Biyernes, Mayo 10, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Thirty Nine


Ilang araw na kami hindi nagkikita ni Nick. Araw-araw akong pumupunta sa mansyon pero palagi siyang wala. I'd be lying if I said I don't miss him. Kasi namimiss ko na siya ngayon. Ito naman ang gusto ko di ba? Hindi ko mabilang kung ilang beses siya humingi ng tawad sa akin at sinuyo ako. But I pushed him away.



"Ma, why do you always look so sad?" Tanong ni Miggy.



Napatingin ako sa kanya at pinilit ngumiti. "Pagod lang ako."



"You're always tired. Hindi ka na nga nakikipaglaro sa amin. Are you sick?" May pag-aalalang sabi niya.



"Ok lang ako, baby. Huwag mo ako alalahanin." Sabi ko.



"Hindi ka pa din matutulog dito, mommy?" Lumapit sa akin si Coco.



"Hindi pa sa ngayon." Napabuntong hininga ako.



"Sana bumalik ka na dito kasi palagi naman wala si daddy." Audrey pouted.



"Baka busy lang si daddy sa work. Pwede naman kayong matulog sa bahay kung papayag ang daddy niyo." Sabi ko.



"Doon din matutulog si daddy? Tapos magwawatch ulit tayo ng movie tapos maglalaro tayo?" Masayang sabi naman ni Coco.



"No, hindi na pwedeng matulog ang daddy niyo sa bahay." Sabi ko.



"Magkaaway pa din kayo ni daddy. Is that why you're sad?" Tanong ni Miggy.



"No, Miggy, hindi kami magkaaway ng daddy niyo. May kailangan lang kaming ayusin." Dahilan ko.



"Maghihiwalay na din ba kayo. Like my classmate's parents." Malungkot na sabi niya. Hindi naiintindihan ng kambal ang sinasabi ni Miggy kaya hindi nila ito pinansin at nagpatuloy sa paglalaro. Pero si Miggy, may alam na siya sa mga nangyayari at alam kong nasasaktan siya.



I bit my lips. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kanya iyon.



"Mawawalan na naman ba ako ng daddy kapag naghiwalay kayo?" Pinipigil niya ang mga luha niya. My poor baby. Pati siya nahihirapan sa sitwasyon namin ni Nick.



Hinawakan ko siya sa magkabilang kamay. "Listen, kahit magkahiwalay kami ni Nick, daddy mo pa din siya. Hindi magbabago yun."



Pinunasan ko ang luha niya. Nasasaktan akong makitang nagkakaganito si Miggy dahil sa mga nangyayari. I know it's bothering him too. He's old enough to understand what's happening around him. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.



Napakain ko na ng hapunan ang mga bata. Nilinisan ko na din ang kambal at binihisan ng pantulog. Nasa kwarto na ako ng kambal at binasahan sila ng bedtime story. Nakatulog na ang mga bata at nakahiga pa rin ako sa tabi ni Audrey at hinahaplos-haplos ko lang ang buhok niya. Nasa kabilang kama naman si Coco at si Miggy ay may sariling kwarto niya. Naramdaman ko na lang tumulo ang luha ko. Tama nga ba ang ginawa ko? Tama ba itong desisyon ko? Naguguluhan ako. I was really hurt ng malaman ko na nabuntis ni Nick ang kabit niya. Pinagbabantaan pa ni Tiffany ang buhay ng baby nila. Yung mga panahong iyon, yun ang tingin kong tama. Pero ngayon gusto kong pagsisihan iyon dahil pati si Miggy naaapektuhan din.



Napabalikwas ako ng marinig ko ang kotse ni Nick. Tumingin ako sa orasan. Eleven o'clock na pala, sa lalim ng iniisip ko hindi ko na napansin ang oras. I decided to go downstairs para makauwi na din ako. Sakto naman pagbaba ko, nagbukas ang pinto at pumasok ang gegewang-gewang na si Nick. Lasing na lasing ito.



"Cass?" Sabi niya ng mapatingin sa akin. Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan ko siya. Parang babaliktad ang sikmura ko sa amoy ng alak.



"Nag-drive ka ng lasing? Nagpapakamatay ka ba?" Galit na sabi ko. Ni hindi nga ito makalakad ng maayos.



"Cassie, mahal kita..." Sabi niya. Mahal na mahal din kita, Nick.



"Halika na nga, iaakyat na kita." Pasuray-suray kaming naglakad. Ang bigat naman kasi ng lalaking ito. Hingal na hingal ako ng makarating kami sa kwarto niya. Hiniga ko siya sa kama at tinanggal ang sapatos niya.



