Biyernes, Mayo 10, 2013

Sleeping With M Rapist - Chapter Thirty Four


Nick's POV



Cassie wants an annulment. Hindi ko na kakayanin pag nawala ulit siya sa akin. Dalawang beses na siyang nawala sa akin noon at hindi ko na hahayaang maulit pa uli iyon. Lalo na may mga anak na kami. Kailangan ko siya at ng mga anak namin. Gagawin ko ang lahat para maayos namin ito.



Nakaupo si Cassie sa gilid ng swimming pool at binabantayan ang mga bata habang masayang naliligo ang mga ito. Dito na sila nakatira ni Miggy. Nasa iisang bubong lang kami pero hindi kami nagkikibuanat madalas iniiwasan niya ako. Sinubukan ko siyang kausap pero lalo lang siyang nagagalit sa akin. Si Miggy naman magkasundong-magkasundo na kami. Agad naging malapit ang loob namin sa isa't isa. We share the same interest. Our personality and taste are very similar. He sometimes reminds me of myself when I was young. Kung may nangyari sa amin ni Cassie noon iisipin kong anak ko siya. I want to legally adopt him. Pero aayusin ko muna ang problema namin ni Cassie, alam ko kasing hindi siya papayag.



Lumapit ako sa kanila. Abala ang tatlo sa pagtampisaw sa tubig kaya hindi nila ako napansin. Tinabihan ko si Cassie. She gave me a cold glare and looked away.



"Cass, alam kong naiinis ka kapag lumalapit ako sayo." Malungkot na sabi ko.



"Buti alam mo." Sabi nito habang nakapako pa rin ang tingin sa mga bata.



"Pero hindi ako titigil hangga't hindi mo ako napapatawad. I swear to God, Cassie, babawi ako sa lahat ng mga nagawa ko sayo." 



"Hay nako, Nick. Dyan ka naman magaling, puro ka salita." Iritadong sabi niya. "Ikaw na muna ang bahala sa mga bata! Nabubuwisit ako sa pagmumukha mo!" 




Tumayo ito at lumakad papasok sa bahay. Napabuntong-hininga na lang ako. Sukdulan na yata ang galit niya sa akin. Sana naman maayos pa namin ito.



Nakaisip ako ng idea. I'll make dinner for her. Kapag nakita niyang sinusubukan kong nag-eeffort ako baka magbago ang isip niya sa annulment. It wouldn't hurt to try. Walang mawawala sa akin kapag sinubukan kong ayusin ang relasyon namin, malaki ang mawawala kapag hindi ko sinubukan. I'll lose the only woman I love.



"Kids!" Tawag ko sa mga bata. Napalingon sila sa akin. "Umahon na kayo. Daddy needs your help."




Kahit ayaw nila napilitan silang umahon sa swimming pool. Nang makaligo na ang mga ito at makabihis tinawag ko sila sa kusina. Buti na lang nasa kwarto niya si Cassie.



"We're going to cook dinner for mommy, ok?" Sabi ko sa kanila.



'Tinulungan' nila ako sa pagluluto. Nang matapos kami parang dinaanan ng ipo-ipo ang kusina at ang dumi ng mga bata. But we did have fun.



Pinuntahan naman si Cassie sa kwarto niya. Nakahiga siya sa kama at natutulog habang may nakapatong na libro sa dibdib niya. The kids jumped on her bed. Nasa pinto lang ako at pinagmasdan ko sila.



"Mama, wake up!" Si Miggy.



"Mommy, nagcook kami ni daddy ng dinner for you!" Sabi naman ni Audrey habang tumatalon-talon sa kama.



"Halika na, mommy! I'm hungry." Hinatak ni Coco sa kamay si Cassie para tumayo.



"Oo na, eto na nga tatayo na ko." Tumatawang sabi ni Cassie. Tumayo siya sa kama at nag-unat. Napasimangot siya ng makita ako.



"Kain na tayo." Aya ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin at tinuon ang pansin sa mga bata.



Pumunta na kami sa dining room. Kami din ng mga bata ang nag-ayos ng mesa. Nakahain na ang mga niluto naming pagkain. Kinakabahan ako dahil baka hindi magustuhan ni Cassie ang luto namin. Pakiramdam ko huhusgahan ng judge sa masterchef ang luto ko. Ito ang unang beses kong magluto ng 'totoong pagkain'. Ang alam ko lang kasing lutuin ay yung mga hotdog, egg, bacon. Yung mga madadaling lutuin. Galing pa sa cook book ang mga niluto namin ngayon.



Hinila ko ang isang upuan at doon ko pinaupo si Cassie. Nagulat siya sa dami ng nakahain na pagkain sa harap niya.



"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko habang nginunguya niya ang steak. She just nodded her head.



"You should try this, mommy!" Inilapit ni Audrey ang tinidor niya na may ravioli kay Cassie. Isinubo naman yun ni Cassie.



"Mmm, ang sarap naman. Ang galing naman ng mga baby ko magluto." She said cheerfully. Napahagikgik si Audrey dahil may sauce sa gilid ng bibig ni Cassie. I wiped it with my thumb and licked the sauce. Gulat na napatingin siya sa akin at kinindatan ko siya.



"Mommy, why don't you try this too." Nakangising sabi ko habang hawak ang kutsarang may mashed potato.



Inilapit ko sa kanya iyon. She stared flatly at me.



"Come on, mommy. Subukan mo ito." Pilit ko sa kanya. Napilitan siyang isubo iyon dahil siguro ayaw niyang tumanggi sa akin sa harap ng mga bata.



"Can you pass the gravy, dad- I mean Phoenix." Si Miggy. Siguro nahawa din siya sa pagtawag ng dalawa ng daddy sa akin. Pero natuwa ako ng tinawag niya akong dad.



Inabot ko sa kanya ang gravy. "Uhm, Miggy, you can call me dad."




Namimilog ang mga matang tumingin siya sa akin. "Really?"



"Oo naman." Nakangiting sagot ko.



"Thanks... dad." Nangingislap ang mga matang sabi niya. My heart melted when he called me 'dad'. I wish Miggy was really my son. Napamahal na ako sa batang iyon sa loob maikling panahon.



Pagkatapos namin kumain. Nag-aya ang mga bata sa entertainment room. Doon nila gusto kumain ng dessert habang nanonood ng movie. Malaki ang couch doon. Magkatabi kami ni Cassie habang si Coco ay nakakandong sa akin, si Audrey nakasiksik sa gilid ni Cassie at si Miggy ay nakahiga sa tabi ko. Dahan-dahan ko siyang inakbayan. Hindi niya napansin iyon dahil abala siya sa panonood ng pelikula. Inilapit ko ang mukha ko sa buhok niya. I like the smell of her hair. Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa buhok.



"Ikaw nananamantala ka ha." Mahinang sabi niya habang nakapako pa rin ang tingin sa tv screen.



"Cass, alam kong hindi magiging madali sayo ang magpatawad sa lahat ng ginawa ko pero hihintayin ko yun. Sana bigyan mo pa ako ng isa pang chance. Ayusin natin ito. Subukan ulit natin. pwede?" Bulong ko sa tenga niya.



Nagkibit-balikat siya. "We'll see."




Idinantay ko ang noo ko sa kanya. I could tell that she is smiling. Kahit papaano nagkaron ako ng pag-asa. Kahit hindi malinaw ang sagot  niya. I will try my best to make her change her mind.









Cassie's POV



Nagpapalipad ng saranggola ang apat na mag-aama. Ang sarap nilang panoorin. Madaling nakapag-adjust si Miggy dito sa mansyon. Minsan nga gusto ko na magselos sa closeness nila ni Nick. Miggy looks up to his dad. Madalas sila palagi ang magkasama. They've been catching up with each other. May pagkakataon pa nga na dinala ni Nick si Miggy sa opisina niya. Tuwing magkukuwento si Miggy palaging si Nick ang binibida niya.



"Gumawa ako ng orange juice." Sigaw ko sa kanila. Nilapag ko ang tray na may apat na baso at pitcher na may orang juice.



Agad naman nagtakbuhan ang apat papunta sa akin.



"Ano ba yan? Pawis na pawis kayong apat." Sabi ko. Sinimulan kong punasan sila. Nagdala din ako ng mga bimpo at inilagay ko yun sa likod ng mga bata.



"O, ikaw magpunas sa sarili mo." Binato ko kay Nick ang isang bimpo.



"Mommy, meron surprise si-" Agad na tinakpan ni Nick ang bibig ni Audrey.



"Ano yun?" Kunot ang noong tanong mo.



"Nothing." Sabay-sabay na sabi ng tatlong lalaki.



 Nagkibit-balikat na lang ako. Ano kayang plano ng mag-aamang ito. Pero nawala din agad sa isip ko yun. Maya-maya lumapit sa akin ang dalawang kambal.



"Mommy, laro tayo sa playroom." Aya nito.



"Laro na naman? Hindi pa ba kayo napapagod. Magpahinga muna kayo." Sabi ko.



"Please, mooooom!" Magkasabay na sabi nila at lumabi pa ang dalawa.



"Sige na nga." Pumayag na rin ako. Who can say no to this cutie-patooties.



Nagpunta kami sa playroom at nagsimula silang maglaro. Maya-maya pumasok si Miggy at binulungan ang dalawa. Nagulat ako ng hatakin ako ng dalawa papunta sa kwarto ko.



May mga rose petals sa kama ko at isang malaking box. Ano na naman bang pakana ni Nicholas ito? Lumapit ako sa kama at may nakasulat sa ibabaw ng box.



WEAR ME!



Natawa ako sa nakasulat. Binuksan ko ang box at isang magandang royal blue dress ang bumungad sa akin. Pagkaalis ng tatlo agad kong isinuot ang damit. It looks beautiful. Nag-ayos ako ng sarili ko para naman mag-match sa suot kong dress. Excited na ako sa surprise sa akin ni Nick.



Paglabas ko sa kwarto sinalubong agad ako ng tatlong anak ko. Miggy was holding a piece of cloth.



"Mama, I have to blindfold you." Sabi nito. Yumuko naman ako sa kanya para ma- blindfold niya ako. Ano bang kalokohan ito? Pero kinikilig naman ako.



Hawak ni Audrey ang isang kamay ko at hawak naman ni Coco ang isa pa. They guided me down the stairs. Pagbaba sa hadgan naglakad pa kami ng konti. Hindi ko naman nakikita kung saan nila ako dinadala. Maya-maya may narinig na akong music. Pinayuko ulit ako ni Miggy at tinanggal ang blindfold.



"Thanks, kids." Sabi ni Nick sa mga bata at umalis na sila.



Nakita ko si Nick nakasuot ng tuxedo. Oh my god! He's so handsome. Ngumiti siya sa akin. Feeling ko malalaglag na ang panty ko. Inilahad niya ang kamay niya. I took his hand. Tumugtog ang violin.



We started dancing. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya habang nagsasayaw kami.



It's late in the evening; she's wondering what clothes to wear.
She'll put on her make-up and brushes her long blonde hair.
And then she asks me, Do I look all right?
And I say, Yes, you look wonderful tonight.



He started singing. Nakikisabay sa tugtog ng violin. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Iyon yung kanta noong unang beses niya ako isinayaw. Kakakilala lang namin sa party noon. Habang nagsasayaw kami iniisip ko sa sarili ko na balang-araw ikakasal din ako sa lalaking iyon. And look at us now, we're married and we have three wonderful children.



"Do you remember that song?" Tanong niya.



Tumango ako. How can I forget? Hindi nga ako makatulog kakaisip sa kanya nang matapos ang gabing iyon at paulit-ulit kong pinatutugtog ang kantang 'Wonderful Tonight'.



Pagkatapos namin magsayaw umupo kami sa table na nasa gitna ng garden. May mga maliliit na puting ilaw pang naka hang sa puno.



"Idinamay mo pa ang mga bata sa kalokohan mo." Hindi pa rin mawala ang mga ngiti ko sa labi.



"Hindi mo nagustuhan?" Tanong niya.



"Nagustuhan ko." 



Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Pinisil niya iyon. "Cassandra, I love you." 




Napaawang ang bibig ko sa narinig ko. Tama ba ako nang narinig? Nag- I love you ba talaga siya sa akin? Tumayo siya sa upuan niya at lumuhod sa harap ko. He took out a small box mula sa bulsa niya.



"Cass, alam ko nagpakasal na tayo pero gusto kong pakasalan ka ulit... iyon ay kung papayag ka. Let's start all over again. Cassie, will you-" Naputol ang sasabihin niya ng may marinig kaming sigaw.



"Phoenix!" Napalingon kami at nakita namin tumatakbo palapit si Tiffany. Kasunod nito ay ang dalawang guard. Hinawakan ng dalawang guard sa magkabilang kamay si Tiffany.



"Pasensya na, sir. Ayaw magpaawat eh." Sabi ng guard.



"Buntis ako, Phoenix. Ikaw ang ama ng dinadala ko. Huwag mong sabihing hindi mo pananagutan ang batang ito. Nag-aalaga ka nga ng anak ng asawa mo sa ibang lalaki tapos itong sarili mong anak hindi mo pananagutan!" Umiiyak na sabi ni Tiffany.



Marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya. "Thanks for the pleasant surprise!" 




Narinig kong napamura si Nick. Tumakbo ako papasok ng bahay. My husband got another woman pregnant! Gusto kong magwala, gusto ko siyang saktan. Napasigaw ako sa galit ng makapasok sa kwarto ko. Tinabig ko ang lahat ng gamit na nakapatong sa vanity mirror. Hindi ko na kaya ito.



Kumuha ako ng bag at isiniksik ko lahat ng damit na masisiksik ko doon. Ni hindi ko na nga inayos. I just want to get out of here. Narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto.



"Cassie, mag-usap tayo." Narinig kong sabi ni Nick sa labas ng kwarto ko.



Hindi ko siya pinansin. Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha ang bag ko. Nang buksan ko ang pinto nadatnan ko si Nick na nakaupo sa gilid ng pinto ko. Bigla siyang tumayo ng makita ako.



"Cassie, saan ka pupunta?" Tanong niya ng makita ang bag ko.



Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Humarang siya sa harap ko. "Cass, huwag mo kong iwan. Maayos naman natin ito. Kailangan kita, Cass."



"Mas kailangan ka ni Tiffany." Sabi ko. Pinigil ko ang mga luha ko.



"Pananagutan ko pa rin naman ang bata pero hindi naman natin kailangan maghiwalay." Sabi niya.



"Anong balak mo? Ititira mo ang kabit mo dito? Pagsasamahin mo kami sa iisang bubong." Galit na sabi ko.



"No... no, Cass!" 



Itinulak ko siya at nagmamadaling naglakad.



"Cass!" Tawag niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Lumabas ako sa mansyon. Sumakay ako sa isa sa mga kotse niya at pinaandar iyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento