. Dapat bang ipagtapat ko na ang tungkol kay Miggy.



Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang nurse tulak-tulak ang tag-isang hospital crib at isang doktor. Nagliwanag ang madilim na mukha ni Nick. Sabi ng doktor wala daw problema sa dalawang bata at malulusog ang mga ito.



Binuhat ni Nick ang isa sa kambal.



"Look at her, Cassie. She's so beautiful." Mangiyak-ngiyak na nilapit sa akin ni Nick ang baby. Dahan-dahang ibinigay ni Nick sa akin ang baby.



Kinuha naman nito ang isa pa at umupo sa tabi ko.



"What are we going to name them?" Tanong ni Nick habang nakatingin sa hawak niyang bata. He couldn't take his eyes off the babies.



We decided to name them Nicholas and Audrey. Ayun naman talaga ang pangalan na pinlano namin. They are just so adorable. I wish Miggy could see his baby brother and sister. Tiyak matutuwa siya pagnakita niya ang mga kapatid niya.





Nick's phone rang. Sinagot niya iyon.



"Hello... Can't you do it? Cassie just gave birth, I can't come to the office right now... Do I really have to be there?... " Napabuntong-hininga si Nick at  tumingin sa akin. "Kailangan ako sa opisina. The Malaysian investor want to close the deal."



I smiled at him. "I think you should go."



"But, I don't want to leave you and the twins." 



"We'll be fine." 



"Tatawag na lang ako ng private nurse para bantayan ka. Sandali lang ito, I'll be back back in an hour." Sabi nito.



Nagpatawag nga ito ng nurse at umalis na. Doon ako nakakuha ng pagkakataon na matawagan si Jerome. Kinuha ko ang phone na nasa side table ng kama at pinindot ang number phone number niya.



"Rome?"



"Cass. Ok na si Miggy. Bumaba na ang fever niya kaya wag ka mag-alala masyado." Sabi ni Jerome sa kabilang linya.



"Thank God." Para akong nabunutan ng tinik.



"Kamusta na ang panganganak mo?" 



"Ok naman." 



"I wish I could see them. Lalaki ba o babae?"



"A girl and a boy."



"Nirinig mo yun, Miggy. May baby brother at sister ka na. Cassie, gising na ang junakis mo. Gusto kang makausap." Sabi ni Jerome.



"Hello, mama?" Narinig ko ang boses ni Miggy.



"Miggy, ano na nararamdaman mo? Kumain ka na ba? Nakainom ka na ba ng gamot?" Nag-aalalang tanong ko.



"I'm ok na, mama. Inalagaan ako mabuti ni ninong Jerome. Gusto ko makita yung baby brother and sister ko." Sabi nito.



"Gagawa ako ng paraan, baby." Sabi ko.



Nakiusap ako sa nurse ko na dalhin ang mga baby sa room ni Miggy. Pumayag naman ito. Nagtawag pa ito ng ibang mga nurse para itulak ang dalawang hospital crib.



Nagliwanag ang mukha ni Miggy ng makita ako sa pinto ng room niya. Namilog ang mga mata nito ng ipasok ng mga nurse ang kambal.



"Naku, ang cucute naman ng mga anak mo. Kung pwede lang akong magpalahi kay Nick." Sabi ni Jerome.



"Sira ka talaga!" Natatawang sabi ko.



"Mama, they are so tiny." Sabi niya habang nakasilip sa crib.



"Ganyan ka din dati." Sabi ko.



Nilaro-laro niya ang mga kapatid niya. Pinaupo ko siya sa kama at pinabuhat sa kanya si Audrey.



"This is your baby sister. Her name is Audrey." Pakilala ko sa kanya. Tuwang-tuwang siya sa kapatid niya.



"Ito naman si Nicholas. Siya naman ang baby brother mo." Inilapit ko sa kanya ang sanggol na buhat ko.



"Sana pwede na kami maglaro." Sabi ni Miggy.



"Pag malaki na sila at malakas ka na pwede na kayong maglaro." Sabi ko.



Kailangan na namin bumalik agad dahil baka dumating na si Nick. Nagpaalam na ako kay Jerome at Miggy.



"Rome, baka dumating na si Nick." Sabi ko.



"Ako na ang bahala kay Miggy." Si Jerome.



"Thank you talaga, Rome. Kung gusto mo na umuwi muna tawagan mo na lang si Rita at papuntahin mo dito para siya ang magbantay kay Miggy."



"Ay ayoko nga! Ang popogi kaya ng mga nurse dito." Malanding sabi niya. Naiiling na napatawa ako.



Humarap ako kay Miggy.



"Miggy, give Audrey and Nicholas a goodbye kiss. We need to go na." Sabi ko.



"Already?" Lumabi ito.



"I'm sorry, baby. Kailangan na namin umalis." Mabigat ang loob na sabi ko. He kissed the babies on the forehead at nagpaalam dito.



"Bye Audrey, bye Nicholas." Malungkot na sabi ni Miggy.



Wala pa si Nick nang makabalik kami sa room ko. Pero dumating din siya makalipas ang ilang minuto.



"Dumaan pa ko sa bahay. Kumuha ako ng mga damit mo at mga gamit ng baby." Sabi nito at nilapag ang bag na hawak niya. It's cute seeing him wearing a designer business suit while carrying a diaper bag.



Nilapitan niya agad ang kambal at nilaro ito.



"Did you miss daddy?" Hinaplos-haplos niya ang pisngi ni Audrey. She reached out and her tiny hands clutched his finger. Sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak namin. Kitang-kita ko na na mahal na mahal niya ang mga ito.



Natulog si Nick sa may couch. He said he didn't want to leave me and the baby. May namuo nang plano sa isip ko and I'm going to do it. I'm going to leave. Iiwan ko sa kanya ang kambal. Mas kailangan ako ni Miggy.



Habang mahimbing na natutulog si Nick nagmamadaling nagpalit ako ng damit. I tried to make as little noise as possible. Nilapitan ko ang kambal. Tulog na tulog din ang mga ito.



"Patawarin niyo ako. Kailangan kong gawin ito, mas kailangan ako ng kuya niyo." Mahinang sabi ko. Bumagsak ang luha ko nang halikan ko sila. I know Nick is going to take good care of them. Mapupuno niya lahat ng pagkukulang ko sa kanila. Mabibigyan niya ang mga ito ng magandang buhay, hindi ko kayang gawin iyon.



Dahan-dahan kong nilapitan si Nick. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghagulgol. Sana mapatawad niya ako sa gagawin ko. Sana balang-araw maintindihan niya ako.









Nick's POV



Nagising ako sa iyak ng sanggol. Agad akong napatayo at nilapitan ito. Kinuha ko mula sa crib si Nicholas.



"Gutom na ang baby ko." I swayed him a little para tumahan ito. Napatingin ako sa hospital bed para gisingin sana si Cassie at ma-breast feed niya si Nicholas. Where did Cassie go?



"Cass?" Tawag ko sa kanya. I thought maybe she's in the bathroom. Pero walang sumagot. Binuksan ko ang pinto sa bathroom pero walang tao doon. Dinampot ko ang telepono at tumawag sa front desk. Inipit ko ang telepono sa balikat ko habang pilit na pinatatahan ang baby.



Nag-ring ito ng ilang beses bago may sumagot.



"Do you know where my wife is?" Agad na tanong ko. Baka kinuha lang siya ng mga nurse o doktor para ma-check up.



"Ano pong pangalan ng pasyente?" Tanong ng babae sa kabilang linya.



"Cassandra Cordova." 



"I'm sorry, sir. We don't know where she is." Sagot nito.



"Okay, thank you." Sabi ko na lang at ibinaba ang telepono. Nagtimpla na lang ako ng formula milk at ipinainom ito kay Nicholas.



Naghintay ako na bumalik si Cassie pero inabot na ng hapon wala pa rin ito. Nababaliw na ako kaiisip kung saan siya nagpunta. Kung anu-ano na ang naiisip ko. Buti na lang bumisita si Andi.



"Oh my god. They're gorgeous!" Sabi ni Andi ng makita ang mga bata. Binuhat niya ang isa sa kambal.



"Mana sila sa akin. Ang cute cute!" Sabi niya habang buhat buhat ang baby. I just rolled my eyes.



"You look sad, Phoenix. Mahirap ba maging daddy?" Natatawang sabi niya. Hindi ako sumagot. Tumingin ito sa paligid na tila may hinahanap. "Nasaan si Cassie?"




Nagkibit-balikat ako. "Nagising na lang ako wala na siya."



"Where did she go?" 



"I don't know, Andi!" Iritableng sabi ko. Bigla na akong napaiyak. I don't think Cassie is coming back. She probably ran off with Jerome. Pero umaasa pa rin ako na sana mali ang iniisip ko. Napasubsob ako sa mga palad ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.



Andi bit her lower lips. Awang-awa ito habang nakatitig sa akin. Umupo siya sa tabi ko habang hawak pa rin niya ang baby.



"Pull yourself together! May mga anak ka na. Kung sakaling hindi na bumalik si Cassie, you still have your kids. You don't need her." Sabi nito. The baby started to cry.



"Kita mo, Phoenix! Umiiyak na din ang anak mo. Nararamdaman niyang malungkot ka." Sabi ni Andi. Pinabuhat niya sa akin ang baby.



"Hindi mo kailangan si Cassie. You have two beautiful kids. Sila na lang ang pagtuunan mo ng pagmamahal." 



Nakalabas na kami sa ospital. Hindi pa rin bumabalik si Cassie. She's gone. Nalaman kong kumuha siya ng limang milyon sa bank account ko. I can't believe this. Malinaw na ang lahat sa akin. She married me for my money. I was a fool to believe that she really loved me. Anong klase siyang babae? Nagawa niyang iwan ang sarili niyang anak para sa pera at sa lalaki niya.











Cassie's POV



"Ma, saan tayo pupunta?" Tanong ni Miggy habang hawak ko siya sa kamay niya. Papasok na kami sa eroplanong sasakyan namin.



"Pupunta tayo sa Amerika para mapagamot ka." Sagot ko. Napagdesisyonan ko na na ipa-bone marrow transplant si Miggy. Mas advanced ang teknolohiya sa Amerika. I want to make sure he gets the best treatment. Alam kong malaki ang gagastusin para doon kaya kumuha ako sa bank account ni Nick ng limang milyon.



Habang nakaupo na kami sa seat namin. Miggy will make it. I know he will. Pag gumaling si Miggy babalikan ko ang mga anak ko at pag nangyari yun hinding-hindi ko na sila iiwan. Sa ngayon mas kailangan ako ni Miggy. Sana huwag isipin nang dalawang anak ko na inabandona ko sila at hindi ko sila mahal. Mahal na mahal ko sila pero kailangan kong gawin ito.

28 comments:

  1. para sken walang kwentangina yan c cassie.. selfish xa.. my skit na nga x miggy ee.. haist! I'm so affected.. ang dami kong gstong sbhen.. bsta inshort badtrip ka cassie.. nd mo deserve mging nanay ng tatlong bata at mging asawa ni nick..

    ReplyDelete
    Replies
    1. WOOOOOOOOO! Agree HAHA

      Delete
    2. gago ka kailangan ni miggy ang treatment

      Delete
  2. for me hindi rin deserve ni cassie maging ina nina miggy. when you are a mother gagawin mo ang lahat para lang sa anak mo. isasacrifice mo ang lahat pati pagkatao mo para lang sa anak mo especially kung anak mo ay may malalang sakit na tulad ni miggy. yes! nag aalangan siya kasi baka nga kunin lang ni nick si migyy pero hindi ba niya naisip na mas makakatulong sa anak niya si miggy dahil sa pera nito?? hay naku! na- carried away ako sa storyang ito...

    ReplyDelete
  3. Oo nga bdtrip c casie. Muntanga lng

    ReplyDelete
  4. kainis nan ang mga karakter dito...puro tanga...c nick na inakalang masamang babae si casie....si kasi nan selfish...nakakairita...hmmmmmf..pero naeeksite aqo sa mga susunod na mangyayari....
    hehehe...

    ReplyDelete
  5. walang kwentang ina si cassie napaka selfish.. sex lang ang alam, tssk!! pwede naman na sabihin nia kay nick ang tungkol kay miggy? nakaka hb sya ha. sobrang naawa ako kay miggy, shit lng talaga yan si cassy tssk

    ReplyDelete
  6. People make selfish mistakes, people. Communication ang kelangan nila, a long one in fact. ang galing ni author, only a good author could get all these kind of reactions from the readers.

    ReplyDelete
  7. They're both wrong. Ang mali kasi sa kanila, hindi sila nag-uusap. They just both let the problems pass by. No confrontations. Kaya ang nangyayari, puro misunderstandings, kasi puro lihiman. Puro takot yung pinapairal. Nakita naman niyang mahal na mahal ni Nick yung kambal diba? Malamang kapag nalaman pa niyang anak niya si Miggy, ganun din ang mararamdaman niya. She should've talked to Nick nung narinig niya yung usapan nila ni Andi. They always base on what other people say.

    THUMBS UP MISS AUTHOR! :-)

    ReplyDelete
  8. cassie is so shelfish! ;( Carried away. I cant believe na yun ang magiging desisyon nya! Non-sense, pwd nmn nya sbhen kay Nick but still she chose the wrong one. Hayyy, & besides whatever experiences na nranasan nya kay nick, nick has still the rights to know the truth, he is still the father of miggy! nkakagigil.

    ReplyDelete
  9. Some part of me na naiintindihan ko si Cas. Never sumagi sa isip ko unng word na selfish. Naisip ko lang na ginawa niya lang un para sa anak niya. Iniwan niya ung kambal niya kay Nick kasi alam niyang maaalagan niya ito ng mabuti.

    ReplyDelete
  10. The author's just being realistic. Wala naman sigurong taong perpekto at nakakaisip ng the best na desisyon. If you're the mother, you'll be torn between your new-born twins and your ill son. Naiintindihan ko naman si Cass for everything. Pero hindi magiging ganitong kakumplikado kung hindi siya nagpakatanga sa 'what-ifs' nya. For the record, Nick and Cass are both stupid. Walang trust sa relasyon (based on my observations and well, their situation). That's all. 2 Thumbs up author!

    ReplyDelete
  11. Nasaan po yung chapter twenty four?♡

    ReplyDelete
  12. bakit grabe naman kayo magalit kay Cassie? AHAAHAHAH Kung di niya ginawa yan, ano babasahin niyo? Char. Cassie is a human too. She make mistakes. At wala naman kayo sa pwesto niya to know her pov. She is a mother and her son is in danger. Mas mapapabuti ang kambal with their dad. Mas kailangan siya ni Miggy. Mahirap ba maintindihan yon? SKSKSK And Hello? Hindi madali sabihinay Nick na may Miggy na sila lalo na narinig niya yung usapan ni Andi at Nick. Jusko'

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly! yan ang hindi nila maintindihan nagagalit pa sila kay cassie hahahaha

      Delete
  13. Pang limang beses kona ito binasa this year 2020

    ReplyDelete
  14. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  15. kung sasabihin ni cassie yung truth idi tapos na ang story🥴 haist just read nalang chill chill...

    ReplyDelete
  16. kung sasabihin ni cassie yung truth idi tapos na ang story🥴 haist just read nalang chill chill...

    ReplyDelete
  17. Cass, ang unfair mo for Miggy at Nick ayaw mo ipakilala ang mag ama, tapos iniwan mo ang kambal na walang paalam. Alam ko mahirap pero communicate huhuhuhu nakakaiyak ka Cass

    ReplyDelete
  18. Basta hindi ako galit kay cassie, kung alam ko lang yun totoo na mahal na o mahal pa ako ni nick, syempre hindi na ako aalis, pero kasi ang alam nya ay ginamit lang sya. na hurt sya,gusto nya lang din na wag mawala si miggy,kahit masakit ginawa parin nya.

    ReplyDelete
  19. Girl, ang tanga mo sa totoo lang. Deserve mo mag grovel. Sana pag balik mo, iba na asawa ni Nick at iba na kinikilalang nanay nung kambal.Sobrang boba mo sa totoo lang. Ang simple ng mga bagay, ginagawa mo’ng complicated. Pinapahirapan mo pa mga anak mo sa katangahan mo. Letse ka.

    ReplyDelete
  20. Kaloka, miscommunication,! Hilig nilang dalawa mag assume 😒

    ReplyDelete