Huwebes, Mayo 9, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Seven


Ala-una na ng madaling araw. Pinagmasdan ko siyang mahimbing na natutulog. His usual proud, arrogant face has turned soft. Nakita ko sa mukha niya ang lalaking dating minahal ko... and maybe, just maybe, I still love him a little. And I hate myself for feeling this way. I hate that I can't hate him kahit marami akong rason para kamuhian siya. I ran my fingers through his hair. Yumuko ako at hinalikan ko siya sa noo at umalis na ako. Mabuti na lang may napadaang taxi ng makalabas ako doon. Pagkarating ko sa bahay tulog na ang mga tao. Pinuntahan ko si Miggy, I stared at him while he was sleeping. He looks exactly like his father. Hindi mo maipapagkailang anak siya ni Nick. I kissed him good night and went to my room.

 

Kinabukasan...

 

Pagpasok ko sa opisina nandoon na si Nick. Nagkatinginan kami at siya ang unang nagbaba ng tingin. Binalik niya ang atensyon sa computer screen. Maybe, he was too busy to annoy and insult me.

 

Pagkaupo ko sa desk ko napansin ko ang isang cup ng coffee galing sa Starbucks sa dulo ng table. Napatingin ako sa kanya at nang mahuli kong nakatingin siya sakin mabilis siyang humarap sa computer screen.

 

He cleared his throat, "Napadaan ako sa coffee shop kaya binilhan na din kita."

 

"Thank you." Pinilit kong huwag mapangiti. Alam ko maliit na bagay lang iyon pero masaya ako dahil iyon ang unang beses na pinakitaan niya ako ng maganda simula ng magkita ulit kami.

 

"Can you come here please?" Sabi nito. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nakakapanibago naman itong lalaking ito. He's being polite? Ano kayang nakain nito?

 

Kinuha niya ang makapal na binder.

 

"I want you to give this-" Iaabot na sana niya sa akin ang binder ng mapahinto siya. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa hita ko. Nagulat ako ng iangat niya ako skirt ko.

 

"What are you doing?" Pilit kong ibinaba iyon.

 

He pulled it up again. "What is this?"



Napatingin ako sa hita ko. The bruise looks darker than it was this morning. I only noticed it while I was taking a shower. I got it from last night. He was so rough and he gripped my thighs so hard that it bruised.

 

"Ako ba ang may gawa nito?"



Tumango ako.

 

Lumambot ang mukha niya at marahan niyang hinaplos. "I... I'm sorry. Does it hurt?"



"No."



"I'll get you an ice pack." Tatayo na siya ng pigilan ko.



"Mr. Cordova, it's ok."



"Are you sure?"



"Yes. Kanino ko nga ulit ibibigay ang binder na ito?"



"Bring this on the 9th floor. Iabot mo na lang sa secretarya ni Tristan." Sabi nito. Oh, I know Tristan. He's Nick's best friend noon pa. I didn't know he was working here. I haven't seen him.



Nang makarating ako sa 9th floor walang tao sa desk ng sekretarya nito. I decided na pumasok na lang sa opisina niya. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.

 

"Good morning. Wala kasi ang secretary mo kaya pumasok na lang ako."

 

Sandali niya akong pinagmasdan. "Cassie?"

 

"Yeah. Long time, no see." Nakangiting sabi ko.

 

"Cassie!" Ulit niyang banggit sa pangalan ko. Tumayo siya at niyakap ako. "Look at you. You're all grown up now."

 

Tumawa ako.

 

"Mas lalo kang gumanda." Sabi niya.

 

"Thank you. Ikaw din, mas lalo kang pumogi."

 

"Teka, ano pala ang ginagawa mo dito? Does Nick know? Nagkita na ba kayo." Sunod-sunod na tanong niya.

 

"I'm Mr. Cordova's new secretary. Ibibigay ko lang itong binder." Inabot ko sa kanya iyon.

 

Kinuha niya iyon. "Thanks. Anyway, paano ka naging sekretarya ni Phoenix? Hindi ba may negosyo kayo?"

 

 

"Long story." Tipid na sagot ko.



"Are you two dating again?" Tanong nito.



"Oh no, we aren't dating. Anyway, I need to go now. Baka may iuutos pa sa akin ang boss ko." 



"Ok, I hope we could hang out sometime."



Nagpaalam ako sa kanya at bumalik sa office ni Nick. He was surprisingly nice to me the whole day.











Nick's POV


We're hanging out at Wayne's new club bar. Wayne really did took his night club business seriously. His clubs were the hottest clubs in the Philippines. Puro mga sikat na personalidad, mga artista, mga model at mga mayayaman ang pumupunta dito.



"You didn't tell me na may bago ka na palang secretary." Si Tristan. He's a co-owner of the Cordova Corporation. Sa kanya ang 25% na shares ng kumpanya.

 

"I didn't think it was necessary to inform you that I've changed my secretary." Sabi ko.

 

"Are you still in love with her?" Tanong ni Tristan.

 

"I'm not in love with her!" Mabilis na sabi ko.

 

"Ano'ng balak mo kay Cassie?"



"Wala." Sagot ko.



"Wala?"



"Wala nga!"



"Sana nga wala. Sana hindi ka nagbabalak gumanti sa kanya. Dude, matagal na panahon na iyon. Bata pa si Cassie noon. Everyone makes mistakes. Kalimutan mo na ang kasalanan niya sa'yo." Sabi niya.

 

Napaisip ako. Maybe Tristan was right. Panahon na para kalimutan ko ang kasalanan sa akin ni Cassie. I was too hard on her yesterday. I have even physically hurted her. I bruised her thigh. Hindi ko sinasadya iyon, I guess I got too carried away. Pagkatapos ng mga masasakit na nasabi at nagawa ko sa kanya nagawa pa niya akong halikan. Nagising ako ng halikan niya ako sa noo. I just didn't want her to know that I'm awake. Maybe we can start all over again.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento