Martes, Hunyo 11, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Forty Five

Hindi pa gaano gising ang diwa ko pero pakiramdam ko talaga nasusuka ako. Agad akong tumayo sa kama kahit hindi pa masyadong dumidilat ang mga mata ko at tumakbo sa banyo. Agad akong lumuhod sa toilet bowl at itinapat ang mukha ko doon. Naduduwal ako pero walang lumalabas sa akin. Ang sakit sa tiyan. 

"Cassie, ano'ng nangyari sa'yo?" Napalingon ako sa may pintuan. Nakatayo doon si Nick at agad naman siyang lumapit sa akin.  "Are you alright?"

Tumango lang ako. Ayokong mag-alala pa siya pero ang totoo masamang-masama ang pakiramdam ko at nahihilo ako. Pero alam kong normal na iyon pagnagbubuntis, dalawang beses ko na naranasan iyon. Itinayo ako ni Nick at binuhat niya ako pabalik sa kwarto pagkatapos ay inihiga niya ako sa kama.

"Tatawag ako ng doktor." Sabi niya at kinuha niya ang teleponong nakapatong sa bedside.

"Hindi na." Pigil ko sa kanya. "Okay na ako. Morning sickness lang ito."

"Kahit na. Kailangan mong magpatingin sa doktor." Pilit niya.

"Babe, I'm ok. Huwag ka ngang OA." Natatawang sabi ko.

"Are you sure?" Tanong niya.

"Yes." Sagot ko.

Tumingin siya sa tiyan ko at hinaplos iyon. Yumuko siya at tumapat dito. "Baby, huwag mo naman pahirapan masyado ang mommy."

Hinaplos-haplos ko ang buhok ni Nick. "Hindi ka pa maririnig niyan. Ilang weeks pa lang yan."

"Nakakaintindi na siya. Tignan mo." Itinaas niya ang pajama top ko at humarap sa tiyan ko. "Do you know that daddy loves you?" Idinikit niya ang tenga niya sa tiyan ko.

"Sumagot ang baby natin, yes daw." Sabi ni Nick.

Tumawa ako. "Sira ka talaga. Teka, gigisingin ko na ang mga bata."

"Ako na ang bahala sa kanila. Magpahinga ka na lang." Sabi niya.

"Ano ka ba? Ok lang talaga ako. Promise." Sabi ko.

"No, stay in bed. I'll take care of the kids." Pinigilan niya akong tumayo.

"I don't want to stay in bed. Mababagot lang ako dito." Reklamo ko.

Hindi niya na ako pinigilan ng bumangon ako at ginising ang mga bata. Sabay-sabay kaming kumain ng almusal. Pagkatapos namin kumain pinaliguan ko na ang kambal at binihisan. Si Miggy naman, ayaw na niya na masyado ko siyang inaasikaso kasi malaki na daw siya. 

"Ang bango-bango naman ng mga baby ko, pakiss nga." I gave them both sniff-kisses.

"Miggy, nagawa mo ba ang mga homeworks mo?" Humarap ako kay Miggy.

"Yes, ma. Dad helped me with my homeworks last night." Sagot niya.

"Good. Akala ko puro video games na naman ang inatupag niyo ng daddy mo." Sabi ko. Maaga kasi akong natulog dahil kagabi pa lang nahihilo na ako kaya si Nick na ang nag-asikaso sa tatlo.

"Let's go, kids." Sabi ni Nick.

"Halika na, baka ma-late pa kayo." Sabi ko sa mga bata. 

"Miggy, ubusin mo yung baon mo. Huwag puro junk foods ang binibili mo sa school." Sabi ko sabay halik sa kanya. 

"Okay." Sagot nito. Pumasok na ang tatlo sa kotse.

Lumapit naman sa akin si Nick.

"Magpahinga ka na, Cass. Maaga ako uuwi para may kasama ka dito, may kailangan lang akong tapusing trabaho pero sandali lang iyon." Sabi ni Nick.

Tumango ako. He gave me a quick kiss on the lips.

"I love you." Sabi ko.

"I love you, too." Sabi ni Nick at pumasok na siya sa kotse. Kumaway ako sa kanila at sinimulan na ni Nick paandarin ang sasakyan. Pumasok na ako ng makaalis sila. I want to crawl back into bed and sleep all day. And that's what I did. Bumalik ako sa kwarto, humiga sa kama at muling natulog. 


Nagising ako ng marinig kong magbukas ang pinto ng kwarto. Baka si Nick na iyon dahil sabi niya maaga siyang uuwi.

"Nick?" Tawag ko sa kanya.

Walang sumagot. Tumayo ako para sana lumapit sa pinto ng biglang may humatak sa akin mula sa aking likuran at tinakpan niya ang bibig ko. Agad akong nag-panic.

"Kapag nag-ingay ka lalaslasin ko yang lalamunan mo." Banta ng pamilyar na boses at tinutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg. Lumingon ako para makita kung sino iyon at laking gulat ko ng makita ko si Tiffany. 

Hinatak niya ako sa buhok papunta sa banyo at pabalang na binitawan ako kaya napasubsob ako sa sahig.

"Tigilan mo na kami Tiffany!" Sabi ko.

"Titigil lang ako kapag nawala ka na at napasaakin na si Phoenix." Nanlilisik ang mga matang sabi niya. She's crazy. Natatakot ako sa kung ano'ng pwedeng gawin niya sa akin.

"Kapag nawala ka, magiging akin na ulit si Phoenix. Ako na ang mamahalin niya! Kailangan mawala ka..." Humalakhak siya.

"N-nababaliw ka na!" Napaatras ako habang lumalapit siya sa akin. Hanggang sa tumama na sa pader ang likod ko at wala na akong maatrasan. Itinaas niya ang kamay niya na may hawak na kutsilyo pero bago niya naisaksak sa akin iyon nahawakan ko siya sa pulso niya.

"T-tiffany... m-maghunos dili ka. P-pag ginagawa mo ito makukulong ka. H-hindi mo din makakasama si Nick." Nanginginig ang boses ko. 

Natigilan siya at madali kong natabig mula sa kamay niya ang kutsilyo. Hinatak niya ang buhok ko at sinabunutan ako.

"Dapat hindi ka na bumalik! Masaya na kami ni Phoenix!" Galit na sabi niya habang patuloy ang pagsabunot sa akin. Sinubukan kong lumaban pero hindi ko siya maabot. Nang mapahiga ako, pinagtatadyakan niya ako. Nakaramdam ako ng sakit sa tiyan. I curled up in a fetal position to protect my stomach. Kailangan kong protektahan ang batang dinadala ko. Diyos ko, sana walang mangyaring masama sa baby ko.

"M-maawa ka, buntis ako."  Umiiyak na sabi ko.

"I'll kill you and your baby! Ako lang at ang baby ko ang dapat mahalin ni Phoenix." Sigaw niya habang patuloy ang pagtadyak sa akin. Nagmakaawa ako sa kanya na huminto siya pero lalo niyang nilakasan ang pagtadyak sa tiyan ko. Nanghihina na ako sa sakit at may naramdaman akong likidong tumutulo sa hita ko. Nang ibaba ko ang tingin nakita kong umaagos ang dugo.

"A-ang baby ko..." Napahagulgol  ako. Wala na ang baby ko. Hindi ko na ininda ang pisikal na sakit dahil mas masakit sa pakiramdam ang mawalan ng anak.

"Huwag ka mag-alala. Sandali na lang, magsasama na din kayo ng baby mo. You will bleed to death." Huminto na siya at umupo sa tabi ko habang ako ay namimilipit sa sakit. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. Nanghihina na ang katawan ko at hindi na ako makagalaw. Wala pa rin tigil ang pag-agos ng dugo ko. Tahimik akong nagdasal. I don't think I will make it out alive.

"Ipikit mo na ang mga mata mo. Sleep." Narinig kong sabi ni Tiffany. Nagdidilim na ang paningin ko at bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Pero kapag pumikit ako baka hindi na ako magising. 





Nick's POV

Kanina pa ako hindi mapakali. Iniwan ko na ang trabaho ko at nagpasya na akong umuwi. Kagabi pa kasi masama ang pakiramdam ni Cassie. Dapat hindi na lang ako pumasok sa opisina ngayon para nabantayan ko siya.

Bumusina ako sa tapat ng gate at binuksan agad iyon ng mga guard na nagbabantay sa labas. Ipinasok ko ang kotse at hininto ko sa harap ng mansyon. Bumaba ako ng kotse at pumasok sa loob.

"Wena, nasaan si Cassie?" Tanong ko sa katulong namin ng masalubong ko siya.

"Hindi pa po bumababa si ma'am Cassie, sir." Sagot niya.

Agad akong umakyat sa kwarto namin. Nagtaka ako ng makita kong wala naman tao doon. Naisip ko baka nasa bathroom ito. Lumapit ako sa pinto ng banyo at sinubukan kong buksan pero naka-lock iyon.

"Cass..." Tawag ko sa kanya sa. Kumatok ako. "Cassie, masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Tatawag na ako ng doktor."

Walang sagot mula sa kanya. Muli akong kumatok pero wala pa rin. Nagsimula na akong mag-alala. Baka kung ano na ang nangyaring masama sa kanya.

"Cassie, open the door." Sabi ko pero ng wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kanya kinuha ko na ang susi at binuksan ang pinto.

Nagulat ako sa nakita ko. Nanlamig ang aking buong katawan. Nakahiga ang asawa ko sa sahig na puno ng dugo. Wala itong malay. Agad akong lumapit sa kanya a binuhat siya.

"Cassie..." Mangiyak-ngiyak ako habang pinagmamasdan ko ang maputla niyang mukha. Baby, please don't die on me. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka.

Dali-dali ko siyang ibinaba at sinakay sa kotse. Pagkatapos ay pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang nagmamaneho. Diyos ko, iligtas niyo po ang asawa ko.

17 komento:

  1. you're such a bitch Tiffany sana masagasaan ka... potragis nayan... kaurat lang ang babaing yan ha kilan pa ba yan mawawala sa kwento nakakainis na

    TumugonBurahin
  2. sama talga ni tiffany sarap xa ibitin patiwarik dinamay p tlga ung baby

    TumugonBurahin
  3. wow! tiffany is really an effective antagonist!!!! a devil antagonist! grabe di ko kinaya ang pag iisip nya! what a psycho >.>

    TumugonBurahin
  4. sarap ipalapa sa pirana si tiffany! haha :D

    TumugonBurahin
  5. Wtf!! Di dapat pinababayaang nakakawala si tiffany eh. Dapat dyan kinukulong para di nakakaperwisyo ng ibang tao. -_-

    TumugonBurahin
  6. ipamental niyo na si Tiffany, nababaliw na siya. super obsess siya kay Nick eh.

    sana mabuhay si Cassie. kahit si Cassie nalang kasi sure na wala na ung baby :(

    TumugonBurahin
  7. Patay kang Tiffany ka. Katapusan n ng kahibangan mo.

    TumugonBurahin
  8. sana hindi mamatay ung baby.

    TumugonBurahin
  9. syete na malagkit...nakakapanggigil na>.<

    TumugonBurahin
  10. NAPAKA - WALANGHIYA NI TIFFANY!

    TumugonBurahin
  11. i want to kill Tiffany Grrrrrrrrrr....

    TumugonBurahin
  12. Piste ka tiffany. Die bastard bitch! Nako! Nangigigil ako sayo. Yung ganda mo siguro katulad sa ugali mo ang SAMA at ang PANGET. XD

    TumugonBurahin
  13. OHHH SHIT KA TIFFANY ... mabubulok ka sa kulungan nakakainis ka bwisit ka pag may nangyaring masama kay cass ipapabugbug kita para ikaw naman ang mawala, sa ginawa mo hinding-hindi ka na babalikan ni nick .. madapa ka...

    TumugonBurahin
  14. Carmela Jane TagalaHunyo 25, 2013 nang 2:45 AM

    Alam niyo yung pinigilan ko ang sarili ko na mag.comment? Pero 'di ko napigilan dahil a letcheng Tiffany na 'yun!!! GRRR!!! Fuck you Tiffany!!!

    TumugonBurahin
  15. this is for you Tiif .|. :)

    TumugonBurahin
  16. Grrrrrr! nakakainis si Tiffany! Kapag namatay yung baby nila. nakuuu!!

    TumugonBurahin
  17. Okaaay. What did you just do Tiffany? Putangina mo bruha. -.-

    TumugonBurahin