"Ikaw huwag mo na nga uulitin yan! Isipin mo naman ang mga anak natin, masyado pa silang bata para mawalan ng ama." Sabi ko.



"Cassie, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita." Sabi nito.I started unbuttoning his shirt. Hinatak niya ako dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya.



"Nick, ano ba?" Naiiritang sabi ko. Tumayo ako at kumuha ng bimpo sa banyo at binasa iyon ng malamig na tubig. Bumalik ako sa kama niya at ipinunas sa kanya iyon. Sinimulan ko siyang punasan sa mukha pababa sa leeg.



"Cassie, I'm sorry I couldn't make you happy." Bigla siyang nagsalita. Akala ko kasi natutulog na siya. Nahinto ako sa pagpunas sa kanya. "I love you and I'm so, so sorry. Akala ko magiging madali na ito sa akin dahil ilang beses na tayong naghiwalay. Pero hindi. Masakit pa rin. I can't handle losing you."



Gumapang ang mga kamay niya sa likod ng ulo ko at hinila ako papunta sa kanya. Naglapat ang mga labi namin. Amoy alik ang bibig niya. The taste of whiskey filled my mouth as he deepened our kiss. Mabilis kong inilayo ang labi ko. That made me absolutely nauseous. Agad akong tumakbo sa banyo. Nasusuka ako pero wala naman lumalabas.



Hindi naman ako ganito dati. I never liked the smell of alcohol pero natitiis ko naman iyon. Nahahalikan ko naman siya dati kahit nakainom siya ng hindi tumataob ang sikmura ko. Sensitive lang naman ang pang-amoy ko kapag... kapag buntis ako. I chewed on my lower lip. I still haven't had my period. Ngayon ko lang iyon naisip. At kahit kailan hindi gumamit si Nick ng proteksyon kapag nagtatalik kami. Naghilamos ako at nagmumog. Pagbalik ko sa kwarto tulog na tulog na si Nick.



Humiga ako sa tabi niya at umunan sa dibdib niya. Hindi pa naman siguradong buntis ako. Kailangan siguraduhin ko muna bago ko sabihin kay Nick. Kawawa naman ang batang dinadala ko kung sakali. Madadamay pa siya sa gulong ito.



Hindi ko namalayan nakatulog pala ako kagabi. Hindi na ako nakauwi dahil nahihilo. I'm still in Nick's bedroom pero wala na siya paggising ko. Napaupo ako at nag-inat. Pagkatapos ay tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Hahawakan ko pa lang ang doorknob ng bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Nick na may hawak na bed tray. Syempre may mga pagkain na nakapatong doon.



"Gising na pala si mommy." Lumingon si Nick sa likod niya. Nakasunod sa kanya ang mga anak namin.



Umurong ako para makapasok si Nick. Nagtakbuhan ang mga bata na nakapajama pa at nagtatalon sa kama.



"Kumain ka na." Inilapag ni Nick ang tray sa coffee table. Meron kasing couch at coffee table sa kwarto niya.



"Nick, huwag mo na uulitin yung ginawa mo kagabi. Paano kung naaksidente ka?" Galit na sabi ko nang maalala ko na umuwi siya ng lasing kagabi.



"Wala naman nangyaring masama sa akin. May mabuti pa ngang naidulot iyon." He smiled.



"Hindi ako nagbibiro." Inirapan ko siya.



"Ang sungit mo naman. Sige na, hindi ko po na uulitin yun, ma'am." Natatawang sabi niya. "Kumain ka na. Baka lumamig na pagkain mo."



"Si daddy nagluto niyan." Sabi ni Audrey.



Tumingin ako kay Nick at kinindatan niya ako. "Sabi nga nila 'a way to a man's heart is through his stomach'. Baka ganun din sa mga babae."



Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang ngiti. Ang cute kasi ng kakornihan niya. Sinimulan ko na kainin ang niluto niyang pagkain.









"You look rather happy today." Pansin ni Stefan. Kagagaling lang namin sa sine at nag-iikot kami sa mall. Kapag magkasama kami I feel like I'm just hanging out with a friend. I see him more as a friend than a boyfriend. "What's the good news?"



"Wala naman." Sabi ko.



"Really? Kasi noong mga nakaraang araw palagi kang tahimik. Pero masaya din ako na bumalik ka na sa dating ikaw." Nakangiting sabi niya.



Habang naglalakad kami may nakita akong isang baby botique store. Sandali akong tumigil sa harap nun. Naalala ko ang nangyari kagabi. Naalala kong baka buntis ako.



"May gusto ka bang bilhin?" Tanong ni Stefan.



"Ah, wala. May naalala lang ako." Sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.



Hindi na naalis sa isip ko iyon. Hindi ko alam kung paano sasabihan kay Stefan na buntis ako kay Nick. O kaya huwag ko na sabihin at makipaghiwalay ako sa kanya. Ayokong masaktan siya dahil naging mabait naman siya sa akin. Pati tuloy siya nadamay. Mali ang desisyon ko na sagutin siya. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Sa galit ko kay Nick at kay Tiffany. Hindi ko ngayon alam kung paano ako makikipaghiwalay sa kanya ng hindi siya nasasaktan.











Napagdesisyunan kong bumili na ng pregnancy test para hindi na ako manghuhula kung buntis ba talaga ako o hindi. Pero sure na sure na ako na positive ang lalabas doon. Dalawang beses na ako nabuntis kaya alam ko at nararamdaman ko. Kailangan ko lang ma-confirm.



"Ano girl?" Tanong ni Jerome sa labas ng banyo.



"Wala pa." Sagot ko. Ilang sandali pa lumabas ang dalawang pulang linya. I'm pregnant. Lumabas ako ng banyo at lumapit sa akin si Jerome. Walang sabi-sabing ibinigay ko sa kanya ang pregnancy test.



"Oh my god! Buntis ka na naman!" Bulalas niya. "Hayop talaga yung Nick na yun! Sharp shooter!"



Tumingin sa akin si Jerome. "Bakit parang di ka yata masaya? Ayaw mo ng baby. Akin na lang. Gusto ko yung batik-batik."



"Hindi naman sa ayoko. Ang gulo pa kasi ng sitwasyon namin. Nahihirapan na nga pati si Miggy. Alam mo yun?" I sighed.



"Kasi naman di ba! Magkano lang condom at contraceptives. Ang yaman-yaman niya hindi siya makabili nun. Yan tuloy si misis at si mistress jontis." Sabi  ni Jerome.



"Paano na nga pala si Stefan?" Tanong niya.



Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam kung paano ako makikipaghiwalay sa kanya."



"Tell him the truth. Ano? Hihintayin mo pang lumobo na ang tiyan mo bago mo pa sabihin sa kanya. Tell him ASAP!" Sabi niya.



Tumango lang ako. Tama siya kailangan ko na sabihin ito kay Stefan. Wala naman ibang paraan para sabihin ko sa kanya. Patagalin ko man ito o hindi masasaktan at masasaktan siya. Ngayon pa lang kinakahaban na ako. Bukas na bukas din ay kakausapin ko siya.



Tinawagan ko si Stefan at sinabi kong magkita kami bukas.Agad naman siyang pumayag. Kinabukasan nagkita kami sa isang restaurant.



"Bakit ang tahimik mo na naman? Sabi mo may sasabihin ka sa akin hindi ba?" Tanong niya.



"Ah, mamaya na lang." Sabi ko. Ang dami kasing tao. Naiilang ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya at hindi ko din alam kung ano ang magiging reaksyon niya.



Pagkatapos namin kumain, nag-aya siyang mamasyal. Hanggang sa inabot na kami ng gabi sa pamamasyal. I don't have the guts to tell him.



"Let's talk privately. Sa bahay na lang tayo mag-usap." Sabi ko.



He smiled at me. "Sure, baby." 



Sumakay kami sa kotse niya at dinala niya ako sa bahay. Kinakahabahan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. I have never broken up with anyone before. Si Nick lang naman kasi ang naging boyfriend ko.



"Upo ka muna. Anong gusto mo? Gusto mo ba ng tubig, coffee or-" 



Hinatak niya ang kamay ko at inupo ako sa tabi niya. "Ano bang sasabihin mo?"



"Uhm... Kasi, ano eh..." Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito. Hinawakan ko ang kamay niya.



Before I could say anything hinalikan niya ako. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan iyon. Hindi agad ako nakagalaw. He kissed me forcefully. Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa dibdib niya at pilit siyang itinulak pero mas malakas siya.  The pressure of his lips force mine open. He slipped his mouth inside. Dinaganan niya ako at napahiga kami sa couch. Bumaba ang halik niya sa leeg ko.



"Stefan, stop! Please!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin. He was kissing and sucking at my neck. Naramdaman kong nasa ibabaw na ng dibdib ko ang isa niyang kamay.



"Nooo... Please, don't." Pagmamakaawa ko. He squeezed my breast. Oh God, help me!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento