Huwebes, Mayo 9, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Twelve


"Carry my luggage." Sabi ni Andi sa akin. Nasa airport na kami. I'm glad walang revelation ang naganap dahil hindi pa ako handa. Besides, pag nalaman ni Nick ang tungkol kay Miggy kukunin niya sa akin ang anak ko. Ayun lang naman talaga ang pakay niya sa akin. Gusto lang niyang magkaron nang anak. Speaking of anak, I might be pregnant again. What am I going to do with this baby kung buntis nga talaga ako? Itatago ko na naman kay Nick? I can't afford to have another child. Marami akong gastusin. Mahal ang mga gamot ni Miggy. Last week nga kinuha na nang bangko ang kotse ko. How am I going to raise this child?



"Cassie, I said carry my luggage!" Pasigaw na sabi ni Andi.



"I'm sorry." Sabi ko at binitbit ang luggage nito. I'm already carrying her luggage and my luggage. Nahuhuli ako sa paglalakad dahil sa bigat nang mga dala ko.



"Hurry up! Pag nawala mo yang luggage ko, mawala ka na rin. Mamahalin ang mga damit na nasa loob niyan." Sabi nito.



Ang antipatika ng babaeng ito! Siya kaya magbuhat ng sarili niyang luggage para hindi mawala sa kanya. Kaya lang siguro ako sinama ni Nick dito para magbuhat nang mabigat na luggage ng bruhang iyan!



"Aaay!' Napasigaw ako nang madapa ako.



Napalingon ang dalawa sa akin.



"Oh my god! My louis vuitton luggage!" Agad na tumakbo si Andi. Dinampot nito ang luggage niya habang si Nick ay nakatingin lang sa amin.



"Pasalamat ka walang sira ang luggage ko. This cost a fortune." Sabi ni Andi. Inilahad nito ang kamay niya sa akin.



"Come on, get up! Mahuhuli tayo sa flight!" Sabi nito. Hinawakan ko ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo. Kahit papaano pala may konting kabaitan din ang bruang ito.



"I'll carry my luggage since your too clumsy to do it! Gosh, simpleng bagay na lang di mo pa magawa." Inis na binuhat nito ang luggage.



Napahawak ako sa tiyan ko. Sana hindi nasaktan ang baby ko. I know I'm still not sure if I'm pregnant pero ayokong may mangyaring masama sa baby ko kung sakaling may dinadala na nga ako.



"Is something wrong?" Tanong ni Nick.



"Nothing." Sabi ko at nagpatuloy ako sa paglakad.



Nakatulog ako sa eroplano kaya paglapag namin sa Malaysia. I feel refreshed after a 3 hour sleep. May sumundo sa amin na limousine at ibinaba kami sa hotel.



"I'm going shopping. Ciao!" Sabi ni Andi na nasa loob pa rin nang limousine.



"Ok, have fun." Sabi ni Nick.



Pumasok kami sa hotel at nagpunta sa reception area. Dalawang hotel room lang ang kinuha ni Nick. Is he going to sleep with Andi tonight? What do I care? I'm just his secretary. Matuto kang lumugar, Cassandra!



"This is your room, ma'am." Sabi ng bellboy. Binuksan niya ang kwarto gamit ang keycard at ipinasok ang mga gamit ko. Binigay niya sa akin ang card at umalis na.



I looked around the room. Ang laki nang kwarto at ang ganda nang view. Tanaw ko ang buong siyudad. Pero hindi ko magawang ma-enjoy ang view dahil hindi pa rin maalis sa isip ko na baka buntis ako. Pasalampak akong nahiga sa kama. I haven't had my period this month, I was too busy to notice it. Kailangan ko na talagang bumili ng pregnancy test para sa ikatatahimik ng isip ko. May nadaanan kaming pharmacy kanina na malapit sa hotel. Pupunta ako ngayon doon.



Tumayo ako at lumabas nang kwarto.





"Cassie." Kalalabas lang din ni Nick sa kabilang kwarto. "Saan ka pupunta?"



"Uhm, mamasyal." Sabi ko.



"Sumama ka sakin, may meeting ako ngayon." Sabi nito.



Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Pagkalabas namin ng hotel may naghihintay na kotse. Nakipag-meeting siya sa malalaking investors ng Malaysia. Plano niya palang magtayo ng mall dito. Nick really has gone a long way.



Pagkagaling sa meeting dumiretso kami sa Pavillion mall at kumain sa restaurant doon.



"You're so quiet." Sabi ni Nick.



"I'm sorry. Wala akong maisip na sabihin."



"May problema ka ba?"



Umiling ako.



"Spill it out."



"Wala nga!"



Hindi na siya nangulit pa. Tahimik kaming kumain. Pagkatapos namin kumain nag-aya siyang mamasyal. Nang madaanan namin ang isang toy store agad kong naalala si Miggy. Nangako akong ibibili ko siya ng helicopter.



"Mahilig ka pa rin sa laruan sa edad mong 'yan?" Sabi ni Nick nang huminto ako sa harap ng toy store .



"Nangako kasi sa pamangkin ko na ibibili ko siya nang laruan pag uwi ko." Sagot ko.



"Why don't we go inside then." Aya nito. Pumasok kami sa loob nang toy store. Ang daming magagandang laruan. I'm sure maglululundag sa tuwa si Miggy kung nandito yun. Agad kong nakita ang remote control helicopter na gusto ni Miggy. He would love this! Halos mabitaw ko iyon nang makita ko ang presyo.



"Ayan na ba ang bibilhin mo?" Tanong nito.



Ibinaba ko ang laruan. "Hindi, masyadong mahal."



"Kunin mo. Ako magbabayad." Sabi nito.



"Huwag na. Ibibili ko na lang siya pag-uwi natin sa Pilipinas."



Kinuha niya ang laruan at dumiretso siya sa cashier at binayaran iyon.



"You don't have to buy it." Sabi ko.



"I want to. Bakit ka ba nangingialam? Hindi naman para sa'yo ito, para ito sa pamangkin mo." Iniabot niya sa akin paperbag. "Sabihin mo binili ito ni uncle Nick para sa kanya."




Ngumiti ako. Ito ang kauna-unahang regalo na matatanggap ni Miggy mula sa ama niya.



"Let's go." Umakbay sa akin si Nick at lumabas na kami sa toy store. We look like a couple! Hindi ko maiwasan kiligin. Bakit ganito pa rin ang epekto mo sa akin Nick?



"Oh my god! Nandito din pala kayo!" Nakasalubong namin si Andi. Kasama niya ang driver nang limousine at bitbit nito ang isang katutak na paperbag na may nakatatak na Louis Vuitton, Prada, Victoria's Secret at kung anu-ano pa.



Tinanggal ni Nick ang pagkaakbay sa akin.



"Pinamili mo lahat yan?" Tanong ni Nick kay Andi.



"Yeah, don't worry binilhan din kita." Nakangiting sagot nito.



"How much did you spend?"



"A couple hundred dollar. But I didn't use my credit card, I'm not that stupid. I used dad's." 



"Kapag nakita ni uncle Harold ang bill niya you're a dead meat." Natatawang sabi ni Nick.



"He can go to hell for all I care." Nagdilim ang mukha ni Andi.



"Don't say that, he's still your dad." Sabi ni Nick.



 Andi rolled her eyes. "Whatever. I don't want to talk about him, nasisira lang ang mood ko." Nag-iba ulit ang timpla nang mukha nito. "So, anong ginagawa niyo dito?"



"Kagagaling ko lang sa meeting. We decided to eat here." Sabi ni Nick.



"I see. Babalik na ako sa hotel, are you guys coming with me?" Tanong ni Andi.



"Yeah, pauwi na din kami." Si Nick.



"Can I use the restroom before we leave." Sabi ko.



"Dalian mo." Sabi ni Nick.



Nagpunta ako sa restroom. I have been peeing alot lately. I'm almost sure that I'm pregnant. I really need to take a pregnancy test! May nadaanan akong Watsons. Maybe I can go there and see if they're selling a pregnancy test. Buti na lang nakalayo ako kay Nick.



Pagkagaling sa restroom dumiretso ako sa Watson. They do sell a pregnancy test. Bumili ako at inilagay ko sa bag ko iyon.



"There she is! Let's go na, my feet are really starting to hurt." Sabi ni Andi.



Pagkadating namin sa hotel dumiretso ako sa kwarto. I went to the bathroom and got out the pregnancy test. I can almost hear my heart beat habang hinihintay ko lumabas ang resulta. After three long minutes tinignan muli kong tinignan iyon. Dalawang pulang linya! Buntis ako.











Nick's POV




Pagkatapos ko samahan si Andi na uminom sa bar sa hotel inihatid ko na siya sa kwarto niya. May sarili akong key card sa suite room. Pagpasok ko sa loob nadatnan kong nasa kama si Cassie at mahimbing na natutulog. She doesn't know that we're sharing room. Baka kasi magpilit siyang kumuha ng sarili niyang kwarto pag nalaman niya.



Pumasok ako sa bathroom para magshower. Tumingin ako sa salamin sa sink at pinagmasdan ang sarili ko. Nagsisimula nang tumubo ang balbas ko, kailangan ko na magshave. Naghanap ako ng razor. Napansin ko ang isang pahabang puting bagay sa gilid ng sink. Kinuha ko iyon at tinignan. It's a pregnancy test with two lines. Ilang minuto ako nakatingin doon bago na absorb ng utak ko. I'm going to be a father! Sigurado ako na ako ang ama nang dinadala ni Cassie. Gusto kong magtatalon sa tuwa. Agad akong lumabas sa banyo at nilapitan ko si Cassie.





"Cass!" Niyugyog ko si Cassie.



"Mmm?" She moaned, still half asleep.



"Cassie, wake up." Gising ko sa kanya.



Bigla itong napaupo. "Nick, what are you doing here?"



"Cassie, you made me so happy!" Niyakap ko siya. Damn! I'm getting teary-eyed.



"Nick..."



"I found the pregnancy test." Sabi ko.



Hindi siya nakapagsalita.



"Tell me you're pregnant and I'm the father." Sabi ko. I want to hear it from her.



"I... I'm pregnant. You're the father." 



"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. God, I can't believe this!"



Tahimik itong nakatingin sa akin habang nagsasalita ako. Pumatak ang luha sa mga mata nito.



"What's wrong?" Pinahid ko ang mga luha niya. She shook her head and hugged me. That night, she fell asleep in my arms while I tell her all the plans I have for our child. I want to be the best dad in the world. I gently stroke her flat stomach. Hindi pa lumalaki ang tiyan niya pero excited na ako sa paglabas ng anak namin. What would the baby look like? Magiging kamukha ko ba ito o kamukha ni Cassie? Is it a boy or a girl?



10 komento:

  1. weee :) may blogspot na si ms author!

    TumugonBurahin
  2. this is better. para mas maprotektahan yung works mo Ms. Rain. sa notes kasi ng FB mas madaling macopy. Super thanks po. :D

    TumugonBurahin
  3. waah ^_^ ate rain .,. hindi na po ba toh ipo-post sa fb ?

    TumugonBurahin
  4. wow! my picture na ren!! cno po ba yan cla??

    TumugonBurahin
  5. That is William Levy and Maite Perroni ng Cuidado Con Angel.. Mexican teleserye..... Di ba bagay yung Character ni Nick at Cassie??

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oo nga po eh. :D ang galing pumili ni author ng face-characters :)

      Burahin
  6. waaaaaaaaaaaahhh ate rain.. sana ma update niyo na po ung chapter forty one cant wait! :))

    TumugonBurahin
  7. nice one ganda2x

    TumugonBurahin
  8. Nakakaiyak...ang galing.. Talagang umiyak aq..

    TumugonBurahin
  9. nice..hahaha ang ganda nitong kwento na to, :)

    TumugonBurahin