Huwebes, Mayo 9, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Two


"Jerome, ano na ang gagawin ko?" Napasubsob ako sa mga palad ko. "Saan ako kukuha ng 20 million?"



"Kung kaya lang kita tulungan gagawin ko. Ni wala nga akong isang milyon eh." Sabi niya.




"Kapag nakulong ako ikaw na bahala sa anak ko."




Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan, "Huwag ka mag-alala, girl. Tatratuhin namin ni Mark na parang tunay na anak namin si Miggy. Bibisitahin ka na lang namin sa kulungan once a month."




"Rome naman eh." Lumabi ako.





"Nagbibiro lang ako." Tumawa siya. "Pero, seriously, girl ang magandang gawin mo magtago ka na."





"No, I would never do that. Pangalan ng pamilya namin ang nakasalalay dito. Mas gugustuhin ko makulong na alam nilang natakasan ako ng business partner ko kesa isipin nila na ako ang nagtakas ng pera sa kanila."




"So, ano na nga plano mo?"





Nagkibit balikat na lang ako. I sipped my coffee. Kahit naman ibenta ko ang mga ari-arian namin hindi pa sapat yun. Baon na sa utang ang Imperial Building Materials inc. ng iwan sa akin iyon ni dad. Akala ko makakaangat na kami sa utang ng kunin kaming supplier sa paggawa ng malaking mall. Hindi ko naman alam na ganito ang gagawin sa akin ng business partner ng dad ko.





Biglang nagring ang cellphone ko. Pangalan ng secretary ko ang lumabas. "Hello, Pauline?"




"Ma'am, tumawag na po yung Cordova Corporation, kailangan na daw po nila yung mga materials."




"Wala na ba tayong mailalabas?" Tanong ko.





"Wala na pong materials, ma'am."




"Sige, ako na ang bahala makipag-usap sa kanila." Binaba ko ang phone. Nagpaalam ako kay Jerome at agad na pumunta sa Cordova corporation. Kailangan ko makausap ang CEO.





"Can I see Mr. Phoenix Cordova?" Tanong ko sa secretary.




"Do you have an appointment?" Tinaasan ako ng kilay ng bruhang secretary.





"No, but I really need to see him."





"Miss, sorry hindi po pwede. Mr. Cordova is a very busy person. Kung gusto mo, hintayin mo na lang siya lumabas." Mataray ba sabi nito.





"Can you at least tell him na ako ang may ari ng Imperial Building Materials incorporation and I really need to see him."




Biglang umamo ang mataray na mukha ng sekretarya. "Oh, I'm sorry. Akala ko kasi you're one of Mr. Cordova's girlfriend." Pinindot niya ang intercom. "Mr. Cordova, the owner of Imperial Building Materials wants to see you."




"Send her in." Sabi ng boses.




"That way, ma'am." Tinuro niya sa akin ang brown na pinto.





Pumasok ako doon. The room was very big. May black leather na sofa at malaking tv. Tanaw na tanaw mo ang buong manila sa floor to ceiling window. May malaking desk sa dulo noon at nakaharap sa window ang swivel chair kung saan nakaupo si Mr. Cordova. Mukhang may kausap sa phone. His voice sounded so familiar. I just stood there for 5 minutes hanggang matapos siya.





Then humarap na ito. I was shocked ng makita ko kung sino ang nakaupo sa swivel chair. "N- nick?"





"Take a seat, Miss Imperial." Sabi niya without an expression on his face. Umupo ako sa upuan sa harap ng desk niya. Tinignan ko siya mabuti baka nagkakamali lang ako pero hindi, siya nga. Si Nicholas de Jesus ang kaharap ko hindi ako nagkakamali.





"Explain to me kung bakit wala pa kayong napapadala na materials sa amin. Hindi ba binigyan kita ng isang buwan?"




"I- um..." I was still in shock.




"Come on, Miss Imperial. I don't have all day." He said in a bored tone of voice.





"Tinakas ng business partner ko yung 20 million pesos." I said, finally.




"Well, hindi na namin yan problema." Sabi niya. "You can go now."




"Nick, please, wag mo akong ipakulong." Shit! I did not know kung ano ang lumabas sa bibig ko.





"Kung hindi namin makuha ang mga materials then we would have to sue you." Sabi niya.




Hell, You should have been in jail 7 years ago! For raping me but I kept my mouth shut! Pinagtakpan ko ang ginawa mo sa akin. Gusto ko sabihin sa kanya iyon pero it just won't come out of my mouth. He doesn't even show remorse sa ginawa niya. I just cried. There, in front of him. Hindi ko napigilan ang pag-iyak. I was so overwhelmed with these emotions. Ilang araw na rin akong stressed. Naghalo halo.




"I know a way kung paano ka makakabayad sa akin." Tumaas ang isang sulok ng labi nito





I stopped crying, "P- paano?"





"Simple lang. All you have to do is have sex with me." Seryosong sabi niya.





"What? That's insane!" Napatayo ako sa kinauupuan ko.




"I know. Twenty million for sex? Some whores only get paid, what? Five thousand? Tapos ikaw you're worth twenty million." He smirked.





"I am not a whore, Nicholas."





"Hindi na ako si Nicholas. I'm Phoenix Cordova."





"Kahit palitan mo pangalan mo at kahit magpakalunod ka sa pera mo. Hindi mo matatakpan ang sangsang ng pagkatao mo." Sabi ko bago lumabas sa opisina niya.

6 (na) komento:

  1. Hanggan dito lng po ba ang chapter 2?

    TumugonBurahin
  2. bakit parang bitin wala na po bang next page sa chapter 1 and 2 po

    TumugonBurahin
  3. ayyyy author bakit po wala ito sa wattpad

    TumugonBurahin
  4. Ay ito ba yung story ni Phoenix Cordova? kala ko kasi iba din ung nakapost sa wattpad.. iisa lng pla.. nalito ako.. db si Phoenix ay si Cassie ung partner niya? Nabasa ko na kasi ung Sex Godess First love..

    TumugonBurahin