Biyernes, Mayo 10, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Thirty One


Sabado ngayon at walang pasok ang mga bata. Si Miggy iniwan ko ulit kay Jerome, at least kahit umalis si Jerome nandoon naman ang maid niya para magbantay kay Miggy. Malaki na si Miggy at matalino siyang bata, naiintindihan niya na kung ano ang mga nangyayari. Alam niyang pinupuntahan ko ang mga kapatid niya. During weekdays hinahatid ko muna siya sa school niya bago ako pumunta ng mansyon at sinusundo ko na siya mula sa bahay ni Jerome pagkagaling ko doon. Minsan nga naaawa na rin ako sa anak ko. Dapat parte siya ng pamilyang ito. Kapatid niya si Coco at Audrey at ama niya si Nick pero hindi siya kilala ng mga ito. Hindi naman ako pinakikinggan ni Nick. Minsan nga lang kaming mag-usap galit pa siya palagi. He never listen to me, all he wants to do is fuck. Off niya ngayon at nandito ako sa kama niya nakahiga. We just finished fucking.



"Magbihis ka na at umalis ka na dito baka hinahanap ka na ng mga bata." Malamig ang tinig na sabi niya.



Dahan-dahan akong tumayo sa kama at pinulot ang mga damit ko. He was still lying in bed naked and staring at me as I get dressed. Na-concious ako at tumalikod mula sa kanya.



He chuckled. "Nahihiya ka pa rin? Hindi mo na kailangan tumalikod sa akin dahil nakita ko na yan at sigurado akong maraming lalaki na rin ang nakakita sa katawan mo."




Hindi ko na pinansin ang insulto niya. Talagang kumbinsido siya na isa akong malanding babae na nakikipagtalik sa kung sinu-sinong lalaki. Siya lang ang tanging lalaking nakasiping ko pero siya madami na. Itinulad niya pa ako sa kanya! Siya nga nag-uuwi pa ng babae niya dito sa bahay. Inihaharap pa sa akin at sa mga anak namin. Ang kakapal ng mukha! Tinatanggap ko lang lahat ng ito dahil sa kambal.



Nagmamadaling isinuot ko ang mga damit ko at binayaran niya ako. Everytime we have sex binabayaran niya ako. Nanliliit ako sa sarili ko tuwing tinatanggap ko ang pera niya pero ginagawa ko na lang yun para hindi siya magalit. I don't like it when he's mad. Lalo niya lang akong pahihirapan.



Bumaba ako at nakita ko si Tiffany. Oh great! Nandito na naman ang kabit ng asawa ko.



"Hi, Cassie!" Masayang bati niya at lumapit sa akin para magbeso. I rolled my eyes. Ayokong makipag-plastikan ngayon sa babaeng ito.



"Nasaan si Phoenix at ang mga bata?" Tanong niya.



"Naglalaro si Audrey at si Coco sa playroom, ang asawa ko nasa kwarto niya at nagshoshower. Kagagaling ko lang nga doon eh."  Binigyan diin ko ang salitang 'asawa'.



Nawala ang ngiti niya sa labi. Ako naman ang napangiti sa reaksyon niya.



"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.



"Binibisita ko lang ang boyfriend ko." She said with a bitchy tone



"Pasensya na ha, pinagod ko kasi ang boyfriend mo. Bumalik ka na lang sa ibang araw." I said with an equally bitchy tone.



Nataas ang isang kilay na tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa bago ito naglakad patungo sa hagdan.



"Teka, saan ka pupunta?" Hinablot ko ang isang braso niya bago pa siya makahbang sa unang baitang ng hagdan.



"Sa kwarto ng boyfriend ko." Sagot niya.



Sarkastikong tumawa ako. "At home na at home ka na talaga. Hindi ka pwedeng umakyat! Magkaroon ka naman ng konting hiya sa katawan."



"Get your hands off me!" Mataray na sabi nito. "Hindi mo pwedeng sabihin kung ano ang dapat at hindi dapat na gawin ko. Yaya ka lang naman ng mga bata hindi ba?"



"Baka nakakalimutan mo asawa pa rin ako ng boyfriend na sinasabi mo at ina ako ng mga anak niya. Kabit ka lang!" Sabi ko.



"How dare you?!" Itinaas niya ang kamay niya para sampalin ako at agad ko naman iyon nahawakan.



May isang bagay na bumagsak mula sa itaas at tumama kay Tiffany. Nabasa siya nito. Napatingin kami sa taas at nakatayo sa dulo ng hagdan si Coco. May hawak itong dalawa pang water balloon.



"Bad ka, Tiffany! Inaaway mo yaya Cassie ko." Sabi nito bago ibinato ang isa pang water balloon.



"You evil brat! Magsama kayo ng nanay mong malandi!" Sigaw nito bago nagmartsa paalis.



Nagkatinginan kami ni Coco at pareho kaming natawa. Umakyat ako papunta sa kanya.



"Thank you, Coco, pero hindi pa rin tama yung ginawa mo." Sabi ko.



"I saw her! She was going to hit you." Sabi nito.



"Alam ko pero bad pa rin yun. Huwag mo na uulitin yun. Promise?" 



Tumango siya. "Yaya what does malandi means?"



'"Huwag mong pansinin yung mga sinasabi ng babaeng iyon." Sabi ko. "Nasaan na nga pala ang sister mo?"



"She's playing with her dolls." Sagot nito.



Pumunta ako kasama si Coco sa playroom. Tahimik lang na naglalaro ng barbie si Audrey. Nakipaglaro ako sa kanila. Maya-maya ay pumasok si Nick sa kwarto.



"Daddy, pwede pasyal tayo? Wala ka naman work today." Sabi ni Audrey.



"Yeah! Daddy!" Tumalon-talon si Coco,



"Sure! Saan niyo gustong pumunta?" Tanong ni Nick.



"Magpicnic tayo, daddy!" Sabi ni Audrey.



"Yeah! Picnic!" Nagtatalon si Coco.



"Okay, okay... magpipicnic tayo." Si Nick.



Nagtatalon sa tuwa ang mga bata. Naghanda ako ng pagkain na dadalhin para sa picnic at inayusan ko na ang mga bata.



"Need help?" Tanong ni Nick habang inaayusan ko si Audrey.



"No, tapos na kami." Sabi ko.



Tumango siya. "Let's go."



Sabay-sabay kaming lumabas at sumakay ng kotse. Nasa passenger's seat ako habang ang kambal ay nakaupo sa likod sa car seat nila.







Nasa La Mesa Eco Park kami at naghahabulan ang dalawang bata. Sinusundan ko naman sila at nakangiting nakatingin sa amin si Nick.



"Audrey, Coco, huwag masyadong lalayo." Sabi ko sa kanila.



Tumakbo sila palapit sa akin.



"Yaya, pahinging water." Hingal na hingal si Audrey. Kumuha si Nick mula sa bag na hawak niya at binuksan iyon.



"Here, baby." Inabot ni Nick kay Audrey iyon.



"Ikaw, Coco. Gusto mo din ng water?" Tanong ko.



Tumango ito. "Yes, please!"



Binigyan din siya ni Nick ng water bottle.



"Kita niyo na takbo kayo ng takbo yan tuloy pawis na kayo." Sabi ko. Sinimulan kong punasan ang mga pawis nila gamit ang bimpo.



Nagulat ako ng punasan ni Nick ang noo ko. "Ikaw din. Pawis ka na."



"A-ako na. Thank you." Naiilang na sabi ko at kinuha sa kanya ang bimpo at isinampay sa balikat ko. Pagkatapos ay pinulbusan ko sila.



Nagsimula kaming maglakad sa park. Hawak ni Nick ang kamay ni Coco habang nakahawak naman si Audrey sa kamay namin ni Nick. Darating pa kaya ang araw na makakasama namin si Miggy. Napabuntong-hininga ako ng maisip ko siya. He always get left out.



"Anong iniisip mo?" Tanong ni Nick.



"Ah, wala." Sagot ko.



"Daddy! Daddy! Tignan mo may boat dun?" Hinatak ni Coco ang kamay ng ama niya. "Pwede ba tayong sumakay sa boat daddy?"



"Gusto kong sumakay sa boat, daddy." Sabi ni Audrey.



Sumakay kami sa bangka. Enjoy na enjoy ang dalawang bata habang pinanonood nila ang mga bibe nagtatampisaw sa tubig. Pagkatapos sumakay sila sa kabayo, nag-zipline at nagbike. Sana ganito na lang kami palagi. Masaya. Hindi yung away kami ng away ni Nick.



Nang magutom ang mga bata nag-aya na silang kumain. Umupo kami sa isang picnic table at kinain namin ang ginawa kong pagkain.



"Sana ikaw na lang mommy namin, yaya Cassie." Sabi ni Audrey habang nginunguya ang sandwich.



Nabulunan si Nick sa kinakain niya. Agad ko naman siyang inabutan ng inumin.



"Ikaw na lang kaya ang mommy namin habang hindi pa bumabalik yung totoong namin na mommy." Sabi ni Coco.



"Pwedeng tawagin ka namin na mommy?" Tanong ni Audrey.



Napatingin ako sa kanya na tila humihingi ng permiso. He gave a slight nod. Sa sobrang saya ko naramdaman ko ang luha ko na naiipon sa mata ko.



"Oo naman." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.



"Yay! May mommmy na tayo!" Masayang sabi ng dalawa at niyakap nila ako.



Habang yakap-yakap ko sila napatingin ako kay Nick na tahimik na nakatitig sa amin. I mouthed  'Thank You' to him and he smiled.



Pagod na pagod na ang mga bata. Magdidilim na at naglalakad na kami papunta sa kotse. Karga-karga na ni Nick si Audrey habang ang isang kamay niya ay nakahawak kay Coco at hawak-hawak ko naman ang kabilang kamay ni Coco.



"Di ba ang daddy at mommy naghohold hands?" Inosenteng sabi ni Coco at pinagdikit niya ang kamay namin. Bago ko pa mabawi iyon mahigpit na hinawakan ni Nick ang kamay ko.



"Mommy, karga." Itinaas ni Coco ang kamay niya at binuhat ko siya. Buhat-buhat ko si Coco sa right side ko habang magkahawak pa rin ang kamay namin ni Nick. Parang nakikiliti naman ang puso ko. Para akong teenager na kinikilig sa loob-loob ko. Why does he still have the same effect on me?



Tulog na ang dalawa ng inilapag namin sila sa car seat.



"Did you have fun?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho.



"Oo naman." Sagot ko at tinitigan ko siya. "Salamat, Nick, pinayagan mong tawagin nila akong mommy." 



"Ikaw naman ang ina nila. You don't have to thank me." Sabi niya.



Maya-maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ko.



"Paano ang mga bata?" Nilingon ko ang dalawa na mahimbing ng natutulog.



"Ako na ang bahala sa kanila. Alam kong pagod ka na, magpahinga ka na." Sabi niya.



"Ok, I'll just kiss them goodnight." Sabi ko at lumabas ng kotse. Binuksan ko ang pinto sa likod ng kotse at hinalikan ko ang dalawang bata. Pagkatapos ay isinara ko na ang pinto. Paglingon ko nasa likod ko na pala si Nick.



"Ako. Wala ba akong kiss?" Pabirong sabi niya.



Tumingkad ako at hinalikan ko siya sa labi. Dapat smack lang iyon pero hinapit niya ang bewang ko. Matagal kaming naghalikan. Pumulupot ang mga kamay ko sa kanyang leeg. Madalas kaming maghalikan but it was always a wild savage kiss. Hindi tulad ngayon, maingat ang paghalik niya na para bang ninanamnam ang mga labi ko. We were both breathless ng maghiwalay ang mga labi namin. He rested his forehead on mine.







"Good night." Sabi niya.



"Good night." Ako.



He gave me a gentle kiss on the forehead. Tumalikod ako sa kanya at naglakad papasok sa bahay. Ang saya-saya ko ngayon para akong nakalutan. Totoo bang nangyayari ang lahat ng ito? Pagbukas ko ng pinto napangiti agad ako.



"Hoooy babae!" Nagulat ako sa boses ni Jerome.



"Rome!" Nakangiting sambit ko.



"Nakita ko ang eksena niyo ng NIck na yan. Kumekerengkeng ka na naman. Naku!" Sabi ni Jerome.



Namula ang pisngi ko. "Nakita mo yun?"



"Aba syempre! Maghalikan ba sa labas? PDA!" Umirap si Jerome. "Ang saya-saya niyo siguro ngayon. Happy family. Kelan mo sasabihin ang tungkol kay Miggy. Ano? Habang buhay mo itatago si Miggy at ipagkakait ang ama niya. Ama niya yun, ina ka niya, kapatid niya ang kambal. Bakit hindi siya pwedeng maging parte ng pamilya niyo?"



"Gusto kong sabihin kay Nick, Rome, pero sa tuwing magsasalita naman ako hindi niya ako pinakikinggan. Hayaan mo susubukan ko ng sabihin sa kanya." Sabi ko.



"Aba! Dapat lang! It's about time. Kawawa na ang inaanak ko." Jerome rolled his eyes. Mahal na mahal niya talaga si Miggy at hindi niya hahayaan 'maapi' ito.



"Hi, mama!" Lumapit sa akin si Miggy at niyakap ko siya.



"Nag-enjoy ka ba kasama si tito Jerome mo?" Tanong ko.



"Yes, mama.  Nagpunta kami sa arcade ni ninong and then we ate at a restaurant." Kwento niya.



"Tayo naman ang magbobonding bukas." Sabi ko at pinisil ko ang ilong niya.



Sana masabi ko na kay Nick ang tungkol sa anak namin. Gusto kong magkaroon ng buong pamilya si Miggy. Kailangan ko na maghanda sa mga sasabihin ko kay Nick at kay Miggy. Marami akong dapat ipaliwanag sa kanilang dalawa. Ibig sabihin kailangan ko na din sabihin sa kanya ang tungkol sa pangagahasa niya sa akin. I don't know how Nick will take this. Kung maniniwala ba siya o hindi. He thinks I'm a liar. Lahat ng sasabihin ko kasinungalingan. Wala pa siyang natatandaan sa ginawa niya sa akin noon. Sana man lang maramdaman niyang anak niya si Miggy.

6 (na) komento:

  1. selfish bitch !!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yeah right. Sure she is. Puro sex lang ang alam. Tagal tagal na eh hindi pa rin nagtatapat. bobi eh ><

      Burahin
    2. marame shang nging time before she left out the country but he didn't grab it! bobits -.-

      Burahin
    3. Basa lang kasi kayo ng basa. Hindi niyo iniintindi. Put yourselves in the situation bitches

      Burahin
    4. Shut up nga kayo, makabitch naman kayo kay cassie. May nagsabi pa ng bobits eh wrong pronoun usage naman! 'He' daw samantalang halata namang 'babae' ang tinutukoy. Idiot! Hindi naman s*x yun eh, its called 'making love' kapag mahal mo siya. Pathetic, pareho naman silang may mali, eh sa nakakatanga talaga magmahal eh. Pabayaan niyo sila! Kapag hindi nangyari ang mga bagay na yan edi tapos na ang kwento? Kayo ba ang author?!

      Burahin
  2. hindi rin naman kasi nakikinig si nick kaya di niya masabi-masabi -_-

    TumugonBurahin