Huwebes, Mayo 30, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Forty Three

Dahil linggo ngayon nagsimba kami ni Nick at syempre kasama namin ang mga bata. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil nagawa namin lampasan ang mga problema at pagsubok na dumating sa buhay namin at sa kabila ng lahat ng iyon, hindi pa rin nawala ang pagmamahal namin sa isa't isa. Mas naging matibay pa ang aming pagsasama ngayon.



Pagkatapos namin magsimba nagpunta kami sa favorite na restaurant namin. Dinala kami ng receptionist sa table na pang-lima. Dati tuwing magdadate kami dito kami lang dalawa, ngayon kasama na namin ang mga anak namin. Nang matapos kaming kumain, umuwi na kami sa mansyon.



"Hi, kids." Sumalubong si Andi sa amin pagpasok ng mansyon. May karga siyang cute na batang lalaki.



"Aunt Andi!" Dali-daling lumapit ang kambal sa kanya at niyakap siya. Yumuko naman si Andi para yakapin ang dalawa.



"May chocolates ako na pasalubong sa inyo. Did you miss me?" Tanong niya.



"Yes!" Sagot naman ng dalawa. She gave them both a kiss.



"Namiss din kayo ni baby Yvo." Si Andi.



"We miss you baby Yvo, too." Coco and Audrey gave him a hug.



"Magkakaron na din kami ng baby." Sabi ni Audrey.



"Really?" Nag-angat ng tingin kay Nick pagkatapos ay nalipat ang tingin niya sa akin. Napasimangot ito at tinitigan ako ng masama kaya nagbaba ako ng tingin.



"Buti naman at nakadalaw ka dito. Kala ko nasa New York ka pa." Sabi ni Nick. Bumalik ang atensyon niya kay Nick.



"Tinapos ko na lang ang kontrata ko doon. Kauuwi lang namin dito kahapon." She said in a cold tone.



"That's good! Bakit nga pala hindi mo kasama ang asawa mo?" Tanong ni Nick.



"May kailangan lang siyang puntahan. Hinatid niya lang ako dito kanina." Sagot niya.



Idinantay ni Nick ang isang kamay niya sa balikat ni Miggy. "Gusto kong makilala mo ang panganay na anak namin ni Cassie. This is Miggy, my son."



Sandaling natigilan si Andi at napatitig sa bata. "He looks exactly like you! Mukha talagang Cordova." Bulalas niya.



Lumapit siya kay Miggy a nginitian ito. "Hi, Miggy. I'm your aunt Andi and this is my son, Yvo, He's your cousin."


"Hello po." Magalang na bati ni Miggy.



"Halika nga dito. Come and give your aunt a big hug!" Sabi ni Andi. Agad naman lumipat si Miggy at yumakap kay Andi.



Umakbay naman sa akin si Nick at nginitian niya ako. "Everything will be alright, babe." Bulong niya sa akin bago ako hinalikan sa noo.






"Anong nangyari sa'yo sa tatlong taon na nawala ka? At bakit ngayon mo lang naisipan sabihin kay Nick ang tungkol sa anak niyo? You had all the time in the world." May bakas na galit sa tinig ni Andi. Nasa patio kami ngayon at nakaupo sa mesa. Nasa loob na ang mga bata at nilalaro ang anak ni Andi habang binabantayan sila ng yaya ni Yvo.



"Wala kang naiintindihan sa mga nangyari. May rason si Cass-" Sinubukang magpaliwanag ni Nick.



"Osige, paintindi mo sa akin kung bakit nagawang iwan ng asawa mo anak niyo at nasikmura niyang lumaki ang dalawang batang walang ina! Kasi kahit kailan hindi ko maiintindihan iyon! Ina ako, Phoenix! I can't even stand not seeing my son for a day." Sabi ni Andi.



"Pwede bang makinig ka muna. Alam kong mahal mo sina Audrey at Coco kaya ganyan na lang ang galit mo pero pwedeng bigyan mo naman kami ng pagkakataon magpaliwanag." Bahagyang nagtaas ng boses si Nick, halatang nag-iinit na rin ang ulo niya.



Hinawakan ko sa braso si Nick at pinisil ko iyon para pahintuin siya. Ayoko naman mag-away silang dalawa.



"Hayaan mong ako ang magpaliwanag." Sabi ko. Tumaas ang isang kilay niya na tila naghihintay ng susunod na sasabihin ko.



"Walang inang gustong iwan ang anak nila pero kinailangan kong gawin iyon. Kailangan kong umalis para mapagamot si Miggy. Nagkaroon siya dati ng leukemia." Pagtatapat ko. Lumambot ang mukha ni Andi.



"Pero bakit hindi mo man lang sinabi kay Nick. Cassie, ilang buwan kayong magkasama." Sabi nito.



"Natakot ako. Akala ko kukunin niya si Miggy kapag nalaman niya. Akala ko kasi anak lang ang gusto niya at kapag nalaman niya ang  tungkol kay Miggy ilayo niya sa akin ang anak namin. I was so stupid." Sabi ko.



"At narinig niya tayong nag-uusap noong nasa party tayo ni dad." Singit ni Nick. "Yung tungkol sa mana at paghihiganti ko sa kanya. Kaya hindi mo dapat isisi kay Cassie ang lahat ng nangyari dahil may kasalanan din ako. Marami din akong pagkakamaling nagawa sa kanya."



Hindi agad nakapagsalita si Andi. She sipped her tea.



"I love both Audrey and Coco, kaya sana maunawan mo kung bakit ako nagkakaganito. They were my first babies." Ibinaba niya ang tasa ng tea niya.




"Alam ko at nagpapasalamat akong may tita silang katulad mo." I smiled at her.



"Masaya ako para sa inyong dalawa at sa mga anak niyo dahil mabibigyan niyo na ng kumpletong pamilya ang mga anak niyo. Sana rin, Cassie, mapatawad mo ako sa maling akala ko sa'yo." Sabi ni Andi.



"Naiintindihan kita." Sabi ko naman.



"At tama ba ang narinig ko kay Audrey kanina na magkakaroon nanaman kayo ng baby?" Tanong ni Andi.



"You heard it right." Pagmamalaki ni Nick.



"Ilang months lang ako nawala, pagbalik ko magkakaroon ka na naman ng anak. Magiging tita na naman ako.." Natutuwang sabi ni Andi.



"Kayo kailan niyo naman balak susundan si Yvo?" Tanong ni Nick.



"Wala pa sa isip ko yan. Baby pa si Yvo, gusto muna namin ituon ang lahat ng atensyon sa kanya saka para nga akong nag-aalaga ng dalawang bata dahil sobrang pa-baby din ng asawa ko." Andi rolled her eyes.



"Sabihin mo naman sa kanya, dumaan siya minsan dito. Para makapag-celebrate kami, ikakasal na ulit kami ni Cassie." Hinawakan ni Nick ang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi. Sandali kaming nagkatitigan ni Nick at napangiti.



"Wow! Talaga? Congratulations. Hindi naman halatang inlove kayo sa isa't-isa ano?" Biro ni Andi. "Naiingit tuloy ako. Para kayong bagong magkasintahan. Sana kasama ko rin ngayon ang asawa ko."



 "Di bale, bumawi ka na lang mamayang gabi." Nakangising sabi ni Nick.



Napahalakhak si Andi. "Loko-loko!"



Matagal pa kaming nagkwentuhan bago nagpaalam si Andi. Halata sa kanya na masaya siya sa buhay niya ngayon, sa pagiging ina. Her face radiated with happiness. Hindi katulad noon na parang palaging malungkot ang mata niya kahit nakangiti siya. At sobrang nakakatuwa siya kasama at kakwentuhan.



Nagbeso siya sa akin. "Sana maging magkaibigan ulit tayo, Cassie."



"Oo naman." Sagot ko sa kanya.



"Na-nay." Pautal-utal na sabi ng bata na karga ng yaya niya. Humahabol ito kay Andi at nagpapabuhat sa kanya.



Kinuha naman ni Andi ang anak niya sa yaya nito. "Say bye bye to aunt Cassie." 



"Buh bye." He waved his cute little hands.



"Give her a kiss, baby." Sabi ni Andi.



Nilapit niya ang ulo niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Mwaa!"



"Aww... Ang cute niya." Ang sarap panggigilan ng batang iyon. Sobrang cute.



"Halika nga kay uncle, Yvo!" Nick extended his arms to the the baby at agad naman sumama sa kanya ito. Binuhat ni Nick si Yvo. He laughed when Nick blew his tummy, giving him a raspberry.



"Sana ganyan din ka-cute ang magiging baby natin." Sabi ko habang nakatingin sa kanila.



"Ano ka ba? Syempre naman, no. Kita mo naman kay Miggy, Coco at Audrey." Sabi ni Andi.



"Tried and tested na yan, babe." Kinindatan ako ni Nick.



Natawa si Andi. "Ang yabang talaga."



"Sige na, we have to go na. Mag-gagabi na rin." Paalam ni Andi. Inabot ni Nick si Yvo kay Andi. Nagpaalam na din si Andi sa mga bata at umalis na kasama ang yaya ni Yvo. Sinundo sila ng driver niya na kanina pa naghihintay sa kanila.



Pagkaalis ni Andi yumakap mula sa likuran ko si Nick. "I love you."



"I love you, too." Lumingon ako sa kanya. Bumaba ang mga labi niya sa akin at sinalubong ko naman iyon ng mga labi ko.



"Mama, can we sleep in your room?" Narinig kong sabi ni Miggy at nagkahiwalay ang mga labi namin. "Laro tayong xbox, dad."



"Sure, game ako dyan!" Sabi ni Nick.



"Ako din, daddy. I want to sleep sa room niyo." Sabi ni Audrey.



"Me, too." Si Coco naman.


"Ok, kasya naman tayong lahat. Malaki ang kama." Sabi ko.



"Paano ba yan, babe? Mukhang di tayo makakapag-love making mamaya." Bulong ni Nick.



"Kapag gusto, maraming paraan." Mapanuksong sabi ko.







Natulog ang mga bata sa kwarto namin kagabi. We had alot of fun. Nag-pillow fight kami, kinulit namin sina Nick at Miggy habang naglalaro sila ng xbox at nanood kami ng movie pagkatapos. But we only let them stay up until 10pm dahil may pasok na kinabukasan. Nang makatulog na sila, nagpunta kami sa bathroom. We took a shower together and we made love sa loob ulit ng banyo.



Maaga akong nagising para magluto ng agahan at ginawan ko na din sila ng mga baon nila. Kahit maraming maid sa mansyon, gusto kong ako ang gumawa nito para kay Nick at sa mga anak namin. Gusto ko ako ang magluluto ng mga pagkain nila at mag-aasikaso sa kanila.



Sabay-sabay kaming nag breakfast pagkatapos ay pinaliguan ko na at inayusan si Audrey at Coco. Si Miggy naman, ayaw niya na ng masyado ko siyang inaasikaso dahil big boy na daw siya. Pagkatapos ko silang bihisan bumaba na kami at naghihintay na si Nick na naka-suit at si Miggy na naka-school uniform. Hinatid ko sila hanggang sa kotse.



"Kiss na kayo sa mommy niyo." Sabi ni Nick.



Naglapitan naman ang tatlo at humalik sa akin.



"Bye mommy." Sabi ng kambal.



"Bye, ma." Paalam naman ni Miggy at humalik ito sa pisngi ko. Pagkatapos ay pumasok na sila sa kotse. Ang dalawang kambal ay umupo sa likod, umupo naman si Miggy sa passenger's seat sa harap.



"Bye, wife. See you, later." Hinapit niya ako sa baywang at inilapit sa kanya. Bumaba ang ulo at hinalikan ako. Sandali lang ang halik na iyon. "Mamayang gabi ulit."



Bigla akong natawa. "Hindi ka pa ba nagsasawa?"



"Hindi ako magsasawa sa'yo." Sagot niya. Bago ako kinindatan at nang-aakit na kinagat ang pang-ibabang labi niya.



"Sige na. Umalis na kayo at baka ma-late ka pa at ang mga bata." Sabi ko.



Pumasok na siya sa kotse at pinaandar ito. Hindi ako umalis ka kinatatayuan ko hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Ako na naman ang naiwan mag-isa sa malaking mansyon na ito. Sabi ko nga kay Nick bigyan ako ng kahit anong trabaho dahil mabobored lang ako sa bahay at may alam naman ako sa pagpapatakbo ng negosyo. Hindi siya pumayag nang una dahil baka mapagod lang daw ako pero pinilit ko siya. Sabi ko naman sa kanya na magtatrabaho lang ako habang nasa ekwelahan ang mga bata pero kapag uwian na nila, susunduin ko na sila at sabay na kaming uuwi. Part-time employee lang ako pero full-time mom pa rin ako. Pumayag naman siya pero mga light na trabaho lang ang pwede kong gawin at kapag nasa five month na ako ng pregnancy ko titigil na daw ako. Pumayag din ako sa gusto niya. Sa ngayon, dito muna ako sa bahay dahil next week pa ako magsisimula.



Tumawag ako kay Jerome at inaya siyang lumabas. I want to share the good news with him sa personal. Agad akong naligo at nagbihis para makipagkita kay Jerome.



"Ma'am Cassie, nasa sala po si ma'am Tiffany." Sabi sa akin ng katulong pagbaba ko.



Biglang nag-init ang ulo ko. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon na pumunta dito! Alam niya naman na nasa trabaho si Nick kaya sigurado ako na ako ang ipinunta niya. Bigla kong naalala na buntis pala ako. Kinalma ko ang sarili ko. Ayoko naman na paglihian ko pa ang babaeng iyon!



Pumunta ako sa sala. Bigla siyang napatayo sa couch ng makita ako.



"Totoo pala na bumalik ka na ulit dito." Nakataas ang isang kilay na sabi niya.



"Natural, asawa ako ni Nick. And it's really none of your business." Mataray na sagot ko.



"Ang asawa mo ang ama ng anak ko." Sabi niya at hinaplos ang tiyan niya.



"That doesn't change the fact that I'm still his wife and you're his ex-mistress." Sabi ko.



"Magkano ba ang kailangan mo para iwan mo na si Phoenix. Another five million? Kaya kong ibigay sa'yo iyon, hayaan mo lang kami maging masaya." Sabi niya.



"Ganyan ka na ba kadesperada? I'm sorry, Tiffany, hindi ko ipinagbibili ang pagiging asawa ko at hindi rin naman magiging masaya sa'yo si Nick dahil kahit kailan hindi ka niya minahal." Mariin na sabi ko.



"That's not true! Mahal ako ni Nick!" Sigaw nito.



"You're delusional. " Naiiling na sabi ko.



"Ibigay mo na siya sa akin! Set him free. Magkaanak na kami. Please, Cassie." Nagpapaawang sabi niya.



"Buntis din ako. Hindi ko ibibigay ang asawa ko sa'yo, kailangan din ng batang dinadala ko ang ama niya. Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security guard para kaladkarin ka palabas dito." Sabi ko at tinalikuran ko na siya.



"You bitch! Hindi pa ako tapos sa'yo! Mapupunta din sa akin si Phoenix!" She screamed. Ngunit hindi ko siya pinansin. Hindi na ako papayag na mawala ulit sa akin si Nick. Alam kong may plano na siya para sa batang dinadala ni Tiffany at handa naman akong tanggapin ang magiging anak nila.

38 komento:

  1. Palaban na si Cassie! :) dapat lang yun. Haha. Di dapat kinakaawaan ang mga tulad ni tiffany na parang super pathetic. Hoho. XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kainis much si Angelie!! Mape pektusan ko yon. Any way, Malakas ang pakiramdam ko na hindi anak ni nick yang bata. Malandi yan eh. Ipa DNA yang bata. :-)

      Burahin
    2. oo nga............ FIGHTING!!!!

      Burahin
  2. kelan kaya aalis si tiffany sa mundong ibabaw Hahaha xD sana maging ma.ayos ng tuluyan sila cassie at nick :'>

    TumugonBurahin
  3. Sino ung asawa ni andi? Bat prng walng nabanggit?

    TumugonBurahin
  4. Sino ung asawa ni andi? Bat prng walng nabanggit?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. it might be Tristan sana tama ako!!!

      Burahin
    2. Sana si Tristan nga! binabasa ko din ung "Former Nerd Turned Sex Goddess" eh (:

      Burahin
    3. true! sna nga, pabitiin kasi si ms author eh :))

      Burahin
    4. Sana si Tristan!! :D Bagay sila eh! :)

      Burahin
    5. ang alam ko hindi si ata tristan kasi nung party nila phoenix hindi naman si tristan yung pinakilala nya kila cassie...

      Burahin
    6. Yup. Ung jason ang ipinakilala nya. Nakakainis nmn. Ms bgy cla ni tristan. >.<

      Burahin
    7. si JAson ang asawa ni andi kasi nagpakasal si ky jason matapos ipalaglag ng parents ni andi ang Baby nila ni tristan.... thats why andi became bitchy... pero gusto ko ang story rin ni andi ... nakakatouch...sinusubaybayan ko din yun...

      Burahin
  5. kapatk talaga ng mukha nung tiffany na un

    TumugonBurahin
  6. Desperada tlga ang tiffaklong na yan ang kapaaal,, >_<
    Be carefull s impaktang yan cassie!

    TumugonBurahin
  7. maganda pala laging binubuntis si Cassie para lagi itong palaban... thanks mucho Raine

    TumugonBurahin
  8. wah nttakot ako pra kay cassie dhil sobra p nmn ang pagkabaliw ni tiffany sana wla msamang mangyari sa pinagbubuntis nia

    TumugonBurahin
  9. Ayan na palaban na si Cassie..Wag mo syanv hyaan gulujin ulit ang buhay nyo...Get lost Tiffany!!kylan kapa ba mgdissaper?..hndi nmn k nick ung bby mo ata ei!!!

    TumugonBurahin
  10. deym! super ganda na!! salamat author!! ang galing2x mo talaga!!!

    TumugonBurahin
  11. Go Cassie! Wag ka papatalo dyan sa bruhang tiffany na yan. ^____^

    TumugonBurahin
  12. langya na tiffany. naman ayan si Cassie. di papatalo. hahaha! :D

    TumugonBurahin
  13. Ganyan nga cassie,hwag n hwag kang patatalo s bruhang iyon.

    TumugonBurahin
  14. nice ud miss author ayaw talaga nila paawat sa making love everyday nayun ah hehehe

    TumugonBurahin
  15. ang kapal talaga ng mukha mo Tiffany you are a bipolar slut bitch whore! get a life your such a junk if i know talaga nagpabuntis ka lang sa iba!

    TumugonBurahin
  16. Ang super kapal ng face ng tiffany na yan hindi lang sya bitch WHORE SYA if i am correctly right anak yan nang gagong naging boyfriend ni cassie bwisit naman napaka bitch talaga nang tiffany na yan

    She's the most bitchest among all the bitch

    TumugonBurahin
  17. HINDI si Nick ang ama! SLUT SI TIFFANY~ Ma reveal sana~~~

    TumugonBurahin
  18. Yay for an update!! <3

    TumugonBurahin
  19. Hahaha mukang kelangan dito ng READ BETWEEN THE LINES AH XDD

    TumugonBurahin
  20. Woah..im proud of u cass, palaban kna at handa kng tanggapin ang anak s labas ni Nick. Pro sna hindi tlga xa anak ni Nick.

    TumugonBurahin
  21. nakakainis yung watty winala na naman yun SWMR!

    TumugonBurahin
  22. NAPAKA EPAL TALAGA NG TIFFANY NAYAN !!! >.<

    TumugonBurahin
  23. akala ko may mangyayari ng ramble hahha! XD tsk. panirang Tiffany =___+

    TumugonBurahin
  24. I think hindi naman anak ni nick yung pinagbubuntis n tiffany malandi yan eh haha ... Malakas kutob ko nde ipa dna dapat pagkatapos ipanganak n tiffany

    TumugonBurahin
  25. Go Cassie. :D

    TumugonBurahin
  26. Kung sana noon pa pinakita ni Cassie ang karapatan nya bilang asawa, NGANGA na yang si Tiffany. HAHAHA.

    TumugonBurahin
  27. Pasabugin ang muka ni tiffany! Kalerki. HAHA. Desperadang babae.

    TumugonBurahin