Friday, May 10, 2013
Sleeping With My Rapist - Twenty Four
Nick's POV
Napangiti ako habang pinagmamasdan kong natutulog si Cassie.
I love you, Nick.
Hindi ko makakalimutan ang sinabi niyang iyon kanina. I couldn't believe what I heard. Mahal niya din ako. I wanted to say I love her too but I just suddenly froze in shock.
"I love you too, Cass." I whispered in her ear.
"Nick..." She muttered still asleep. I pulled her closer to me at hinalikan siya sa noo. I could die happy right now. Parang panaginip lang ang mga nangyari. This is so surreal. Hindi ko akalain na mangyayari pa ito. Finally, I'm with the woman I love and she loves me back. At malapit na kami magkaron ng kambal. Kung panaginip lang lahat ito sana hindi na ko magising.
Cassie's POV
Minulat ko ang mga mata ko. Nakaunan ako sa dibdib ni Nick na mahimbing na natutulog. I got up and put on my clothes. Bumaba ako at nagluto ng breakfast.
"Ma'am Cassie, ako na ang magluluto." Sabi ng katulong.
Nginitian ko siya. "Ako na. Gusto ko naman ipagluto ang asawa ko."
"Sige po, kayo po ang bahala." Sabi na lang nito.
Nagluto ako ng french toast, sausage patties, egg at bacon. May yumakap mula sa likuran ko habang nagluluto ako.
"Bakit ikaw ang nagluluto?" Tanong nito bago ako hinalikan sa buhok.
"Wala lang. Gusto ko lang ipagluto ka." Sagot ko.
"Really?" Patuloy ito sa paghalik sa buhok ko pababa sa batok.
"Nick, ano ba? Mamaya makita tayo ng maid." Saway ko.
"So?"
"Ano'ng so? Tumigil ka nga dyan. Ang laki laki na ng tyan ko." Natatawang sabi ko. "Tapos na itong niluluto ko. Kumain na nga tayo."
Dinala niya ang plato kung saan ko nilagay ang bacon at egg at inilapag sa mesa. Feel na feel ko talaga ang pagiging misis ko ngayon.
"Ang sarap naman ng luto ng asawa ko." Sabi ni Nick. I got butterflies in my stomach just hearing him call me his wife.
"OA ka ah! Ganyan din naman luto ng mga maid."
"Pero iba pag ikaw nagluto. It taste 10 times better." He said and continued chewing his food. Pinanood ko siya habang sarap na sarap ito sa pagkain.
We finished eating and he took a shower and got ready for work.
"Is it ok if I move back into my bedroom?" Tanong niya sa akin habang tinatali ko ang tie niya.
"Oo naman, this is your house. You want us to switch bedrooms?" Sabi ko.
Napasimangot ito. "That's not what I mean. I want to be with you."
"Ok, ipalilipat ko na yung mga gamit mo dito."
"Thanks." Muli itong ngumiti.
Hinawakan niya ang bewang ko at hinatak palapit sa kanya. He gave me a deep kiss at lumuhod ito sa harap ko at hinalikan ang tiyan ko. Pagkatapos ay nagpaalam na. Pagkaalis ni Nick naligo na ako at nagbihis. At umalis ako agad para puntahan si Miggy.
Nadatnan ko si Miggy at si Jerome na naglalaro ng mga video games. Madalas dumalaw si Jerome kay Miggy. Some days nakakapaglaro ito at nakakatakbo-takbo pa pero may mga araw din na halos hindi ito makatayo sa kama. Lalo na mga ilang araw pagkatapos ng chemotherapy niya doon siya nanghihina.
"Mama!" Tumakbo ito palapit sa akin. Hinalikan ko siya sa noo.
"How's my baby?" Tanong ko sa kanya.
"Mabuti na pakiramdam ko, mama. Naglalaro kami ng xbox ni ninong Jerome." Sabi nito.
"Uy, girl! Kanina ka pa namin hinihintay. Nag-aayang lumabas ang junakis mo." Si Jerome.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko kay Jerome.
"Dito na nga ako nagbreakfast eh." Sabi nito.
"Mama, pwedeng manood tayo ng movie? Please?" Si Miggy.
"Oo naman." Sagot ko.
Nagpunta kaming tatlo ng mall at nanood ng movie na pinili ni Miggy. Namasyal-masyal kami at naglaro siya sa arcade sa loob ng mall. Nang mapagod ito umuwi na kami.
(After 3 months)
Naging maganda ang pagsasama naman ni Nick sa loob ng apat na buwan. He's so sweet and caring. Minsan gusto ko na nga maniwala sa mga ito. But he's too good to be true. Lahat ito palabas lang. At lahat ng palabas may katapusan. Weeks na lang ang hinihintay at matatapos na ang palabas na yun.
Off niya ngayon at dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. Tuwing off niya hindi ko napupuntahan si Miggy dahil buong araw kaming magkasama. Noong una, nalulusutan ko pa siya but I have ran out of excuses. I'm basically living two different lives as a mother and a wife.
"Babe?" Hinawakan ni Nick ang kamay ko.
Napakurap ako. "Huh?"
"Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot. Mukhang malalim ang iniisip mo. Is something wrong?" Tanong nito.
"W-wala." Umiling ako.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Natatakot ka ba?"
"Natatakot saan?"
"Are you scared of giving birth?" May pag-aalala sa tinig nito.
"No, it's not that."
"Tell me what's bothering you."
"Wala. I'm just... tired." Dahilan ko.
"Gusto mo na umuwi?"
Tumango lang ako. He paid the bill and we went home. Ano na ba mangyayari sa amin kapag naipanganak ko na itong kambal? Ano na ang mangyayari kay Miggy kapag tinapon na ako ni Nick? Saan ako kukuha ng perang pampagamot sa kanya? Dapat ko na bang isuko si Miggy kay Nick? Nagtatalo ang utak at puso ko. Kapag sinabi ko kay Nick ang tungkol sa anak namin I might lose Miggy, kapag hindi ko sinabi kay Nick makakasama ko nga siya pero nakikita ko naman siyang naghihirap.
"Nick, we need to talk." Sabi ko sa kanya. Gusto ko na maayos ang lahat. I want to know what will happen to us kapag naipanganak ko na ang kambal.
"Sure, about what, babe?" He asked.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "About us."
Ibubuka niya pa lang ang bibig niya ng mag-ring ang phone niya.
"Sorry about that." Sabi ni Nick.
"Sagutin mo muna yan." Napabuntong-hininga ako. I could almost hear how much my heart is pounding.
"Excuse me." Sinagot niya ang phone niya. "Tristan, this better be important... Nandyan ang Malaysian investors?... Okay, okay I'll be there in a few."
Humarap siya sa akin. "Babe, I'm sorry I need to go."
"Ok lang." Pinilit kong ngumiti.
"Mamaya na lang natin yun pag-usapan, okay?" He gave me a quick peck on the forehead at nagmamadali itong umalis.
I want to know where I stand in his life. Gusto ko na maliwanagan kung ano ba talaga ako sa kanya.
Biglang nagring ang phone ko. Lumabas ang number sa bahay. Agad kong pinindot ang answer button.
"Ate?" Boses iyon ni Rita. Narinig ko pa lang boses niya alam kong may masamang nangyari.
"Rita? Anong nangyari?" Agad na tanong ko.
"Si Miggy inaapoy ng lagnat, ate." Sabi nito.
"Ano pang ginagawa mo dyan? Dalhin mo si Miggy sa ospital." Utos ko.
"Tinawagan ko na si kuya Jerome papunta na siya dito. Siya ang magdadala kay Miggy sa ospital." Sabi ni Rita. Malapit lang ang bahay ni Jerome doon at may kotse ito kaya mabilis niya itong madadala sa ospital.
"Sige, papunta na ako dyan." Sabi ko at ibinaba ko na ang telepono.
Kumuha ako ng taxi at pinuntahan ko si Miggy. Nandoon na si Jerome ng makarating ako. Miggy is burning up fever. Halos hindi na ito makausap at nanginginig ang buong katawan. He was ok when I left him yesterday. My eyes began to water as I watch him.
Binuhat ni Jerome si Miggy at isinakay sa kotse. Mabilis na ipinaandar nito ang kotse hanggang makarating kami sa ospital Dumiretso agad kami sa ER at agad na sinalubong ng mga nurse.
Habang ine-examine siya ng doktor hindi ko napigilan ang mapaluha. Lupaypay ang katawan nito at walang lakas para gumalaw. All he can do was moan.
"Miggy nandito na si mama." Tumabi ako sa higaan niya.
"Maaa..." Tawag niya sa akin. Nakapikit pa rin ang mga mata nito.
Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon. Pinalabas kami ng doktor sa emergency room.
"Girl, magiging ok si Miggy. I know he's going to be ok." Hinaplos-haplos nito ang likod ko.
"Jerome, bakit ba nangyayari sa amin ito? Bakit si Miggy pa?" Humihikbing sabi ko.
"Tahan na, girl. Naiiyak na rin tuloy ako." Basag ang boses na sabi niya at niyakap ako.
Naghintay kami ng kalahating oras bago lumabas ang doktor at tinawag kami. Miggy went to a couple of test and they found out na may infection ito sa loob ng katawan at dahil mababa ang white blood cells nito mahihirapan ang katawan niyang malabanan ang infection. Nilipat si Miggy sa isang kwarto. He had to be confined para sa iba pang mga test.
Naka-dextrose si Miggy at wala pa rin malay ng puntahan namin sa kwarto ng ospital. Nandoon ang doctor niya at isang nurse.
"Mrs. Imperial, we did a ct scan and found that the cancer is no longer responding to the chemo." Sabi ng doktor.
"May iba pa bang treatment besides chemotherapy? Anong pwede namin gawin?" Tanong ni Jerome.
"Lumalaki ang cancer cell ng pasyente. Ang tanging solusyon na lang ay ang bone marrow transplant. But I have to be honest, mahirap ang procedure na iyon. Kailangan makahanap ng bone marrow na magmamatch sa pasyente at 50% lang ang survival rate nito." Sabi ng doktor.
Hindi ko mapigilan ang mapahikbi ng marinig ko iyon. Inalo ako ni Jerome. Lumapit ako kay Miggy at hinalikan siya sa noo.
"Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin. Kung kailangan ibigay ko ang buhay ko para sa'yo gagawin ko." Bulong ko sa kanya.
All of a sudden a sharp pain came from my stomach. Napahawak ako sa rail ng kama.
"Girl, bakit?" Tanong ni Jerome.
"Ang sakit ng tiyan ko." I began panting in pain.
Inupo niya ako sa upuan sa tabi ng kama.
"Relax ka lang, girl. Breathe in, breathe out." Sabi niya.
"Ang sakiiiit!" Sigaw ko at napahawak ako sa tiyan ko. I can't give birth. Hindi ko pa due.
Napahawak si Jerome sa noo niya. "Oh my god! Huwag mo sabihing manganganak ka na."
I felt liquid come out of me. Shit! This isn't the best time para manganak ako.
"M-my water just broke." I groaned.
Nanlalaki ang matang tinitigan ako ni Jerome. "Omg girl anong gagawin ko?!"
"Call a doctor!" I screamed.
Dali-dali itong lumabas ng kwarto at pagbalik nito meron na itong kasamang nurse na may dalang wheel chair.
"R-rome... Ikaw muna ang bahala kay Miggy." Sabi ko.
"Oo, sige. Huwag kang mag-alala." Sabi nito.
Dinala nila ako sa labor room.
Nick's POV
Katatapos lang ng presentation namin sa mga investors. Biglaan ang pagpunta nila dito sa Pilipinas. But I'm glad na prepared ako at naging maayos naman ang takbo nito. Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Cassie. Ano kaya ang gusto niyang pag-usapan.
"Mr. Cordova, you have a visitor by the name of Tiffany Garcia." Sabi ng secretary ko mula sa intercom.
Tiffany was my on and off girlfriend for two years. Nagtagal lang kami ng ganon katagal dahil bukod sa magaling siya sa kama magkaibigan ang mga magulang namin. I was dating other girls when I was in a relationship with her. I never really loved her. I asked her to marry me hindi dahil sa mahal ko siya kundi dahil compatible kami sa isa't isa at gusto ko na ng anak. Pero tumanggi siya, hindi pa daw siya handang magkapamilya. I broke up with her.
"Let her in." Sabi ko sa intercom.
Maya-maya ay pumasok na ito.
"Honey!" Nakangiting sabi niya at tumakbo siya palapit sa akin. Sinubukan niyang halikan ako pero umiwas ako.
"Tiff, I'm married." Sabi ko.
"Alam ko." She smirked. "Who knew? Kayo din pala ang magkakatuluyan ni Cassandra."
"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong ko.
"Bakit ka ba ganyan? Bitter ka pa rin ba sa pagtanggi ko sa marriage proposal mo." Tumawa ito. "Honey, kahit may asawa ka na pwede pa naman natin ituloy ang relasyon natin. I still love you, Phoenix."
"Wala akong balak na pagtaksilan si Cassie." Sabi ko.
"Pero ikaw, paulit-ulit ka niyang niloloko. Kawawa ka naman, honey. Dalawang beses ka na niya iniputan sa ulo nagpapakatanga ka pa rin sa kanya." Nakangiting sabi nito habang pinaglalaruan ang tie ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Your dear wife is having an affair with the same guy she cheated on you with. My poor honey. I would never do that to you." Niyakap niya ako.
Inilayo ko siya sa akin. "Leave! Now!"
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. May inilabas ito sa bag niya at inihagis sa akin. Nahulog ang mga pictures sa sahig.
"Tignan mo ang mga pictures na yan." Sabi niya.
Dinampot ko ang mga iyon mula sa sahig. Mga litrato ito ni Cassie na kasama si Jerome. May mga litrato silang nagyayakapan, nakaakbay sa kanya si Jerome at pumapasok sila sa dating bahay ni Cassie. Alam kong kasal na kami ng kuhanin ang litratong iyon dahil malaki na ang tiyan niya sa pictures.
"Nakita ko silang namamasyal sa mall kaya sinundan ko hanggang makauwi sila, sa love nest siguro nila. I did all that for you, Phoenix. Para ipakita sa'yo na ang pinakamamahal mong Cassie ay isang haliparot na babae na hindi kuntento sa iisang lalaki." Sabi ni Tiffany.
Nilukot ko ang litratong hawak ko.
"Umalis ka na, Tiffany." Mababa ang boses pero madiin na sabi ko.
Hinaplos-haplos niya ang pisngi ko. "Alam mo naman ang number ko. Call me kapag kailagan mo ko."
She gave me a kiss on the cheek and left.
Napasuntok ako sa desk ko. Kung totoo man iyon I will fucking kill both of them! Kaya pala palagi siyang umaalis para makipagkita kay Jerome. And the twins? Akin ba talaga yun o kay Jerome? Fuck!
Biglang nag-ring ang phone ko. Hindi ko iyon pinansin. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko akalain na mauulit uli ang dati. Akala ko hindi niya na ako lolokohin. Akala ko mahal niya ko. Ang tanga ko para maniwala sa kanya.
The phone continued ringing. Iritang dinampot ko iyon nang aktong papatayin ko yun nakita ko ang pangalan ni Cassie. I answered it.
"N- nick!" Sigaw niya agad ang bumugad sa akin.
Nawala ang galit ko at napalitan ng pag-aalala. "Cass, anong nangyayari sa'yo?"
"Nick, I'm on labor. Please pumunta ka dito. I need you." Umiiyak na sabi nito.
Shit! Sabi ng doctor 3 weeks pa bago ang due date niya. "Nasaan ka?"
Sinabi niya ang pangalan ng ospital kung nasaan siya. Agad akong bumaba sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko ang sasakyan ko hanggang sa makarating ako sa ospital.
"Nick!" Cassie reached out her hand to me nang makita akong papasok sa delivery room. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
"Alright, you are ten centimeters dilated and I'm going to want you to push, okay?" Sabi ng doctor.
Tumango si Cassie. I feel like my heart is pounding out of my chest. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang umiiri siya. Makaraan ang ilang sandali nailabas niya na ang bata.
"It's a baby boy." Sabi ng doctor. Hindi ko maiwasan ang mapaluha ng marinig ko ang unang iyak niya.
They cut the umblical cord.
"Gusto mong hawakan si baby, daddy?" Tanong ng doctor.
Tumango ako at kinuha ang bata. There's no doubt this baby is mine. Nararamdaman ko, akin siya.
Nagsimula na naman umiri si Cassie. At isang babae naman ang inilabas niya. They cleaned the babies.
Lumapit ako kay Cassie na halatang pagod na pagod.
"Nick..." She called my name.
"Cassie, babae at lalaki ang anak natin." Maluha-luhang sabi ko.
She gave me a faint smile.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
grabe..naiiyak ako...hay..nakakadala....salamat sau mr o ms author...hay
ReplyDelete