Biyernes, Mayo 10, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Twenty Seven


"Cassie!" Narinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses. Tumingin ako sa paligid ko at nang makita ko si Jerome na kumakaway nagliwanag ang mukha ko. Nasa NAIA airport na kami. Nakauwi na kami sa Pilipinas. Kanina pa nga ako hindi mapakali sa eroplano.



Lumapit ako sa kanya at yumakap. I missed my best friend so much. Namiss ko yung bonding namin at yung mga kalokohan niya.



"Ang laki laki na ng inaanak ko." Sabi ni Jerome ng makita si Miggy. "Marunong pa ba ito magtagalog, Cassie? Baka ma-nose bleed ako!"



"Oo naman." Nakangiting sabi ko, Pinalapit ko si Miggy.



"Halika nga dito, Miggy! Hindi mo na ba ako natatandaan?" Tanong ni Jerome.



"Of course, I still remember you, ninong." Sabi ni Miggy.



"Give me a bear hug!" Si Jerome. Yumakap naman si Miggy sa kanya.



Pagkagaling sa airport pumunta kami sa dating bahay namin.



"Ma, I'm tired. I'm going to my room." Sabi ni Miggy.



"Sige, magpahinga ka na." Sabi ko naman. Naiwan kaming dalawa ni Jerome.



"Ano na ang balak mo, girl?" Tanong niya.



"Gusto ko lang munang makita ang kambal. Saka ko na iisipin kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang tungkol kay Miggy." 



 "Handa ka na ba harapin ang galit ng asawa mo?" 



I sighed. "Bahala na."










Kinabukasan nagpunta ako sa mansyon ni Nick. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko bawat hakbang ko papunta doon. Nang marating ko na ang gate ng mansyon pinidot ko ang door bell. Sigurado akong galit na galit si Nick sa akin dahil kumuha ako ng limang milyon sa kanya. I'm sure I won't get a warm welcome from him.



"Good afternoon po. Ano pong kailangan niyo?" Tanong ng boses sa doorbell intercom.



"Nandyan ba si Ni... Phoenix Cordova?" Tanong ko.



"Sorry, ma'am. Nasa trabaho pa si sir. Sino po ba sila?" 



"Ako si Cassandra Cordova. Asawa niya ako." Sagot ko.



"Ah sandali lang po, ma'am. Tatawagin ko lang ang mayordoma. Bago lang kasi ako dito." Sabi nito.



Makaraan ang ilang segundo nagbukas ang gate. May sumalubong sa akin na maid.



"Pasensya na po, ma'am. Hindi ko naman alam na asawa ka ni sir Phoenix." Hingi nito ng tawad.



I smiled at her. "It's ok."




Pinapasok niya ako sa mansyon.



"Ma'am Cassie." Nakangiting sinalubong ako ng isa pang katulong. "Kamusta na po kayo? Ang tagal niyong nawala."



"May kinailangan akong asikasuhin. K-kamusta na si Nick at ang kambal?" Tanong ko.



"Maayos naman sila. Akala ko nga hiwalay na kayo ni sir Phoenix kasi may dinadala na siyang babae dito, si ma'am Tiffany. Mas gusto ko pa rin kayo syempre kasi masungit si ma'am Tiffany. Ma'am huwag niyong sasabihin sa kanya yun o kay sir Phoenix." Sabi nito.



Pinilit kong ngumiti kahit gusto ko ng maluha sa narinig ko. May iba na si Nick... Wala akong karapatan umiyak o magselos. Kasal lang kami pero hindi siya sa akin kahit pa noon. He never loved me.



 "Don't worry, I won't." Sabi ko na lang.



"Ma'am gusto mo po ng coffee, tea, juice?" Tanong nito.



"No, thanks. Hihintayin ko na lang si Nick at ang mga bata? Nasaan nga pala ang kambal?" Tanong ko.



"Nasa school pa sila. Pauwi na yun. Maaga uuwi si sir Nick dahil siya ang magsusundo kila Coco at Audrey. Umalis na kasi yung yaya nila." Sabi niya.



Makaraan ang ilang minuto. Narinig ko na ang dumarating na kotse. Sigurado akong si Nick iyon. Lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya pag nakita niya ako. Kakaibang magalit si Nick.



Bumukas ang pinto. Tumatakbong pumasok ang dalawang bata mula sa pinto. Isang batang lalaki at isang batang babae. Pumatak ang luha ko ng makita ko sila.



"Kids, don't run." Narinig kong sigaw ni Nick.



Huminto ang dalawa at napatingin sa akin ng mapansin ako. Pinahid ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti.



"H-hi." Basag ang boses na sabi ko.



Ngumiti si Audrey sa akin at tinitigan lang ako ni Nicholas. Tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap ko sila.



Pumasok si Nick at para itong nakakita ng multo ng makita ako.



"Get away from my kids!" Inilayo niya ang mga bata sa akin. Tinawag nito ang katulong.



"Iakyat mo si Audrey at Coco." Utos ni Nick sa katulong.



Sumunod ito at kinuha ang dalawang bata.



Tinitigan ako ng matalim ni Nick. "Anong kailangan mo?"



"Nick, I'm sorry." Umiiyak na sabi ko.



"Ubos na ba ang limang milyon kaya bumalik ka dito?"  



"Nick, hayaan mo muna akong magpaliwanag." 



"Hindi mo na mabibilog ang utak ko, Cassie. Ilang beses mo na ko ginago. Umalis ka dito." Marahas nitong hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako papunta sa pinto.



"Nick, please!" Humawak ako sa pinto.



"Umalis ka na bago pa kita masaktan!" Nanlilisik ang mga mata nito.



"Edi saktan mo ako! Basta hayaan mo lang akong makasama ko ang mga anak ko." 



"Hindi mo sila anak. Akin lang sila."



"Nick, nagmamakaawa ako sa'yo." Lumuhod ako sa harap niya.



"Hindi mo ako madadaan sa mga arte mo. Get out of my house!" Hinablot niya ang buhok ko sa likod at itinayo ako. Kinaladkad niya ako palabas ng bahay habang hatak niya ang buhok ko at marahas itong binitawan. Napasubsob ako sa sahig.



"Huwag na huwag ka ng babalik dito!" Sabi niya bago tumalikod at pabagsak na isinira ang pinto.



Pinilit kong tumayo at kumatok ako sa pinto. Hindi ako titigil hangga't hindi niya ako pagbuksan ng pinto. Lumapit ang dalawang security guard sa akin.



"Ma'am, pasensya na pero kailangan mo na umalis." Sabi ng isang security guard.



"Hindi ako aalis dito. Gusto kong makita ang mga anak ko." Umiiyak na sabi ko.



"Ma'am, pasensya na talaga." Hinawakan ng isang security guard ang isang kamay ko at ang isa naman ay humawak sa kabila. Pilit nila ako inilabas sa gate.




1 komento:

  1. Ang bilis mo Ms. Rain...at the same time ang galing ng pagkakaedit mo ng video.. 2 thumbs up for u Ms. Rain!!!

    TumugonBurahin