Miyerkules, Hunyo 12, 2013

Sleeping With My Rapist - Chapter Forty Six

Stefan's POV


Sunod-sunod ang pag-pindot ng doorbell ng kung sinuman iyon. 

"Sandali! Hindi ka ba marunong maghintay?" Inis na sigaw ko. Naririndi na ako sa tunog ng doorbell. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin si Tiffany. Agad itong pumasok sa unit ko at mabilis na isinara ang pinto.

"Tiffany!" 


"Itago mo ako!" Sabi niya. 

Napakunot ang noo ko. "Bakit kita itatago?"

"Kailangan kong magtago baka hulihin nila ako." Sabi nito at nagpalakad-lakad buong kwarto ko. Sinundan ko siya.

"Sino huhuli sa'yo?" Tanong ko.

"Ang mga pulis. Kapag nalaman nilang pinatay ko si Cassie, makukulong ako." Sabi niya na labis na ikinagulat ko.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at iniharap sa akin. "Ano'ng ginawa mo kay Cassie?"

"Pinatay ko siya! Kailangan kong gawin iyon para mahalin na ako ni Phoenix. Kaya pinatay ko siya. Wala na si Cassie." Nakangiting sabi nito. Nakakakilabot ang mga ngiti niya, parang wala siya sa sarili. Nakaramdam ako ng panghihina sa narinig ko. Patay na si Cassie?

"You're... you're crazy." Napabitaw ako sa kanya at napaurong.

"Kailangan kong  gawin iyon! Si Cassie ang hadlang sa pagmamahalan namin ni Phoenix. Naiintindihan mo ba iyon?" Sigaw niya.

"Kapag hindi mo ako tinago. Makukulong ako at baka may mangyaring masama sa baby natin. Gusto mo ba yun?" Niyakap niya ako. Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakayakap sa akin. 

"Dito ka lang. Huwag kang aalis, babalik ako." Sabi ko sa kanya.

"Stefan, saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Cassie. Lumabas ako ng condo unit ko para puntahan siya. Sana hindi totoo ang sinasabi ni Tiffany. Sana hindi pa patay si Cassie.







Nick's POV

"Hanggang dito na lang po kayo." Pinigilan ako ng nurse na pumasok sa pinto. Nakatanaw lang ako sa maliit na bintana sa kwarto. I ran my fingers through my hair and closed my eyes out of worry. Sana walang mangyaring masama kay Cassie. Oh God, I'm almost sure she lost the baby dahil kahit sa kotse hindi pa rin humihinto ang pagdudugo niya. 

She was fine when I left her. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Dapat hindi na lang ako pumasok sa opisina. Dapat binantayan ko na lang siya. Nanghihinang napaupo ako sa silya sa tabi ng pinto. Diyos ko, huwag niyong pababayaan ang asawa ko. Ilang oras akong naghintay sa labas ng kwartong iyon at hindi ako mapakali. 

"Nasaan si Cassie?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Jerome. Lumapit ito sa akin.

"Nasa loob pa." Pinunasan ko ang luha ko.

"Ano na naman ba ang ginawa mo sa kanya? Puro na lang pasakit ang binibigay mo kay Cassie. Walanghiya ka talagang lalaki ka." Galit na hinarap ako ni Jerome.

"I... I didn't do anything. Maayos naman siya nang umalis ako pero pagbalik ko nakita ko na lang siya sa loob ng banyo. She was bleeding." Tuwing maaalala ko ang nadatnan ko sa banyo hindi ko maiwasang mapaluha ulit. It was a horrible sight. Kung pwede lang akong pumalit sa kalagayan niya, ginawa ko na.

Napaupo din ito sa tabi ko. "Gago ka kasi! Bakit hindi mo binantayan ng maigi si Cassie! Alam mo naman buntis yun." Mangiyak-ngiyak na ito. I agree with him. Gago talaga ako! Napaka-walang kwenta kong asawa. Sinapo ng dalawang palad ko ang mukha ko at hindi ko napigilan ang umiyak. 

Maya-maya ay lumabas ang doktor mula sa pinto. Agad akong lumapit sa kanya.

"Kamusta ang asawa ko at ang baby?" Agad na tanong ko.

"Unfortunately, we couldn't save the baby. She had a miscarriage due to abdominal trauma. Marami ang dugong nawala sa kanya kaya kailangan namin siyang salinan ng dugo, ang problema rare ang blood type niya at kahit sa blood bank kayo magpunta mahihirapan kayong makakuha. Kailangan niya na masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon dahil pwede niya iyon ikamatay." Sabi ng doktor.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Wala na ang baby namin. Cassie's life is still in danger. Kung wala lang ang doktor sa harap ko I probably would have broke down. 

"Ano ba ang blood type niya?" Tanong ko. 

"She's AB negative." Sagot ng doktor. Kahit saang impyerno pa makikita ang blood type niya hahanapin ko iyon. Hindi na pwedeng mawala ulit sa akin si Cassie.

"AB negative ang blood type ko." Napalingon ako sa likod ko. Stefan is standing behind me. Tinitigan ko siya ng masama. That asshole! 

"Well then, our problem is solved." Sabi ng doktor. Isinama niya si Stefan para kuhanan ng dugo.

Napalingon ako kay Jerome. "Ikaw na ang nagpapunta sa kanya dito?"

"Hindi no!" Tanggi niya. "Saka hindi ka ba natutuwa. Buti na lang dumating si Stefan! Kung hindi, mahihirapan pa tayo maghanap ng ka-match ng blood type ni Cassie."

Tama siya. Kahit gusto kong basagin ang mukha niya nakatulong naman siya.



Nasalinan na ng dugo si Cassie at nailipat na sa private room. Akala ko mawawala na siya sa akin. Thank God she's okay now. Pinuntahan ko ang kwarto niya.

Nakahiga si Cassie sa hospital bed at may nakaturok sa kanyang IV fluids. Maputla pa rin ang mukha niya pero hindi na kasing putla noong natagpuan ko siya sa banyo. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang kamay niya. Hinalikan ko iyon.

"I thought I was going to lose you." Sabi ko. Naramdaman kong gumalaw ang kanyang kamay. Napatingin ako sa kanya at unti-unti niyang nagmulat ang mga mata niya.

"N-nick..." Tawag niya sa akin.

"Baby." I kissed her on the forehead.

Biglang nag-panic si Cassie at napahawak sa tiyan niya. "A-ang baby ko?"

Humugot ako ng malalim na hininga. Nagtubig na naman ang mga mata ko ng maalala ko ang pagkawala ng aming anak. Hindi agad ako nakapagsalita.

"Nick, ano'ng nangyari sa baby natin?" Basag ang boses na tanong niya. 

"The baby is gone." Pagkasabi ko ay bumagsak ang luha ko.

Tahimik na umiyak si Cassie. Niyakap ko siya at hinimas-himas ang kanyang likod at hinalik-halikan ko ang noo niya. We just hugged each other and cry.

"Ang mga bata, nasaan sila? Nasaan na sila Miggy?" Humiwalay sa pagkakayakap si Cassie.

"Na kina Andi ang mga bata. Siya muna ang magbabantay sa kanila habang nandito ka pa sa ospital." Sagot ko.

"Baka mapuntahan sila ni Tiffany. Baka kung anong gawin niya sa mga anak natin." Takot na sabi nito.

"Bakit ba natatakot ka kay Tiffany?" Tanong ko.

"Siya ang dahilan kung bakit nawala ang baby natin. Pinuntahan niya ako sa kwarto at tinutukan ng kutsilyo at dinala sa banyo. Pinagtaatdyakan  niya ang tiyan ko hanggang sa magdugo ako. Nick, natatakot ako sa kung anong pwede niya pang gawin. Baka idamay niya ang mga bata." Puno ng pag-aalalang sabi niya.

Nagtagis ang mga bagang ko at napakuyom ang mga palad ko. She killed my child and put my wife's life in danger. I want to strangle her to death. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Tiffany. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa anak ko at sa asawa ko.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jerome kasunod si Stefan.

"OMG girl gising ka na!" Tili ni Jerome at patakbong lumapit kay Cassie sabay yakap. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Ok na ako." Sabi ni Cassie.

Nagtama ang tingin namin ni Stefan. Hindi ko pa rin nakakalimuta ang ginawa niya kay Cassie noon at gusto ko siyang patayin.

"Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Tatayo sana ako para lapitan siya pero hinawakan ako ni Cassie.

"Nick." Pigil niya sa akin.

Nagbaba ng tingin si Stefan. "May kailangan kayong malaman."

Natuon ang atensyon namin tatlo sa kanya. Hinintay namin ang susunod niyang sasabihin,

"Tiffany and I knew each other since we were a kid." Simula niya.

"You bastard! Kasabwat ka ni Tiffany, ano? Ang kapal ng mukha mong magpunta dito pagkatapos ng ginawa niyo sa asawa ko!" Galit na sabi ko. Susugurin ko na dapat siya ng hatakin ni Cassie ang kamay ko.

"Hayaan mo muna akong magsalita." Sabi ni Stefan. Muli akong umupo at pinakinggan ko ang sasabihin niya. "I was really in love with Tiffany. Minahal ko siya kahit alam kong ikaw ang mahal niya. Nang magbalik si Cassie sa buhay mo, Tiffany felt threatened. Kaya nagdesisyon siyang magpabuntis sa akin dahil hindi ka pumapayag na makipagtalik ng walang proteksyon."

It is true. I never had unprotected sex with her or any women I've gone to bed with except my wife, of course. Pero naniwala ako kay Tiffany dahil may posibilidad pa rin naman na mabuntis ang isang babae kahit may proteksyon. And I knew Tiffany wasn't seeing any guy other than me.

"She got pregnant with my child. Akin ang batang pinagbubuntis niya at tinatakot niya ako na kapag nagsalita ako ipapalaglag niya ang bata. Inutusan niya akong ligawan si Cassie para lalo kayong mapalayo sa isa't isa." Sabi nito at napatingin kay Cassie. "Cassie, yung pagkikita natin sa bar hindi iyon aksidente, sinadya ko iyon pero gusto kong malaman mo na lahat ng ipinakita ko sa'yo ay totoo. I really fell in love with you and I still love you."
Ang lakas ng loob ng gagong ito! Sa harap ko pa talaga. Walanghiya. Akin lang si Cassie.

"Pero alam ko kung gaano mo kamahal ang asawa mo. I knew you didn't love me. Ganun pa man, masaya ako para sa inyo at humihingi ako ng tawad sa mga nagawa ko." Sabi ni Stefan.

"Kasabwat ka nga ni Tiffany!" Giit ko.

"Wala akong kinalaman sa ginawa niya kay Cassie. Pinuntahan niya ako kanina at gusto niyang itago ko siya dahil pinatay niya daw si Cassie at baka hinahanap na siya ng mga pulis. Iniwan ko siya at nagpunta ako sa mansyon niyo, doon ko nalaman na itinakbo si Cassie sa ospital." Paliwanag niya.

"Ibig sabihin, alam mo kung nasaan si Tiffany?" Tanong ko.

"Oo, nasa condo ko pa rin siya." Sagot nito.

Hindi na ako mahihirapan ipahuli siya dahil alam ko na kung nasaan siya. Agad akong tumawag ng pulis para magsampa ng kaso at maipakulong na ang hayop na iyon. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan sa ginawa niya kay Cassie at sa magiging anak dapat namin.

23 komento:

  1. Mga Tugon
    1. Its Party Time!!!! Lumabas n ang totoo!! Yeh boy.Teach me how to dougie na tayo....Makukulong n c tiffany!!!

      Burahin
    2. wuhoohooooohoooo........mawawala ka na sa buhay nila tiffannyyyy....magsaya ka sa kulungan huh!

      Burahin
  2. Yeeyyy \^_^/ magbunyi!!! Lagot ka ngayon tifany baliw ka,,,mamatay kna s kulungan,,mbulok k dun,,wlang kwentang babae,hayop pti s sriling nya ngan ank wla xa paki,gaga tlg,

    TumugonBurahin
  3. hahaha!!!., yun OOH!! bye-bye tiffany.,
    enjoy the new jail HOUSE!! baliw!
    kawawa ang baby nina nick., peru k lng., masipag naman silang gumawa., hahaha!

    TumugonBurahin
  4. Patay na yung baby. T3T Bwiset na bruha!!

    TumugonBurahin
  5. Too much love can kill you. Yun nga lang ang karma ni Tiffany.

    TumugonBurahin
  6. I knew it! Di nga kay nick ang baby ni tiffany! Intrimitidang babae. Sarap kalbuhin!

    TumugonBurahin
  7. like n like...

    TumugonBurahin
  8. SABI NA EH !!! DI TALAGA ANAK NI NICK YUN ! BWAHAHAHAHHAHA LAGOT KA NA TIFANNY GIRL ;)

    TumugonBurahin
  9. THIS IS IT! Pero feeling ko magsu-suicide si Tiffany... Oh, well. I can't wait for the next update. :)

    TumugonBurahin
  10. patayin c tiffany..pakaen sa patingt

    TumugonBurahin
  11. wala pa din po update? huhu...

    TumugonBurahin
  12. :) pinilit ko talagang bashin tong story buong gbi. at natapos ko til this chapter!!! bow to the author! :D nnice story :)

    TumugonBurahin
  13. kawawa naman yung baby huhuhuhuh.. tiffany oras mo na ngayon say hello to death lagot ka kay nick...

    TumugonBurahin
  14. Read all your chapters since last night, naun ko lang natapos.. Update pa please :D

    TumugonBurahin
  15. ohMEGEDD. can't wait for the next UD >3<. now, now, now, TIFFANY GO TO HELL :P

    TumugonBurahin
  16. worth it ang pagpupuyat kong basahin to. Ang ganda ng kwento. >3<

    TumugonBurahin
  17. As i predict. Si steffan ang ama ng dinadala ni tiffany at napagutusan lamang siya..
    hahaha! may future ako sa bilang future teller :)

    TumugonBurahin